chapter two

5 0 0
                                    

after kong pulitin ang mga bubog sa sala ay pumunta na ako sa kusina para kumain. Habang kumakain ako ay naalala ko ang masasayang memories namin ni Vince dito sa kitchen namin

Andito ako sa kusina at nagluluto ng biglang may nag back hug sakin. ano ba yan! umagang umaga kinikilig ako. hihi

"Goodmorning, mahal ko." ani niya sa malambing na tono sabay halik sa balikat ko papunta sa batok ko.

"Vincent!" natatawang sigaw ko or should I say malanding sigaw ko. Hahahaha.

"Ang bango bango naman ng mahal ko. Hmmm..." Amoy niya sa leeg ko at maliit na halik papuntang tenga ko.

napabalik ako sa realidiad ng biglang may nag doorbell sa pintuan namin.

"Wait lang." sigaw ko habang naglalakad papuntang pintuan

Sino kaya yun? Wala naman akong bisita at yung parents ko naman ay nasa Paris at nagba-bakasyon tapos sila Daddy namin ay nasa Amerika, hindi ko alam kung bakit sila pumunta doon.

nung nasa tapat na ako ng pintuan ay nag doorbell na naman ang nasa gate.
binuksan ko na ang pinto at mabilis na naglakad papuntang gate namin, binuksan ko na iyon at nagulat ako kung sino ang andoon sa labas ng bahay.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" sabi ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Gael, I miss you!" ani ni Nathan sabay yakap sakin ng mahigpit.

Tinulak ko siya at agad sinarado ang gate pero bago ko pa tuluyang masarado ang pinto ay napigilan na niya ito.

"Ano bang gusto mo, Nathan? Umalis kana please! Baka maabutan ka pa ni Vince." sabi ko ng naiiyak na tinig

"Ayoko! Hindi ako aalis dito hanga't hindi mo ako kinakausap." -Nathan

Binitawan ko na ang gate at lumabas para makausap siya.

"What do you want, Nathaniel?"

"You!"

"Itigil mo na to, Nathaniel. Ano pa ba ang gusto mo? Ang maghiwalay kami ni Vince? Hindi ka pa ba masaya sa ginawa mo 3 years ago? Ano pa? Ano pa ang gusto mo? Tama na!!! Please!!! Lumayo kana sakin, ayaw na kitang makita pa."

Naiiyak na sabi ko sa kanya. Natatakot ako na baka makita kami ni Vince dito sa labas at lalo lang siyang magalit sakin.

Nagulat ako ng niyakap niya ako ng sobrang higpit. Nagulat ako sa una pero after a seconds tinulak ko siya ng malakas at sinampal at pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng bahay.

---
A/N: tuloy ko pa ba? :((( HAHA

I Love You So Much My HubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon