Chapter Two: Brownie

32 3 2
                                    

Zaphara's POV

Oh, we're on the right side of rock bottom

And I hope that we keep falling

We're on the good side of bad karma

Cause we keep on coming back for mo--------Anak!

Halos mahulog ako sa kama nang kalabugin ni mama yung pinto, pero nang makita ko kung anong oras na ay tuluyan na akong nahulog sa kama. Tae! Late nako!!

Dali-dali kong binuksan yung pinto a----Awwww! 

Si mama, nasuntok ako sa kakakatok sa pinto ko. Aray ang sakit! Nakahawak padin ako sa ilong ko kasi ang sakit talaga manuntok na mama. 

"Anak! Bakit ka ba sumulpot dyan!?" Galit na tanong ni mama. 

"Ma naman! Ako na nga nasuntok mo tas magagalit ka pa? Atsaka syempre ma, alangan namang kumakatok ka ta's di kita labasin diba?" Sabi ko kay mama na maiiyak na. 

"Osya, pasensya na. Gamutin mo na yan at may dugo pa oh. Tas mag-almusal kana at maligo at dalian mo dahil male-late kana. Meron ka nalang 15 minutes oh." Sabi ni mama habang nakatingin sa relo niya.

Hindi ko na ginamot yung sugat sa ilong ko at tuluyan ng naligo kahit masakit. 3 minutes lang nagamit ko sa pagligo at nag-ayos narin agad. Nang makatapos ako sa pag-aayos ay bumaba na agad ako dala-dala yung mga gamit ko. 

"Mama, aalis na po ako." Sabi ko kay mama habang binubuksan yung pinto. 

"Anak kumain ka muna!" Sigaw ni mama dahil nakalabas na ako. 

"Ma sa canteen nalang po! Aishiteru! Bai-bai!" Sigaw ko kay mama at dali-daling tumakbo papuntang school.

Nang makarating ako sa school, halos himatayin na ako sa sobrang pagod pero wala ng masyadong tao. Waaa! Baka nagstart na silaa! Nagpapa-panic na ako pero mabilis padin tumakbo. Habang umaakyat ako sa hagdan gamit ang dalawahang hakbang ng hagdan, may napansin ako sa likod ko, lalaking hingal na hingal din habang ginagawa yung way ng pag-akyat ko. Hindi ko na pinansin dahil malapit na ako sa room. Nang papasok ako sa room ay lahat ng kaklase ko ay nakatingin sakin, or should I say, SA AMIN? 

"Carson and Blyton, why are you both late?" Tanong ng teacher namin. 

"A-ah, Ma'am kasi----hindi ko na natuloy ako sasabihin ko dahil biglang sumingit si Dritch. 

"Bumili lang po kami ng gagamitin para sa activity today. Kaso medyo mahaba po yung pila sa binilihan namin kaya po na-late kami." Pagpapaliwanag ni Dritch.

"Okay. Both of you, go to your seats now." Sabi ng teacher namin at nagtataka naman akong tumingin kay Dritch tas kumindat lang ang loko.

Pumunta na ako sa upuan ko, si ma'am nagpaliwanag ng gagawin sa activity today pero hindi ko siya maintindihan dahil mas malakas pa yung pagrereklamo ng sikmura ko kaysa sa pagpapaliwanag niya. Nakita ko naman si Preston ba yun na may binibigay sa ilalim ng desk ko, napansin ko brownie pala. Medyo nagliwanag yung mukha ko tas tinignan ko siya and I mouthed thank you. Tapos nun umiwas na siya ng tingin.

Pasikreto akong kumakain habang nag-eexplain si Ma'am, buti nalang talaga dumating yung asawa ni ma'am kaya inasar siya ng mga kaklase namin. 

"Ayiieee si ma'am oh! Pumoporeber." Hiyaw ng buong klase, tas si Ma'am naman eh nagblush pa, kaya natuwa ako kasi medyo kamukha niya si mama nung nagblush siya. Pero lumabas na rin si ma'am at kina-usap yung asawa niya na math teacher namin.

Nang makabalik si Ma'am ay may dala-dala na siyang chocolates at rose. Naghiyawan tuloy ulit yung klase pero si ma'am sabi pumunta na daw sa kanya-kanyang grupo. Hindi na ako tumayo dahil pupunta naman yan si Dritch dito. At hindi nga ako nagkamali dahil papunta na siya dito.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon