CHAPTER SEVEN

236 10 0
                                    

Pagkatapos kumain ng miryenda ay pinuntahan ko si mama sa garden na ngayon ay nag didilig.

"Ma!"

Sabay yakap sa mama ko ng patalikod.

"Oh bunso! Bakit ka nandito, hindi mo ba kasama si Ara?"

Tanong ni mama ng mapansin wala si Ara.

"Umuwi na ma"

"Hindi ako sanay. Bakit daw napaaga ang uwi?"

Tanong niya sakin.

"Masama daw ang pakiramdam niya"

After kasi ng tryout biglang nag paalam na uuwi na siya agad kasi masama daw pakiramdam niya.

Gusto ko pa naman na i-celebrate namin yung pag pasok niya sa volleyball's team ng school.

"Ah ganon ba? Paki sabi kamo sa kanya na mag pagaling at makabisita dito"

"Opo"

Sagot ko na lang.

Nalungkot ako Bigla at napansin iyon ni mama.

"Anak may problema ba?"

Nag aalala niyang tanong.

"Wala Ma' pagod lang siguro"

"Anak kung meron kang problema wag kang mahihiya samin na mag sabi, nandito kami ng papa at kuya mo"

Habang dinidiligan yung mga halaman namin.

"Ma' may kaibigan kasi ako, nag kakagusto na kasi siya best friend niya pero kahit naman magka gusto na siya ng tuluyan, eh, hindi naman siya gusto nung best friend niya."

"Gusto mo siyang payuhan?"

Tanong nito Sakin.

"Parang ganon na nga"

Naaalangan na sabi ko.

"Alam mo anak ang hirap ng sitwasyon ng kaibigan mo, "

Komento nito.

"kung may feelings siya sa best friend niya maraming pwedeng mangyari o magbago sa samahan nila kasi kung aamin siya pwedeng mutual or hindi ang feelings nila for each other. Kung umamin naman at hindi mutual at tanggap naman ng kaibigan niya ay mabuti kung ganon, pero may possibility din na magalit or ayaw ng friend niya sa feelings niya"

Mahaba niyang litanya.

"Pano kung confuse lang yung friend ko?"

"Bunso, bakit mo naman nasabi?"

Balik tanong niya.

"Kasi Ma' they're not in the opposite gender, pareho sila. And takot siya na masira yung friendship kapag hindi nag work out yung sa kanila or kapag hindi mutual, hindi pa naman niya mahal, siguro na d-develop pa lang sa crush or starting to liking her best friend pero ayaw niya ng nararamdaman niya ayaw niya i-risk yung kung anong meron sila. and most of all ano na lang sasabihin ng iba?"

Paliwanag ko.

"anak hindi masama ang mag mahal, kung sa tingin ng iba ay di tama at alam ko na mali yan papasukin ng kaibigan mo. Pero anong karapatan natin na diktahan sila at desisyon nila yun. yung mga taong ayaw. hayaan na lang sila kasi hindi naman nila alam ang mapunta sa ganong sitwasyon kaya nila nahuhusgahan ang mga taong ganon. pero anak kung ganon sila na huhusgahan nila ang mga taong ni hindi nila kilala o ni hindi nila alam ang pinagdadaan, ay wala tayong magagawa. kasi Anak, sa totoo lang mahirap maging third sex person. Alam mo naman kung bakit"

Pinatay na niya yung tubig at tinuon sakin ang atensyon.

"At tungkol naman dun sa pag sugal.
Anak kung hindi ka tataya wag kang aasa na manalo. kasi hindi ka naman sumugal"

THE OPEN REVOLUTION : MIKA AND ARA FAN FICTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon