"Good evening po tita, kamusta na po kayo ni tito?"
Bati ko sa mom ni Ara. At nag beso.
"Hi po tita, kamusta naman po?"
Si Carol na kakapasok lang dahil siya yung nag sara ng gate.
"Mabuti naman mga ija, eh kamusta naman ang anak ko? lagi ba pinapasakit ulo niyo? Haha"
"Nako tita, kung alam niyo lang po"
Si Donkey.
"Grabe Carol ah!"
Si Ara habang nag hahain sa kanilang hapag.
So ayun, kumain kami kasama ang pamilya ni Ara, sanay na sila sakin na matulog dito every weekend. Minsan lang sumama si Carol, dahil alam naman namin na lagi siya namimiss ng batang kapatid niya.
"Guys tulog na Ako"
Paalam niya samin ni Ara at pumasok na ng guest room.
Hindi kasi sanay si Carol na may katabi matulog.
"Hindi pa ba ikaw matutulog, i mean tayo?"
Tanong ko sa kanya, natulog na kasi yung isa.
"May papakita ako sayo"
At hinila niya yung kamay ko, at ako naman nag patangay lang kung saan siya pupunta, umakyat kami ng atic.
"Sit here, and may papakita Ako"
At umupo naman ako dun sa single couch.
Hinila niya yung baul papalapit sakin, at binuksan ito. at kinuha niya yung folding chair at naupo.
"Ikaw ba yan?"
Turo ko dun sa picture na kung saan mukhang five years old pa lang siya, at umiiyak sa duyan.
"Bakit ka umiiyak diyan sa litrato? Pero ang cute mo, short hair na apple cut"
Tanong ko sa kanya, pero infairness ang cute niya talaga.
"Ayaw ko kasi ng dinuduyan, nahihilo ako, and i feel dizzy kapag umiikot yun fan. In short madali akong mahilo, pero hindi ako nahilo kapag sa sisaw"
Paliwanag niya. Ah ganun kaya naman pala naiyak si baby Ara sa picture Haha na amaze ako sa sinabi niya, para yun lang nahihilo na siya.
"Wait ano to? Anong meron sa pic. Na ito?"
Dun sa picture kasi may kasama siyang girl at mas matangkad siya. Mag kaakbay sila tapos medyo nag bend ng knees si Ara para makaakbay sa kanya yung babae.
"Bakit nakatakip yung mukha niya?"
Tanong ko dahil may black tape yung mukha nung babaeng kasama niya.
"Hep wag mong tanggalin, matagal na yan diyan sa picture"
Pigil niya sakin nung akmang aalisin ko yung tape.
"Childhood friend ko. Mga nasa eight years old kami pareho niyan that time. Pero hindi na kami masyado close ngayon"
Mababakas ang lungkot sa himig ng kanyang pananalita.
"Meron pa ba kayong photos together?"
"Dito sa album na to, puro pictures namin. Simula noong pag kabata at hanggang sa pag laki namin ay nan diyan"
Sabay abot sakin ng isang album.
Binuksan ko iyon, at tinatanong sa kanya yung mga story behind the pictures, and kinwento naman niya.
"Saan to? Ang ganda, yung smile niyo pareho parang sobrang saya"
nasa mga thirteen years old sila sa picture.
Pero tulad ng kanina puro bibig lang ang makikita sa face nung childhood friend niya.
"Ah, sa swing set nila yan. every day nasa kanila ako, even weekdays kailangan mag stop by muna ako sa bahay niya, kahit pagod na ako galing school, I mean kami"
She explained.
"Eh ito?"
Dun sa picture kasi. Mukhang nasa itaas sila ng roof.
"Ah nag star gazing kami niyan, dala pa nga namin yung telescope nila. Dito yan, sa bubong namin. Gusto mo i-try?"
Pag-aya niya sakin.
"Uhm..sure!"
Masigla kong tugon.
Then ayun. May binuksan siya sa wall nila at nilabas yung hagdan and then umakyat kami pataas sa binta. Mukhang dun kami dadaan.
Nilatag niya yung blanket at humiga.
After a moment of silence.
"Are they the same stars that light up the sky when we're not even born. Or the stars that our ancestors see in the darkness of night?"
Napalingon ako sa kanya.
"I lost my star, and now I'm trying to find it back. But it seems to impossible, how can i bring it back? When i can't even bring the old me the way i used to be myself before. But i guess in the second time around, cupid struck the wrong heart "
"Why find the old one if you can replace it?"
Opinion ko.
"Exactly! There so many girls in this world. Like fish in the sea, why would I be wasted by losing one if I can bait another fish. But here's the twist, i value everything"
Paliwanag niya sa opinion ko.
"Pero what if, it's really not meant for you. Kaya mo naiwala, or way iyon para mahanap mo yung para sayo..."
I pause for a moment.
"Parang roadblocks, they prevent you to be on the paths not meant for you, so if i were you. I will wait for the right time and let things fall into right places, everything that's worth having is worth waiting"
Mahaba kong pag Paliwanag kay Ara, sana na intindihin niya or bigyan ng pansin yung sinabi ko.
"I will enjoy while finding the right paths for me, while waiting for things to fall to its right places"
She pause for a moment.
"And for that right person"
At sinimulan na niyang maghanap ng star pagkatapos.
Hindi ko na tinanong baka umiyak at hindi ako ready na I handle siya kapag nag break down at mahulog pa kami ang taas pa naman ng bubong nila.
Nakatingin lang ako sa kanya.
"Ayan!..nahanap ko na, tayo ang stars na yan. That symbolize's us, so every time na mamiss mo ako or miss kita. We can look at it, diba?"
Dalawang stars na malapit sa isa't isa na medyo malapit sa isang pang star. unlike the other stars super layo sa ibang stars.
"Kaya I love you best!"
Sabay yakap sa kanya patagilid at hindi naman ako nabigo dahil niyakap niya ako pabalik.
"I love you too"
Bulong niya.
WHAT?!
"Best"
Parang nang hinayang ako dun ah, parang yung post sa twitter nung isa sa mga ships ko nag post ng pic si gurl tapos yung caption " 'For Real ♥' tapos biglang may '#Char' " ok na eh.
Hopia na lang gagawin kong umagahan, tanghalian, merienda, at hapunan. Pati love life ko dinaig na Hopia ng Eng Bee Tin .
Ok moving on.
"Uhm...tulog na tayo, pasok na tayo sa loob so we can sleep na. Remember mag punta pa tayo ng church kasi Sunday Bukas"
At pumasok na kami sa loob. Nag timpla siya ng milk para samin Dalawa.

BINABASA MO ANG
THE OPEN REVOLUTION : MIKA AND ARA FAN FICTION
FanfictionNO MATTER WHERE I RUN, I JUST END UP RUNNING INTO THE SAME FANTASY.