[ 004 : Truth ]

31 3 1
                                    

Thunder's

Habang naglalakad ako pauwi, Hindi ko maiwasang maisip si Rain.  Yung time na yun na nakasama ko siya, Hindi ko alam pero may naramdaman akong kakaiba. Siguro namiss ko lang talaga siya. Pero kailangan kong ipaalala sa sarili ko na hanggang dun lang yun. 

"Aalis ka na ba talaga?" Tanong ni Storm sakin. Hindi ko muna siya kinikibo dahil inaayos ko pa yung mga gamit ko papuntang Australia. Pinapunta ko si Storm dito sa bahay dahil may ipapabigay ako kay Rain bago ako umalis. 

Pagkatapos 'kong magayos ng gamit, binigay ko na sakanya yung sulat. Hindi ko yun mabibigay ng personal sakanya kas hindi naman ako nagpaalam na aalis ako. Kasi baka hindi na ako makaalis kapag nakita ko siya. 

"Wag mong basahin ah?" Pagpapaalala ko sakanya. Hindi niya pwedeng mabasa yun, kasi pag nabasa niya masisira na yun plano 'ko.

"Oo na. Ikaw na nga lang magpapabigay eh." Pagbibiro niya sakin. "Sige pre, Salamat ng marami." Sabi ko sakanya. Umalis na siya ng bahay at sinabing mag ingat ako. 

Bago ako umalis pumunta muna ako sa playground at naupo sa swing. Napatingin ako sa mga ulap. Mamimiss ko dito, Mamimiss ko siyang kasama dito. Napatingin ako sa relo ko, 7:00 na. Naalala 'kong 8:30 nga pala yung flight ko papuntang Australia. 

"I'll come back. I promise." Bulong 'ko sa hangin. 

Rain's

"Storm? Anong ginagawa mo dito? Ang aga pa ah, Inaantok pa nga ako eh." Sabi ko sakanya. 7:30 palang kasi ng umaga andito na siya sa tapat ng bahay namin.  

"Oo nga eh, May panis na laway ka pa nga oh." Sabi niya at pinunasan yung gilid ng labi ko.

"Hala! Nakakahiya! Kadiri ka maghugas ka ng kamay mo!" Sabi ko at napapatakip  ng mukha dahil sa sobrang kahihiyan. 

"May ibibigay nga pala ako sayo." Sabi niya at may inabot sakin na sulat.

"Sulat? Bat mo naman ako binibigyan ng sulat? Pwede mo namang sabihin sakin ng personal." Sabi ko ng may pagtataka sa boses.

"Basta." Sabi niya at tumawa. "Basahin mo nalang." Napatango nalang ako sa sinabi niya.

"Sige, uuwi na ako. Gusto ko pang igala si Goku, maaga pa naman." Sabi niya at nagpaalam. Gusto ko ring makita si Goku, yung aso ni Storm.

Pumasok na ako sa bahay at binuksan yung sulat at sinimulan itong basahin.
Siguro sa sobrang pagmamadali ni Storm nakalimutan niyang isarado ng maiigi yung envelope.

To: Rain

Hi. Sa totoo lang, hindi ko alam kung pano ko to sisimulan. Pero, Rain. Nagugustuhan na kita. Pinangungunahan lang ako ng takot at kaba. Sa halos araw-araw na magkasama tayo, Hindi ko mapigilan yung sarili ko na mahulog sayo. Pero, hindi pa ko sigurado sa nararamdaman 'ko, Pano nga ba ako makakasigurado eh bata palang tayo. Sana, pag nagkita ulit tayo masabi ko na to ng harapan sayo. Mag iingat ka palagi.


-Storm.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa letter na yun. Bakit... Parang hindi ako masaya?

Nag-ayos ako at nagpunta sa bahay ni Thunder, gusto ko humingi ng payo sakanya kasi hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Baka ma explain niya sakin ng maayos.

Summer SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon