AMKD 6

41 3 6
                                    


Rhian's POV:

*IF I COULD FALL, INTO THE SKY.. DO YOU THINK TIME WOULD PASS US BY? CAUSE YOU KNOW I'D WALK A THOUSAND MI--*

"HELLO!!? SINO BA TO!!? DISORAS NG GABI TUMATAWAG! MAY PASOK PA AKO BUKAS!" Bad trip naman kasi. Ala una ng madaling araw tapos tatawag? Aba ang tindi ah! Kainis.

("Anuba rhian! Si Michelle to!") Hala? Anong meron kay Michelle at biglang tumawag? Tumatawag lang naman sakin to kapag kailangan ng kausap.. Baka may pinoproblema to.

"O bakit ka napatawag? Alam mo bang ala una na ng madaling araw at may pasok tayo bukas?" Inaantok kong sabi. Nakaka irita ha! ("Eh kasi naman si Lorence! Kinokonsensya ako!")

Ohmayghad.. Parang bigla akong nagising nang banggitin niya si Lorence. May LQ? Haha. "O? Ano nanaman bang ginawa mo?"

Huminga muna siya ng malalim at sinabi, ("Aalis daw kasi siya bukas.. Pupunta sa pamilya niya. Nag-paalam pa sakin! Tapos binigay yung number niya! Eh istorbo kasi! Nag aaral ako!! Kaya ayun.. Napag sabihan ko ng kung ano-ano.") Hayss.

"Mag-sorry ka Michelle! Yun lang gagawin mo okay? Kaya pwede ba mag patulog ka naman!!?" Ipipikit ko na sana yung mata ko nang bigla siyang mag salita ("Bat ako magso sorry!?")

Hays! Yung pride talaga ng babaeng to! Sarap tapakan! "Kasi nga nasaktan mo damdamin niya okay?!" Ayan na. Nakikipag-sabayan na ako. *RHIAN!! MAGPATULOG KA NGA!*

Patay. Naistorbo ko tuloy si Mommy. "Sorry po mommy! Michelle, iend ko na to! Basta mag sorry ka na lang okay?" At inend ko na yung tawag. Hays! Makakatulog na din.

***

Lorence's POV:

Hmm.. Anong oras na? 3:00 AM palang!! Teka.. Bat nakabukas yung ilaw? Nasisilaw ako. Agad akong tumayo at papatayin ko na sana yung ilaw nang biglang may humawak sakin. "AHHH!!"

SHEMS! MAY NAKAPASOK DITO!? SINO BA TO!!? "Ano ba Lorence! Si Michelle to!" Michelle? Ginusot ko ang mata ko at si Michelle nga. "A-Ah. Okay. Patayin ko yung ilaw ah? N-Nasisilaw kasi ako. Hindi a-ako makatulog ng m-maayos.."

Papatayin ko na sana ang ilaw sa pangalawang pagkakataon pero pinigilan niya ako. "H-Hwag.." Hayss. Umiinit na ulo ko ah.. After niya akong pagsabihan ng kung ano-ano kanina, tapos istorbohin ako sa tulog tapos ganito pa? "Magpatulog ka naman Michelle."

Sinubukan kong patayin ang ilaw pero pinigilan nanaman niya ako. "Hwag nga sabi diba?" Wala na. Mainit na ulo ko. "Michelle, kung hindi ka pa inaantok, hwag kang mang istorbo. Okay?"

"Ano ba! Hindi ka ba nakakarinig? Sabi ko hwag mong papatayin yung ilaw diba?!" Hays. Sinusubok talaga ako neto! Minsan lang ako magalit. Pero ngayon, mukhang mapapadalas.

"Anoba! Hindi nga sabi ako makatulog!!"

"Eh hindi nga din ako makatulog pag walang ilaw eh."

"Eh bakit? Dahil takot ka ganon? Ang sungit sungit mo tapos matatatukutin!?" Ayan na. Lumabas na. Tinignan ko siya. Nakayuko. Tapos bigla siyang tumingin sakin nang nakakunot.

ANG MISTERYOSO KONG DORM MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon