Chapter One

36 0 0
                                    


Aira's POV


Patungo ako ngayon sa classroom namin medyo late na nga ako eh. Paano kasi halos walang dumadaang sasakyan sa lugar namin may dumadaan nga pero wala nang space para sa'kin, sampung minuto tuloy ang nasayang kong oras sa kahihintay ng mga sasakyan sa daan samantalang alas singko imedya pa ako nagising at natapos ang mga siremonyas ko sa bahay mga 6:00 o'clock a.m. at pagkatapos lumabas ako ng bahay para mag-abang ng sasakyan is 6:40 a.m. Pero JUSKOLORD nasayang lang ang effort kong gumising ng maaga but it still the same late parin ako, kainis lang. Sabi ko naman kasi kina mama na magdorm nalang ako kasi malapit lang ito sa pinapasukan kong school at isa pa para hindi na ako magsakripisyo pang mag-abang ng sasakyan araw-araw kasi kung magdodorm ako lalakarin ko lang 'yong daan papuntang school. Eh kaso ayaw nila mama at papa na magdorm ako kasi daw hindi ko pa daw kayang mag-isa. Maski paglalaba daw ng mga undies ko hindi ko pa kayang labhan, ang magdorm pa kaya baka lang daw maging mukhang basura ang dorm ko kung ako ang titira. Grabe...thank you sa parents ko napakasupportive talaga nila.

Anyways nandito na ako sa tapat ng pinto ng classroom namin, mukhang maingay ang mga nasa loob talo pa ang ingay ng disco bar. So it means wala pa ata si Mrs. Almeda and so it means again hindi na ako late at wala rin akong punishment, makakapagpahinga narin sa wakas ang ilong kong laging nadidisgrasya sa mabahong amoy ng cr ng girls. Pero nakakapagtaka lang ha bakit wala pa si Mrs. Almeda eh halos ayaw nga nun maabutan ng sikat ng araw unlike ngayon 9:15 a.m. na wala pa siya. Pero malay natin baka meron siyang importanteng pinuntahan o di kaya'y may appointment siya o di kaya'y naospital siya kaya hindi siya makakapasok ngayon, diba? Pero 'yong naospital siya huwag naman sana baka multohin pa ako nun pag-nagkataong... Never mind. Much better na pumasok na ako sa classroom namin dahil for sure naghihintay na ngayon sa akin ang bestfriend kong si Andrea. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong sakin ang lumilipad na libro at sumalpok ito sa mukha ko. Grabe ang sakit naman, mas masakit pa sa sampal. Hinimas-himas ko yung noo ko, kasi 'yon ang part na masakit at habang ginagawa ko 'yon panay naman ang tawanan ng mga classmates ko. Sino kayang sira ulo ang nambato sa akin ng libro?


"Sorry besty, I didn't mean that. Hindi ikaw ang gusto kong batuhin kundi yung nasa tabi mo!" paliwanag ni Andrea sa akin.



Hmmm...I see, panay nga ang tawa ng nasa tabi ko. Siya si Shawn, classmate namin siya sa Earth Science Subject namin kay Mrs. Almeda. Kabilang siya sa mga magagaling na soccer player dito sa Floreda Academy actually siya nga yung nagbest player of the year nung nakaraang Gold Cup Championship. Besides sa pagiging magaling niya na soccer player he is also the hottest model of Bench at siyempre kapag model, gwapo yan. Yes, Shawn is a kind of boy na kahit saang anggulo mo siya tingnan masasabi mo paring gwapo siya, na kahit sa simpleng galaw lang niya lahat ng babae mapapatili niya. 

But except of my bestfriend Andrea, speaking of the two of them parang may naamoy akong something fishy sa kanila. especially Shawn, lagi niya kasing inaasar si Andrea walang araw at oras na hindi ko sila nakikitang nag-aasaran. At sa pag-aasaran nilang niyon ako lagi ang kawawa; kagaya na lang kanina, imbis na si Shawn ang dapat matamaan ng librong ibinato ni Andrea ako tuloy ang nagmistulang panangga ni Shawn.


"Nice shot Andrea, ang galing mo kaya crush kita eh." sabi ni Shawn ng nakangiti at sabay kindat pa niya kay Andrea, mga classmates ko naman naghiyawan sa sinabi ni Shawn.


"Che! Crushin mo mukha mo!" inis na sabi ni Andrea.


Research Paper: The Enigmatic Secret  of BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon