Three grading period ang lumipas.
Kasama parin ako sa Top students ng klase. Kahit minsan nag c-cutting classes. Stable lang ang mga grades ko. And yung dalawa kong kaibigan, okay naman sila sa pag-aaral minsan tinatamad lang talaga kaya tumatakas. Na dadamay pa Ako, haha pero gusto ko din naman. Boring kasi minsan mag turo, kaya ayun tumatakas kami sa klase.Si Ara. Masasabi ko na mag best friend na talaga kami, I know her family and she knows mine. Sleep over sa house niya o samin kapag Fridays and weekends.
Nood ng movie sa cinema, kaming mag kakaibigan. Kapag nagka-ayaan, nag sleep over narin kami sa bahay ni Carol na dati ay kami lang na dalawa ni Donkey.
I discover din na it's not Carol who likes to skip class, it was Ara. Such a rebel kid.
And nag karoon din ako ng chance para makausap si tita, mama ni Ara. Sabi sakin ni tita hindi naman talaga pasaway si Ara, naging ganon lang daw ito simula ng masaktan at hiwalayan ng kanyang dating matalik na kaibigan. Ang sagot ko pa nun kay tita, ay napaka walang kwenta ng babaeng nanakit kay Ara. Pero tawa lang ito, hindi ko naman din pinilit itanong kung bakit siya natawa. At naalala ko pa na alagaan ko raw ang kanyang Anak, syempre naman umo-oo Ako. Best friend ko yun at mahal na mahal ko siya na para bang kapatid .
..........
Nag punta kami ni Ara sa playground malapit sa bahay nila. sa isang Exclusive Village kasi siya nakatira.
Umupo kami pareho dun sa swing.
"Mika, may volleyball tryout. Kaya hindi ako makakasabay sa inyo Bukas"
Sabi ni Ara, So open na pala ang tryouts Bukas.
"Hindi, samahan kita. Magkikita si Carol at yung girlfriend niya kaya, may kasabay na siya"
Paliwanag ko sa kanya.
"Bakit ka nag volleyball? I mean bakit volleyball ang napili mong sport?"
Tanong ko sa kanya.
"Mahabang kwento wag na"
"Ano ba yan ayaw mag kwento"
"Maganda kasi ako kaya ayaw ko mag kwento hahaha"
Buong pagmamalaki niya, na hyper ata siya? Haha
"Grabe sobrang mahangin!"
"Whatever Hahaha"
"Pikon bleh"
Napaka pikon ng babaeng to.
"May na gugustuhan ka na ba?"
Tanong ko.
"Ikaw ba?"
Tanong nito sakin.
"Ah. Syempre..."
Sabay kumaripas ako ng takbo.
Naghahabulan na kami ngayon sa buong playground.
pero na corner niya Ako.
Papalapit siya ng papalapit at ako naman paatras ng paatras papunta sa malaking sand box.
"Sino yung crush mo?"
At binigyan niya ako ng isang pilyang ngiti.
"Secret!--- ahhh"
Napatid ako sa sand box at natangay ko siya kaya pareho kaming Nalaglag sa buhangin.
Naka paibabaw siya sa akin. At konti lang ang pagitan ng mga mukha namin. Nakita ko siyang napalunok.
Gusto ko siyang itulak pero pakiramdam ko gusto ko yung sitwasyon namin.
Yung naiisip ko, iba sa ginagawa ng katawan ko, Ugh!
Dapat itulak ko siya, pero eto ako walang ginagawa at nakatingin lang sa kanya.
Nakatukod ang kanyang dalawang siko sa magkabilang gilid ng ulo ko.
Hinawakan niya yung aking kanang pisngi, at hinaplos ito gamit ang kanyang hinlalake.
"Ara"
Mahina kong bigkas sa pangalan niya.
Kinakabahan ako na hindi maipaliwanag, bumibilis ang pag pintig ng puso ko, kainis ano bang problema ko.
"Mika"
Kasabay ng pagtawag niya sakin ang pag lapit ng kanyang mukha.
Nung maramdaman ko ang kanyang hininga ay napapikit Ako.
Hinalikan niya ako sa labi, hindi kami gumagalaw at sa halip dinama ang bawat pangyayare.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako pumayag. First kiss ko yun tapos ganon lang? ughhh! Ara bakit?!
Bakit ako pumayag na hayaan ka na maging first kiss ko?!Pero bakit wala akong maramdaman na nagsisisi ako?
dapat hindi ako pumayag sa umpisa pa lang.
Pero bakit ko hinayaan?
Pero feeling ko tama na mali, ang gulo gulo.
The kiss lasted for about five seconds.
She breaks our kiss at tinulungan akong makatayo at nag pagpag kami ng damit dahil sa buhangin.
"Mika, I'm sorry"
sabi niya at niyakap Ako, niyakap ko rin siya. Nakakainis dapat hindi ko siya niyakap pabalik but instead sinampal o tinulak siya, dapat galit ako. Pero bakit ganito?
"Mika, sorry. Forgive me sa ginawa ko"
At hinawakan niya yung kamay ko after akong yakapin.
Magkatinginan lang kami.
"Mika, these past months. Na mas naging malapit pa tayo sa isa't isa at sa bawat araw na lumilipas alam kong napamahal ka na sakin and your family also, yung nangyare kanina hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun, ang alam ko lang is ex ko yung nakita ko, as in. pero hallucination ko lang yun, okay? Sorry talaga---"
Hindi ko siya hinayaang makatapos sa kanyang sasabihin but instead nag salita na Ako.
"Okay lang, wag ka na mag sorry"
For no reason nasaktan ako, ano bang problema ko? Nakaka-badtrip na.
Malumanay at maiiyak ko ng sabi.
"Let's pretend that it never happened"
Sabi niya.
"Forget about it"
Sabi ko.
"Nagugutom na ako, balik na tayo?"
Sabi nito.
"Sige, lika na"
Kailangan ko makapag isip.
Sa ngayon kailangan ko ng makakausap at makakaintindi sa nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
THE OPEN REVOLUTION : MIKA AND ARA FAN FICTION
FanfictionNO MATTER WHERE I RUN, I JUST END UP RUNNING INTO THE SAME FANTASY.