Chapter 1:
Hanney's POV:
Enchanted Royal Academy.
Bagong bukas ang school na ito. Apat na taon ang ginugol ng Fontanilla family para lang matapos ang construction ng school. Pero naging worth it ang lahat dahil famous na famous ang school na ito ngayon. Nang kumalat ang mga flyers at online ads nito ay talagang dinayo ito ng mga elite students. Bukod kasi sa interesting ang name niya, marami rin ang gustong mag-enroll dito kasi talagang hahangaan ka kapag nag'aaral ka sa ERA. Sasabihin mo palang na sa ERA ka pumapasok, mapapa-WOW sila sayo.And because everybody loves attention, dinumog nang mga estudyante ang ERA sa unang pagbubukas nito.
*Bell Rings*
Oops. The class will start after 5 minutes. Dito kasi sa ERA, once na magring yung bell warning na yun na meron ka na lang 5 minutes bago mag'time. Kaya eto sila ngayon, takbo doon takbo dito. Liko doon, liko dito. Kanya kanyang hanap ng classrooms, lockers at iba pa.
Hahaha, baka sabihin niyong masyado na talaga akong maraming alam. Duuh! Wag na kayong magtaka. Di niyo ba nabasa sa Prologue? Genius Bitch ako. Haha, don't get me wrong. Hindi ko hobby ang maglandi. Binansagan lang naman ako nang ganyan sa dati kong school kasi napakamaldita ko daw. Eh, sa bakit ba? Ayokong makipag plastikan eh. Kapag ayoko sayo, ayoko talaga!
And isa pang duuuuh! Hindi ako basta bastang mag-eenroll sa isang school without checking its background, styles, blue prints, structures, procedures and standards. Haha hindi ako OA, okay? Sadyang gusto ko lang makasiguro.
Oh siya, tama nang daldal. Papasok pa ako sa 1st class ko. Bawal pa namang malate kapag first day mo. May pamahiin kasi ang mga matatanda na kapag late ka sa first day mo, magiging late kana the whole year. Haha!
Wala na naman akong dapat i'worry kasi diba nga nacheck ko na lahat lahat sa school nato? So alam ko na kung nasaan ang room 103, section Deluxe.
Nga pala, I'm Hannah Carleen Brooke. Don't ya ever forget my name. And by the way, I am the Genius Bitch.
BINABASA MO ANG
The Epilogue
Teen FictionThis story talks about love, pain, trials, struggles and challenges that friendship may encounter.