Prologue

131 4 5
                                    


** PROLOGUE **

"Anak, gising na.. Unang araw ng klase niyo ngayon."Agad namang tumayo si Lorence at ngumiti sa nanay niya. "Niluto ko ang paborito mo nak."

"Salamat ma. Maliligo lang ako ah?"

"Sige sige. Hihintayin ka namin ng tatay mo sa baba."Nagunat unat muna siya at dumiretso na banyo para maligo. Pagkatapos ay nag sipilyo at nag bihis. Dumiretso na siya sa baba para mag-almusal. "Magandang umaga!"

"Goodmorning tay!"Masiglang bati niya sa tatay niyang kasalukuyang naghahanda ng hapagkainan. "O nak. Good morning din." Tinulungan niya ang kaniyang tatay sa pagayos ng mga plato at iba pa.

At nagsimula na silang kumain. "Mama, dapat palagi niyong hawak yung cellphone niyo ah? Para palagi ko kayong makausap. Ikaw rin ho dapat tay!"Kasi hindi niya masyadong makakasama ang kaniyang magulang dahil titira siya sa isang dorm. Hindi pa naman ngayon pero medyo OA lang talaga si Lorence kaya ayan. "Hahaha. Syempre naman anak..."

"Pero po sabi nung nagba bantay dun sa mga dorms sa school, may kasungitan daw yung makakasama ko. Tsaka babae!" Natawa naman yung mga magulang niya. Alam kasi nilang hindi ito sanay makitungo sa mga babae dahil ang nanay niya lang ang babae na kakilala niya.

"Nak kapag babae, madalas talaga masusungit yan. Pero nak, asahan mong sa loobloob non, may kabaitan din iyong taglay. Katulad ng akala ko sa nanay mo. Akala ko masungit siya pero yun pala, napaka bait niya."

"Ikaw talaga Rodolfo! Hahaha. Ang hilig mong mambola." Napapa iling nalang siya at natutuwa dahil kahit nasa 50s na ang kaniyang mga magulang ay ganyan parin sila ka sweet. "Bakit mahal? Totoo naman ah."

Nagkwentuhan sila saglit at maya maya, nag paalam na siya sa tatay at nanay niya. "Mama, papa, kailangan ko na hong umalis. Madami pa akong gagawin. Bye mama! Bye papa! Mahal ko kayo!" Sabay yakap sa kanila.

"Sige anak.. Magiingat ka ha."

***

"Miss Rivera, pwede ko na ho bang makilala yung makakasama ko sa dorm?" Nacu curious na kasi siya sa babae. At sa di maipaliwanag na dahilan ay parang nakakaramdam siya ng 'excitement'. Bakit kaya?

"Hahaha. Sure ka bang gusto mo siyang makilala Lorence?"

"A-ah opo. Bakit po?"

"Hindi kasi siya normal na babae." Hindi normal? Eh ano yung babae? Abnormal? Baliw talaga si Lorence. "Ano pong ibig niyong sabihin? May sayad po ba? May disability?" Natawa si Miss Rivera sa mga sinabi niya.

Sino ba naman ang hindi matatawa sa mga sinabi ng binatilyo?

"Haha. Ewan ko nalang kung hindi ka magsisi. Hindi mo pa siya makikilala ngayon dahil wala siya. Sa susunod na linggo pa ang balik niya kaya solo mo ang dorm niyo. Sige. Ako'y mauuna na. Magiingat ka!"

Ano ba kasi yung ibig sabihin ni Miss Rivera? Pwede naman kasing sabihin nalang eh. Hindi na kailangang bitinin.

Diba? Hindi naman halatang excited siya noh? Palibhasa kasi hindi pa nagkaka lovelife! Hahahaha.

Ang hindi niya alam ay mas malala pa diyan ang mararanasan niya kapag nakasama niya na ito.

***

Yep. I know. It's lame lol. Prologue pa lang naman! Haha. Triny kong ako yung nagna narrate pero wala. Ang hirap pala talaga! XD Halata naman sa kinalabasan nung prologue Charot. O sya, ayan muna! Support niyo to ah? Chooosss. Haha sge bye!

ANG MISTERYOSO KONG DORM MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon