Chapter Two

22 0 0
                                    


Aira's POV

Maaga ang uwian namin ngayon dahil dadalo ang mga faculty members sa isang seminar sa Main Campus ng Florida Academy sa Calbayog. It's not my business to know kung tungkol saan ba ang seminar na iyon... Basta't ang alam ko lang, we don't have a class today PERIOD! Anu kaya ang magandang gawin ngayon? Hmmm... Alam ko na "shopping". Tama matagal ko nang hindi nagagawa ito, unlike before lagi akong may oras para mag-shopping. Ito lang kasi yung time na malaya ako, nagagawa ko ang gusto kong gawin, na eexplore ko pa lalo ang sarili ko sa mga bagay-bagay. Ako kasi yung klaseng tao na walang latay sa mga magulang, hindi ako makapag-enjoy dahil puro pader lang ng kwarto ko ang nakikita ko. Pakiramdam ko para akong isang baliw na nasa loob ng silid ng mental na laging nakakulong at nakadungaw sa bintana.
Anyways, I look to my watch to see what the time is? And it's already 1:30 p.m. So I have 3 hours to make my shopping at Migz mall, dahil after the shopping thingy. Kailangan ko nang makauwi before mag 5:00 o'clock p.m. Dahil may curfew ako, alam niyo na... May parents are very strict when it comes to my security. Dahil sa tatlong magkakapatid, ako lang ang nagiisang babae, mabuti pa ang dalawa kung kapatid na lalaki na sina Kuya Michael at Kuya Jordan; Malaya nilang nagagawa ang gusto nilang gawin, palibhasa mga lalaki. Unlike sa akin kahit may bibilhin lang ako sa labas ay kailangan pa talagang kasama si Yaya Annie. Nagmumukha tuloy akong bata na laging may buntot ng buntot na Yaya. Palibhasa babae, kailangan careful talaga... naiintindihan ko naman ang panghihigpit sa akin ng parents ko, kaso lang parang wala na akong privacy para sa sarili ko. I want my self to discover the world , I want to know everything with my own. Gusto kong gawin ang lahat kung anuman ang nais ko. Yaong bang habang ginagawa ko iyon walang nagdidikta sa'kin kahit sinuman, even my parents. 'Cause not all the time susundin ko sila, it's my turn naman to follow my desires too; I have the right to make my own decisions in my life. Hindi na ako bata para protektahan pa nila, I'm still grown up I don't need the guidance of my parents because I can handle myself. Well, habang tumatakbo ang oras I'll take this moment to be free for a while before the time is over. Because later on I surrounded again with my parents in the house acting like a "Dalagang Filipina", so disgusting!

Nandito ako ngayon sa Migz mall, mag-isang gumagala sa dress section. Hindi ko kasama ngayon si Andrea dahi abala siya ngayon sa pagpapaturo ng karate; pag-nakita daw niya uli si Shawn kakaratehin niya daw ito ng bonggang-bongga hanggang sa maging kamukha na daw nito si Bangkey. Natawa naman ako sa rason niyang iyon, baliw talaga 'tong babaeng ito kahit kailan walang magawa sa buhay. Kamusta naman ako dito sa ginagawa kong pagpipili ng damit? Ito palibot-libot lang naman ako dito sa mga damit na nakabalandera sa mga hanger placements pero wala parin akong matipohang mga damit ditto. Puro kasi mga old fashion at yaong iba namang mga damit hindi ko gusto yung mga designs and styles, napagod tuloy ako sa wala.
Nang maglibot-libot pa ako sa dress section ay may naaninag ako na napakaganda sa aking paningin na nagmumula sa dulo ng dress section. Kaya't walang anu-ano'y linapitan ko ito't pinagmasdan; isang mint green dress with a one sleeve sa left side at para siyang semi tube at skirt niya ay above to the knee na may design na pinagdugtong-dugtong na malilit na butterfly para magform siyang skirt. At 'yong pangalawang layer ng skirt ay isang plane cloth na kulay mint green. Basta ganun siya, imaginen niyo nalang ang hirap kasing idescribe.
Dahil sa nagagandahan talaga ako sa dress at bet na bet ko talaga siya ay kinuha ko ito sa kinalalagayan upang sukatin ito sa fitting room. Pagkadating na pagkadating ko sa fitting room ay bumungad sa akin ang katahimikan sa buong sulok nito walang ibang gumagamit, kahit ni isangkaluskus o murmured voice wala akong marinig. Nakakpanibago naman unkike before halos maging disco bar na itong fitting room na'to dahil sa ingay ng mga taong nagmumurmured ng iba't ibang reaksyon at komento sa kanilang damit at body size. Medyo kinakabahan ako sa nakakabinging katahimikan ditto...para kasing may...hrrr!.. ayoko nan gang isipin. Maisukat na nga lang itong dress na'to sa cubicle.
Pagkapasok ko sa isang cubible ng fitting room ay agad kong isinabit ang shoulder bag ko sa sabitan ng damit at pagkatapos nun ay hinubad ko ang damit ko kasunod ang suot kong skirt, matapos kung hubarin ang lahat ng saplot ko maliban sa bra at cycling ko ay chineck ko muna ang itaas ng wall baka kasi may mga matang naninilip diyan hindi ko lang alam. Nang masigurado kong wala nambubuso diyan sa tabi-tabi ay masayang-masaya ako na parang excited na kinuha ang napili kong dress section na isinabit ko sa sabitan ng damit. Bago ko pa man ito sukatin ay iniharap ko muna ito sa akin: pinagmasdan ko sandal ang nakakaantig na karisma nito sa aking mga mata. At pagkatapos ay tsaka ko na ito isinukat. Nang mai-fit ko na ito sa aking balangkinitan kong katawan (yes tama ang nababasa niyo, I'm sexy walang halong bero) ay agad akong humarap sa salamin upang tingnan kung bagay talaga siya sa akin. Dahil sa sobrang saya ay nabuhay na naman ang pagiging selfieholic ko, kaya naman dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bag. And then sinimulan ko na gawin ang mga mala-cover girl kong mga pose.

Research Paper: The Enigmatic Secret  of BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon