[001: Promises]

45 3 0
                                    

Rain's

"Mom, kailangan ba talaga na kasama ako?" Tanong ko. Sinasama kasi ako sa pagsundo kanila Tita dahil ngayon ang uwi nila galing Australia.

"Of course! Ayaw mo ba makita si Thunder? It's been five years simula nung huling pagkikita ninyo." I don't want to see him. Pagkatapos niya akong iwan? I was 13 nung umalis siya papuntang Australia, And he was 14 that time. I shouldn't feel like this pero he promised me na hindi niya ako iiwan. And he broke that promise.

I sighed. Wala naman akong magagawa kahit ilang beses pa akong magpumilit. "Magbibihis na ako." Sabi ko at umakyat na sa kwarto.

I dressed up. Jeans, plain white shirt, and a pair of sneakers. Napadaan ako sa salamin. Damn, i'm so pale. Para akong multo. Inayos ko ang eyeglasses ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Pagkapasok 'ko ng kotse, nilagay 'ko agad ang headset sa tenga 'ko at pinindot ang shuffle. 'Count on me' ang tumugtog. This is our favorite song nung bata pa kami. Lagi namin tong kinakanta sa tree house 'ko pagkatapos naming mag laro.

"Look at our names. Thunder, Storm, and Rain! We really have unique names." Sabi ko sa kanilang dalawa habang tumatawa.

"It looks like we are destined to be together." Sambit naman ni Storm.

"We should make a promise! Hindi dapat tayo mag hiwa-hiwalay. Dapat hanggang sa huli, lagi tayong magkakasama." Sabi ni Thunder habang nakangiti.

"Deal!" Storm and I said in unison.

Naramdaman 'kong nabasa ang pisngi 'ko kaya napatingin ako sa mga ulap. Unti unting lumakas ang ulan.

"Let's run! Dun muna tayo sa playhouse sa may playground." Sabi ni storm at nagsimula na kaming tumakbo papunta sa playhouse.

Basang basa kami ng ulan ng makapasok. "Ang lakas ng ulan, Kailan kaya tayo makakauwi?" Tanong 'ko.

"Alam 'ko na!" Napatingin kaming dalawa ni Storm kay Thunder.

"Kumanta tayo."

""Ng alin?" Tanong ko habang yakap yakap ang sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin.

"Rain, rain go away come again another day~" Kanta ni Thunder. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. "Pinapalayas mo ba ako?"

At napuno ng tawanan ang play house dahil saaming tatlo.

Nagising ako dahil sa naririnig 'kong ingay. "How's your stay in Australia?" Rinig 'kong sabi ni Mama.

"Okay naman, pero namiss 'ko talaga dito. And I missed you too, Mia!" Umayos ako sa pagkakaupo ng marinig ang boses ni Tita Hira, ang bestfriend ni Mom. Wait, what?! Andito na sila sa kotse? 

I looked around at nagulat ako sa nakita 'ko. Lalake. May black earring sa kaliwang tenga, red ang buhok at light brown naman ang mga mata. "Done checking me out?" Sambit nito at ngumisi.  

That voice... The voice that I haven't heard for a very long time. "It's been awhile, Rain."  

"Oh, gising na pala si Rain. I'm so glad na nagkita na ulit kayo ni Thunder. I'm pretty sure na namiss niyo ang isa't isa." Sabi ni Tita Hira, which made things clear for me. Yung lalaking katabi ko ngayon ay walang iba kundi si Thunder.

I can't speak. I don't know what to say and what to feel. Should I be happy that he's here? Or be mad that it's like everything happened five years ago doesn't matter to him?  

"H-hey." That's the only thing that came from my mouth. Ugh! Bat ba ako na a-awkward? Nginitian niya lang ako. 

"Mia and I decided na sa same school kayo mag-aral. At sabay kayong papasok. Para na rin mag bonding ulit kayo kagaya ng dati." Sambit ni Tita Hira. Tumango naman si Mama sa sinabi niya. 

I don't mind him being in the same school as me, pero yung sabay papasok? Kailangan ba talaga nun? "Wha-"

"That's great." Sambit ni Thunder at binalik nalamang ang tingin sa phone niya. Really? Great? That's not great for me.  

"Sa bahay kayo magdi-dinner diba? I'll cook some of your favorite foods." Sabi ni Mama kay Tita. What?! Sa bahay sila mag di-dinner? Okay lang sana kung si Tita lang eh. Bat kailangan kasama pa si Thunder? 

*** 

"Kuya Thunder!" Sigaw ni Silver ng makadating kami sa bahay. Really? Si Thunder lang ba ang nakita niyang dumating? Agad namang niyaya ni Silver si Thunder na maglaro ng Call of Duty. Well, i don't have any idea kung ano 'yon. Maybe that's why Silver likes it when Thunder's around. Sila lang naman ang nagkakasundo sa mga ganyang bagay.

Pumunta ako sa kwarto 'ko at nagbihis ng mas komportableng damit. I decided to call Storm. Alam niya kaya na nandito na si Thunder?

I dialed his number at sinagot niya naman ito.

"Napatawag ka?" Ewan ko pero I felt coldness in his voice. Nung umalis si Thunder, I told Storm everything I felt about Thunder. Alam 'kong bata pa ako nun pero I promised myself that pag laki ko at nagkita na kami ulit, he'll be mine. Pero nung nakita ko siya kanina? That's not the Thunder I expected. Nagpunta ba siya sa Australia para magpatubo ng sungay?

"Alam mo na ba na nakauwi na si Thunder sa pilipinas?" I asked him. Kami lang ba ang hindi okay? O pati silang dalawa ni Thunder?

"Hindi. At wala akong balak malaman. Kung wala ka ng ibang sasabihin, ibababa ko na yung tawag."

"Bakit ka ganyan Storm?" Natatakot akog itanong yan sakanya pero eto na, nasabi 'ko na.

"Bakit ako ganto? Ask yourself, Rain. Maybe, I was tired. Pagod na 'kong takbuhan mo tuwing wala siya. What am I to you? Thunder's substitute?" Hindi ko maintindihan... Anong ibig niyang sabihin?

"Storm... Hindi naman sa ganun."

"Then what?" Hindi ako makapagsalita. I am too confused.

"Don't call me again, Rain" Pagkatapos niyang sabihin yun ibinaba nya na yung tawag.

May kumatok sa pintuan kaya binuksan ko iyon. "Thunder?"

"Andrea Rain, Kakain na daw. Kanina ka pa tinatawag eh." Sambit niya.

"Kailangan ba talagang tawagin mo ko sa buong pangalan 'ko?" Tanong 'ko sakanya.

Isinandal niya yung kanan niyang kamay sa dingding at nilapit ang mukha niya sakin.

"May problema ba dun, Andrea Rain?" Tanong niya sakin habang nakangisi. A-ano bang problema niya?

"W-wala." Nauutal 'kong sambit. Bakit ba kasi siya ganyan?!

"Good. Bumaba na tayo." Sabi niya at bumaba na kaming dalawa.

Ng makababa na kami, dalawang upuan nalang ang vacant at magkatapat pa ito. No choice.

"What took you so long?" Tanong ni mama. Alangan namang sabihin 'ko yung kanina?

"Ang tagal po kasing bumangon ni Rain. Tamad po kasi siya." Sabi nito at tumawa.

"Ako? Tamad? Ikaw nga dati dalawang beses lang naliligo sa isang linggo!" Bawi ko. Totoo naman eh!

"Pogi parin naman." Pogi? Mukha niya! Teka? Hindi ah! Hindi siya pogi!

"Hay nako, Para pa rin kayong katulad ng dati." Sabi ni Tita Hira. Katulad parin nga ba kamo ng dati?

Natapos na kaming kumain at nagpaalam na silang umalis. Nagpaalam na ko kay Tita Hira at Thunder.

Bago sila umalis, may binigay sakin si Thunder na kwintas na may silver na sing sing bilang pendant. Siyempre, friendly gift lang 'to. I'm sure, sa tinagal niya doon sa Australia may nakilala siya. Teka nga, ano bang pakielam ko sa mokong na 'yun?

Naalala 'ko, magkasama na nga pala kaming papasok next week. Magiging maayos kaya ang lahat?



Summer SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon