Chapter 1 #MakeItThree

6 1 0
                                    


"It's Elle"

Only closest to me can call me Therize.

Ayoko sa lahat eh yung tinatawag ako na Therize lalong-lalo na kapag di kita kaibigan. Ayoko namang maging rude kapag sinabi ko sa harap niya mismo na ayaw kong tawaging Therize, kaya madalas kino-correct ko na lang.

"So, as I said earlier may balita ako para sa inyo. We will have a faculty and staff meeting this afternoon at 2:00 o'clock..."

Nag-ingay na silang lahat, murmur dito, murmur doon. Wala ba namang klase mamaya, kaya nagsasaya na sila. Ine-enjoy na talaga nila yung senior life nila. Pati si Nicole eh ito onti nalang, yu-yug-yugin niya na ako, halatang nagpipigil ng excitement. Imagine two weeks pa lang kami sa pagiging senior high students pero excited na sila sa "walang pasok" na salita.

"Magre report lang kayo dito sa school after lunch at kapag nag-time na you can go home."

"... Yehey!/
walang pasok!/
San tayo mamaya?!" Litanya na mga magagaling Kong kaklase, Hindi halata ang pagiging nasa section Diamond/ one nila.

"But..."

Nagsitahimik na sila sa wakas, present kasi si Mr. But!

"Elle, can you stay with... Chace?"

"Para saan po?" Saakin lang pala present si Mr. But! Sige magsaya na kayo!😑

"Please tour him around, na brief na namin siya kanina about sa school, rules and regulations pero yung facilities hindi pa, mabuti ng alam niya ang mga pasikot-sikot dito sa school, okay lang ba?"

Tour guide na pala ako ngayon?
At siniko pa ako nitong si Nicole. Siya nalang kaya ituro ko? Wag na baka di maka-uwi sa bahay!

Oo, sa bahay, iisang bubong ang tinitirahan namin. Supposedly bahay bakasyunan lang dapat yun pero binili na lang namin, ayoko kasing umuwi sa bahay that time, masyado kasing complicated yung sitwasyon noon. Pumayag yung parents ko basta may kasama ako sa bahay na yun kasi malayo-layo sa mansion nila daddy pati na rin sa school. Hindi naman nagdalawang isip si Nicole sa pagsama sakin. I am thankful kasi nanjan siya palagi.

"Sige po"

Natapos na ang dalawang huli naming subjects before lunch. Agad na tumayo ako kasama si Nicole. Balak kong doon na lang sa office ko tumambay sa loob ng Office of the Student Leaders. May sarili akong cubicle sa loob noong OSL bilang SL President kaya malaya akong tumambay doon.

"Di ka kakain?" Tanong ni Nicole nung mapansin niya na wala akong balak umalis sa office. Umiling lang ako bilang sagot.

"Bakit? Edi magugutom ka niyan.?!" Nag-aalala niyang litanya. Di ko naman siya masisisi kasi bawal akong magpalipas ng pagkain. Na diagnose kasi ako two years ago na may ulcer, si Nicole yung kasama ko noong una akong inatake ng sakit ko. Natakot siya ng husto noon kaya kahit di na masyadong healthy yung kinakain ko sige lang basta bawal ang di kumain.

"Ayoko, di rin naman ako makakakain kasi mabubusog na ako sa kaka-PDA nang mga tao doon." Maingay ako kapag kami lang ni Nicole ang magkasama, nawawala yung Cold Princess Throne ko.

"Aist. Sige ako na lang. Bibilhan na lang kita. Saglit lang ako" tsaka lumabas na siya ng cubicle.

Narinig kong may kumatok bago pa man makalabas ng tuluyan si Nicole sa mismong opisina. Narinig kong bumukas yung pinto at may umalingaw-ngaw na boses. Isang malalim na boses na sigurado akong lalaki ang may-ari, pero hindi ako pamilyar sa boses.

"Hi"
di talaga pamilyar ang boses, baka may-kailangan sa school kaya napadaan. Sabagay malapit lang sa mga faculty room itong opisina. Tumayo na ako galing sa pagkakaupo at lalabas na sana ng cubicle ng nagsalita si Nicole.

"Chace?" Anong ginagawa ng transferee dito? Naligaw ba siya agad? He really needs a tour?!

"Nanjan si Ther... Si Elle... Anjan si Elle sa cubicle, siya na kausapin mo kung may kailangan ka, nagugutom na ako ehh... Bye?!"

CHACE POV

"Hi"

Bati ko kay Nicole nung binuksan niya ang pinto.

"Chace?"

Nagtataka niyang tanong pero napalitan ito agad ng isang ngiti. Mukhang bubbly ang isang 'to, hindi tulad ng kasama niya.

"Nanjan si Ther... Si Elle... Anjan si Elle sa cubicle, siya na kausapin mo kung may kailangan ka, nagugutom na ako eh, bye?!"

"Teka!"
Pipigilan ko pa sana siya para yayain mag-lunch pero kumaripas na siya ng takbo. Lilibre ko sana sila para makapag kwentuhan kay Elle ng sa ganoon ay di na kami masyadong magkailangan kapag nilibot na namin yung school. Kaso umalis si Nicole, mukha pa namang mahirap pakisamahan yung isa.

"May kailangan ka?"
Narinig kong tanong ng isang malamig na boses. Agad akong humarap sa kanya at ngumiti.

Di man lang natinag yung blanko niyang mukha. Paano kaya nagkasundo itong si Nicole na masayahin at maingay kay Elle na sobrang tahimik at di mawindang ang walang kabuhay-buhay niyang aura?

Napakamot ako sa ulo ko dahil parang bula na nawala yung dapat na paanyaya ko sa kaniya. Kasi naman eh, wrong timing ako kung dumating.

"A.ano, auhmm yayayain ko sana kayong mag-lunch?" Nagka-bulol-bulol kong sabi. Aist! Nakakahiya! Ngayon ka pa pumalpak!

"Thanks, pero bumili na si Nicole."

Nakaupo na sa couch na kulay blue green si Elle na kanina ay nakatayo sa gilid ng cubicle. Di parin umaalis ang malamig niyang mga titig sakin. Ano ba, may crush din ata to sakin eh, katulad ng mga babaeng kanina pa bumubuntot sa akin, pero siya lang ang tahimik. Ay ano ba yan Chace alam mong malabo, titig palang ng Elle na iyan, Malabo na magkagusto yan kahit kanino, kahit sa iyo.

Nababaliw na yata ako para isipin na gusto ako ni Elle? Nagagandahan lang siguro ako sa kaniya, maganda ang kutis, matangos ang ilong , manipis ang labi, matangkad, kahit na puno ng coldness ang kanyang mga mata .

"Ganoon ba?"
Wala na, ano ba dapat ko pang sabihin? Diba sabi mo makikipag-kwentuhan ka? Oh ayan, kausapin mo! Gwapo ka diba, sige patunayan mo kapag pinansin ka niya totoong gwapo ka nga!? Ay nakipag pustahan pa tong utak ko sa akin.

"Yeah"
Bakit ba ang ramot nito mag-salita? Mukha tuloy akong timang dito na na-reject agad.

" Puntahan ko nalang si Nicole to offer a help"

Nag-nod lang siya at humalakipkip tapos pumikit na sabay yuko. Aktong lalabas na ako ng maalala kong di ko alam kung nasaan ang canteen. Tanga mo Chace!

"Elle?" Kapal mukha kong tawag sa kanya. Tinaas niya ang paningin niya para salubungin ng puno ng coldness na titig ang aking mga mata, tila di siya na iilang tumingin.

"... Saan pala yung canteen?"

Silence. Nakatingin lang siya sa akin, sandali lang naman iyon.

"... Di ka pa kumakain?"

"Oo eh"

"Just stay here" at tumayo na siya papuntang cubicle kung saan siya nang galing kanina.

" Hey... Make it three... Yeah... Obviously... Patulong ka na lang sa mga kitchen staff... Okay... Thank you!"

Tama ba ang rinig ko? Bukod sa humaba yung sentence niya ng kaonti, sinama niya pa ako sa inorder niyang lunch!???

* * * * * * * * * *

Hart-hart to you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hot Guy Meets The Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon