Thunder's
"Thank you for enrolling, Mr. Alvarez. Classes will begin next week. Also, here's your schedule." Sabi nung nasa registrar at inabot sakin yung schedule ko. Kinuha ko iyon at nag thank you bago umalis.
Habang naglalakad, napatingin ako sa schedule ko. Tangina, unang klase ko 6:30. Patulog pa lang ako nun e.
Parang ang gusto ko lang puntahan ay yung Physics na subject. Okay yung oras at nakita ko na yung magiging teacher namin dun. Damn fine ass! Nung nakita ko siya kanina alam kong interisado din siya sakin. Can't wait to meet her.
Asan na ba si ulan? Kung san san pa kasi nagpunta eh.
Pagkatapos ng ilang minutong paghahanap, Nakita ko siya doon sa may bench na nakaupo. Pumipikit pa siya habang dinadama yung hangin.
Di ko alam kung bakit pero bigla nalang akong napapangiti. Siguro dahil mukha siyang tanga dun o dahil sa ganda niya? Shìt, bakit ako nagkakaganto?
Andrea Rain isn't my type. Hindi dahil sa hindi siya maganda. She's beautiful. Pero alam kong masasaktan ko siya kaya ayoko sakanya. And I don't want to see her being hurt. She's too good for me.
Habang naglalakad ako papunta sakaniya, nakita kong may babae na tumabi sakanya. Kaya binilisan ko na yung lakad ko. Tss, baka kasi mag chismisan pa sila. Matatagalan kaming umuwi.
"Ay andito na pala yung kaibigan k-"
Nagulat ako sa nakita kong kasama niya. Anong ginagawa niya dito? Kailan pa siya nakauwi?
"Thunder?" "Autumn?"
Napatingin lang si Rain saming dalawa ni Autumn. Siguro nabigla din siya nung nalaman niyang magkakilala kaming dalawa.
"Magkakilala kayo?" She asked. Bakit ba kasi sa dinami rami ng pwede kong makita siya pa?
I held rain's wrist at nilayo siya doon. It's a good thing na hindi sumunod si Autumn.
"Thunder ano ba? Nasasaktan ako!" Sigaw sakin ni Rain. Agad ko naman siyang binitawan.
"Sorry." Sabi ko
"Ano ba kasing problema?" She asked.
"Wala." I lied. Ayoko lang na malaman niya yung tungkol dito.
"Sigurado ka?" She asked again.
"Oo nga. Wag mo na yung problemahin." Buti naman na convince siya sa sinabi kong yun.
"Get in the car. Uuwi na tayo." Sabi ko sakanya. Agad siyang pumasok ng kotse at hindi ako binigyan ng tsansang pag buksan siya ng pintuan.
Pumasok na ko ng kotse at nagsimulang mag drive. Nang mag red ang stoplight, napatingin ako sakaniya. Hindi pala siya naka seat belt.
She was startled nung lalagyan ko siya ng seat belt.
"What are you doing?" She asked. Halata sa tono niya na may tampo pa siya sakin.
"Keeping you safe." Saad ko at nagpaandar na uli. Kala niya siguro yayakapin ko siya.
Napatingin ako sa oras, 5:00 na pala. Medyo traffic kasi pauwi. Ramdam ko parin yung awkwardness saming dalawa kaya binuksan ko yung radyo.
Take me back to the middle of nowhere
Back to the place only you and I shared
Remember all the memories,
The fireflies and make believes.
She looked at me nung narinig niya yung kanta. I didn't ask why, kasi alam ko kung bakit.
Kicking back at the old school yard
Singing songs on our guitars
This is our reality:
Crazy, Stupid you and me.
Bukas yung bintana kaya nakikita ko kung pana hinahangin yung buhok niya. Fuck, Hindi ko nanaman namalayan na tinititigan ko na pala siya.
We know this is the way it's supposed to be
So we're taking the long way home
Cause I don't wanna be wasting my time alone
Nagulat ako nung bigla siyang tumingin sakin, Nahuli niya kaya ako? "Can we stop at the playground? Please?" She pleaded. Bakit naman kaya niya gustong pumunta dun.
"Alright." Sagot ko at ipinark ang sasakyan sa may playground. Nang makababa kami, agad siyang tumakbo sa may swing at umupo doon.
Nakita ko yung naglalako ng ice cream kaya naisipan kong bumili para sakin at para kay Rain.
"Isa pong vanilla at chocolate." Sabi ko dun sa nagtitinda at kumuha ng pera.
"Nakabalik ka na pala, Hijo." Sabi nung matanda habang kumukuha ng binili ko. Si tatang pala to!
"Tatang!" Bati ko sakanya. Simula bata palang kami, andito na si Tatang. Lagi kaming bumibili sakanya pagkatapos naming maglaro. Kahit ang tagal kong nawala, naalala parin nila ako.
"Kayo na ba ni Rain?" Tanong ni Tatang at ngumiti. Kami? Ni Rain? Napaka imposible naman nun.
"Hindi po ah." Sabi ko at tumawa. Kinuha ko na yung binili ko at nagpaalam na kay Tatang.
Lumapit ako kay Rain at dinikit sa pisngi niya yung ice cream para makuha yung atensyon niya. "Ano ba! Ang lamig!" Nung nakita niya yung dinikit ko sakaniya, Agad niya yung kinuha. Tsk, aarte pa kakain din naman.
Umupo ako sa tabi ng swing na inuupuan niya. Maganda ang view ng swing kasi kita dito ang siyudad at may maganda ding view sa Sunset. Nasa taas kasi to ng bundok.
"Nakakamiss dito." Sabi niya habang kumakain ng ice cream. Ang dungis niya kumain. May dumi pa siya sa gilid ng labi niya. Tinanggal ko iyon gamit yung daliri ko.
"Ang dungis mo." Sabi ko sakanya. Nang matapos kong gawin yun, Agad siyang lumihis ng tingin.
"Namimiss ko na si Storm." Sabi niya sakin habang nakatingin sa langit habang pinapanood yung Sunset.
Ngumiti ako. Kahit andito ako, Si Storm parin yung hinahanap niya. Alam ko naman yun. Hindi nalang ako umimik at pinanood nalang namin yung Sunset ng tahimik.
"It's getting dark. Let's go home. I eexplain ko nalang kay tita kung bat ka ginabi ng uwi." Sabi ko sakanya.
"No need. Ako ng bahala." Sabi niya.
Makalipas ang ilang minuto, naka balik na kami. Pinagbuksan ko siya ng pinto para makababa sa sasakyan. "Thanks for today." Sabi ko sakanya. She just smiled at me at bubuksan niya na sana yung gate nila nang biglang may tumawag sa pangalan niya.
"Rain." Sabay kaming napalingon,
Si Storm pala.
[A/N: Lyrics are from 5SOS's - Long way home. Although hindi ako sure kung tama talaga yung lyrics na na type ko. Correct me if i'm wrong nalang. :)]

BINABASA MO ANG
Summer Sky
Fanfiction"It was said that, If you look at the sun setting for fifty one straight days from that hill, your love will come true. " Without hiding his boredom, While listening to me speaking enthusiastically, He looks up at the summer sky. ©rainderps