AMKD 5

35 2 0
                                    


Rhian's POV:

"Kwento ka nga ng mga updates sa inyo ni Lorence!" break namin ngayon so sasamantalahin ko na! Malay mo may improvements diba? "Ano bang updates pinagsasabi mo?" Ay patay. Mukhang bad mood nanaman to!

"Hala.. Bad mood ka naman! Updates lang hiningi ko tapos iyang infamous irap mong natanggap ko? Aba matindi!"

"Shumatap ka na lang okay? Walang updates kasi ganun pa din naman. Pinapansin niya ako tapos siya, hindi ko pinapansin."Hays.. Sa tingin niyo ba makakahanap pa to ng boyfriend? Sakin? NGANGA. NGANGA SIYA!

Kung ganyang ugali ang ihaharap niya, nganga talaga siya. "Mich naman.. Kahit ngitian mo lang yung tao? Hindi mo ba nafe-feel yung efforts niya para pakisamahan ka lang?" Kasi ako? Nakokonsensya ako sa mga ginagawa ni Michelle kay Lorence. Nasasaktan na kasi si Lorence eh..

Tumingin siya sa malayo at sinabi, "Pakielam ko sa efforts niya? I mean hindi ko naman hiniling yun eh. Hindi ko ginusto to. So hindi ko kasalanan kung nasasaktan siya." Hays.. Ano pa bang pwede kong gawin dito kay Michelle? "Michelle, if this is about your past ---" Pinutol niya kagad ang mga sasabihin ko. "Hwag na hwag mong io-open ang topic nayon."

At nag-walkout. Hanggang ngayon parin ba?

Hays.

***

"Rhian!!" ay si Lorence nanaman! Hahaha. "O Lorence.. Ikaw nanaman. Hahahaha." Kanina pa to nagtetext sakin eh. Kung ano pa ba daw pwede niyang gawin para nga daw maging komportable sa kaniya si Michelle.

"Tignan mo tong binili ko.." sabay labas ng.. "BWAHAHAHAHAHA!!" Teka lang.. HAHAHAHA!! TAKTE. PATAWANIN NIYO NAMAN AKO!! HAHAHAHA. "Bakit ka natawa?" Pssh. Ang binili ba naman ay Zesto at tatlong piraso ng Oreos? Hahahaha. Patawa talaga to! "Hahahaha. Wala naman. Hahaha."

"Wala? Eh bat ka tawa ng tawa?" Hahahaha. Sloow! "Wala nga! Hahaha. Tabi ka na nga diyan! May klase pa ako. Hahaha." Aalis na sana ako nang pinigilan niya ako. "Teka lang naman.. Sa tingin mo ba magugustuhan niya to? Hindi ba yun magagalit sakin?" Hala siya? Hmm.. Fishy ha. Fishy.

"Hindi naman siguro, hahahahaha."

Bigla namang lumungkot ang mukha niya. "Ito na lang kasi yung kaya kong iafford ngayon.. Wala pa akong pera.." Hinawakan ko siya sa balikat at sinabi, "Magugustuhan niya yan.. Promise. Basta ayusin mo lang."

ANG MISTERYOSO KONG DORM MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon