AMKD 3

38 2 1
                                    


Lorence's PoV:

"Sorry sir." kaswal niyang sambit sa professor namin. Wala akong nakitang sincerity sa sorry niya. Walang emosyon. Maging ang mukha niya'y blanko. Wala kang mat-trace na kahit anong emosyon sa mukha niya.

"Sige na. Maupo ka na sa upuan mo." Bigla akong napatingin sa vacant na upuan sa harapan ko. Tumingin ako sa paligid ko. Iyon nalang ang bakante. Dumiretso siya sa upuan niya nang hindi man lang ako tignan.

Alam niya na kaya na ako yung dorm mate niya?

Pakilala kaya ako? Ay mamaya nalang. Pagka break nalang namin. Baka mapagalitan nanaman ako. Madadamay pa siya.

Break:

Yes! Sa wakas! Masigla akong tumayo sa upuan ko at dun ko napansin na nasa labas na yung dorm mate ko. Hala! Agad agad akong tumakbo palabas. Sinabayan ko siya sa paglakad. "Hi Michelle!"

Tumigil siya. Tingin sa mukha ko. Sabay lakad ulit.

"Ah, Michelle wait!" Hinawakan ko yung braso niya at napatingin siya sakin. "Ano bang kailangan mo?" iritadong tanong niya sa akin. "Magpapa kilala sana ako sayo." Nakangiti kong sambit sa kaniya.

"Hwag na." Sabay talikod at lakad ulit. Anubayan! Mahirap ding tumakbo ah! Pero hwag kang susuko! Kaya yan. "Teka lang Michelle." This time, para masigurado kong hindi na siya magwa walkout ulit ay hinarang ko ang daan niya. "Ako nga pala si Lorence Reyes. Ako yung bago mong makakasama sa dorm!" Yes! Sa wakas ay pinatapos niya ako! Yeah!

Imbes na sagutin niya ako ay mukhang mas nagalit pa siya. Teka, may nasabi ba akong mali? "ARGH!! Umalis ka nga sa daan ko!" Sigaw niya sakin kaya automatic akong napalayo. Grabe. Ano bang ginawa ko?

***

"Rhian!" agad ko siyang tinawag nang makita ko siyang naglalakad sa hallway. Gusto ko kasing ibalita sa kaniya ang nangyari. "O Lorence. Ikaw pala.. O kamusta? Nameet mo na siya? Nagpa kilala ka ba?"

"Ginawa ko lahat yan.. Kaya lang nagalit siya lalo." Sabi ko habang nire-rewind ang mga nangyari. "Hay.. Pagpasensyahan mo na yon ha? May problema kasi siyang dinadala ngayon.. Madaming problema."

Ang turo sakin ng mga magulang ko ay dapat kahit anong problema ay manatili pa rin tayong nakangiti. Try natin. Kasi problema lang yan eh. Kayang kaya yan kasi hindi naman tayo bibigyan ni God ng pagsubok na hindi natin kakayanin. Love niya tayo eh.

"Ano bang nangyari?"

"Bawal sabihin Lorence.." Ah.. Naalala ko nga pala. Siya na lang ang pinagkakatiwalaan ni Michelle. "Ah oo nga pala.. Pasensya na."

"Okay lang.. Basta pag nagsama na kayo sa dorm, hwag na hwag mo siyang sasabayan ah? Mas lalong lalala yun." Oo.. Iintindihin mo siya Lorence ah? "Hala Rhian, edi mas malala pa yun kapag may dalaw?"

"Hahaha. Medyo lang naman. Hahaha." Mas lalo akong kinabahan. Ngayon lang ako naka encounter ng ganung babae. "Haha. Sige bye na muna ah? Nag text na si Michelle eh.. Hinihintay na ako sa canteen. Kitakits nalang!"

Nag-wave na siya ng goodbye.

** Gruu.Gruu.Gruu. **

Agad naman akong dumiretso ng canteen dahil gutom na ako!

Canteen:

Pagpasok ko, siomai. Puno. Lahat ng seats ay occupied. Hayaan na nga! Maka kain ka lang ay okay na. Pumila ako para bumili ng egg sandwich at water. Nagtitipid ako ngayon.. Ayokong mag sayang ng pera.

Pagkakuha ko ng binili ko ay may biglang tumawag sa pangalan ko.

"LORENCE!" Napalingon ako. Si Rhian! "Uy." Nakangiti kong bati sa kaniya. "Halika. Dito ka nalang umupo." Tapos napatingin ako sa katabi niya. Si Michelle. Baka magalit nanaman sakin to.. "Okay lang ba sa kaniya?"

Nilingon ni Rhian si Michelle at tinanong, "Uy diba Mich, okay lang naman sayo? Dibaaaa?" Napatingin naman ako kay Michelle. "Tsk. May magagawa pa ba ako? Nakaupo na siya eh. Nagtatanong pa." Boom. Nasungitan nanaman ako. Ay wait. Nakaupo na pala ako. Hehehehe.

"Salamat." Nakangiti kong sambit. Habang nangagalahati na ako sa sandwich na binili ko, bigla naman niyang binitawan ang tinidor at kutsara na hawak niya. "Nawalan na ako ng gana." At iniwan niya na kami.

"Dahil ba sakin?"

"A-ah siguro busog lang ta-talaga yun. Hehehe." Nalungkot ako bigla.. Mukhang mahihirapan akong pakisamahan siya. Pero hindi ako susuko hangga't hindi ko siya napapangiti! Itatak niyo yan sa bato!

***

Medyo late na ako nakauwi ng dorm kaya sigurado akong nandun na si Michelle. Pagpasok ko, sakto nandun na siya. Ah tamang tama yung binili kong burger para saming dalawa! "Michelle, halika. Kain tayo. May dala akong burger dito." Hindi niya ako pinansin. Inilapag ko muna ito sa lamesa. Nilapitan ko siya at kinalabit. *poke* *poke* *poke*

"Ayokong kumain." Hala. E sino naman yung kakain ng burger na binili ko? Hays. "Hala. Sayang naman yung burger.. Sige na, sabaya--"

"Sabing ayoko nga diba!?" Napalayo naman ako. "S-Sorry.." Yumuko ako at tumalikod. Plan A: FAILED. Hays. Kaya mag isa kong inubos yung burgers na binili ko. At well, lumipas ang gabing yon nang hindi kami nag uusap.

ANG MISTERYOSO KONG DORM MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon