FFL-10

14 0 0
                                    

Maxine's Pov

Monday na ngayon. Oh diba? Ang dali ng panahon. 4 days to go, graduation na namin. As usual, lahat kami busy para sa dumadating na program na magaganap this Thursday. Let us called 'Farewell party' ng lahat ng 4th yr. Kaya ayun. Tumutulong ako sa paggawa o pagdidikit ng designs sa mga pader.

Kaya busying-busy ang lahat. Maya 1:00pm breaktime ng lahat ng 4th year. Ang mangyayari niyan mamaya, magkasama na naman kami ni Nathan. Hay nako!

"Bes! Lunch na tayo!"

"Ah! Sige, sandali lang!" Sabi ko saka idinikit ko yung heart sa pader. Saka bumaba na sa ladder.

"Tara na!" Sabi ko. Hanggang sa nakarating na kami sa canteen. Yep canteen. Tinatamad na kaming lumabas eh. Kasi naman pagod kami.

Pagkatapos naming umorder, demerecho agad kami sa vacant table. Tsaka nagsimula ng kumain.

"B-bess! Omg." Natulala siya. Habang inuusap-usap yung pagkain sa bibig niya. "Tumingin ka sa likod! Kyaaaaaaah!"

"Kyaaaah! Omg! Si Nathan!"

"Ang gwapo talaga ni Nathan! Haaays!"

"Para kanino kaya yang mga dala niya? Ang sweet!"

"Ang swerte ng girl na mabibigyan niya. Kyaaah! Ang sweet niya naman!"

Rinig kong sigaw ng mga babae na nagsisikain rin dito sa canteen. Hindi ako tumalikod, kasi alam kong si Nathan 'yun.

Hindi ko nalang pinansin, kaya napatakip ako sa mukha ko. Gagawa na naman ito ng eksena! Kainis talaga 'to!

Nakakainis nga, pero kinikilig at gusto naman.

>,<

"Maxine." Rinig kong sabi niya. Lahat ng tao dito sumisigaw! Nakakabingi! Kaya tumingin ako kay Nathan ng dahan-dahan.

"Eto, para saiyo 'to lahat. Binili kobtalaga 'yan hindi ko 'yan inutang!" Sabi niya sabay lapag yung mga pagkain. Ang dami naman neto?! May mga chocolates na ang sobrang dami! Tsaka may burger, french fries, sundae, chicken, spaghetti at coke na nakalagay sa supot ng Mcdo. Aba para naman akong patay gutom neto! saka may teddy bear. Let me rephrase, dalawang cute teddy bear. Yung isa babae at yung isa lalake. Ang sweet niya naman! Omg. Kung maging boyfriend ko lang talaga 'tong si Nathan, hinding-hindi ko na siya papakawalan pa!

"Seryoso?"

Tumabi siya saakin tas biglang nag tilian ang mga babae. "Yep. Para saiyo talaga yan." Nakatutok siya saakin at ngumiti. Bigla nalang nagwala yung mga ngiti niya tas may kinuhang tissue at pinunasan ang ketchup sa may labi ko. And the crowd goes wild again! >,<

"Makikisabay na akong kumain ah?" Tumango lang si Alexa saka tumingin saakin na ngiting-ngiti. Shemay! Nahihiya na talaga ako! Sobra!

"Look Nathan oh! Namumula si Maxine! Kinikilig ata! Ayieeeee!"

"Siguro nga. Sino bang hindi kikiligin eh gwapo ang katabi niya." Sabi ni Nathan saka binuksan yung chicken at spaghetti.

Hindi parin ako makagalaw. Kasi naman nahihiya ako! Aish! Bigla nalang humarap saakin si Nathan saka hawak yung spoon na may chicken at rice. "Susubuan kita. Wag kang umangal." Sabi pa niya at tumawa ng mahina.

"N-nakakahiya Nathan." Mahina kong sabi kay Nathan. Ngumiti lang siya saka sabi niya nga- nganga daw ako. Ngumanga naman ako saka nag tilian na naman 'yung mga babae.
Tas sumubo naman si Nathan. O.O

At talagang gamit pa yung spoon na sinubo niya saakin! Sabi sakin lahat ng mga ito? Haha.

"O.M.G! Nag indirect kiss sila!" Sigaw nung babae. Saka nag 'Ayieeeee' ang lahat. Tiningnan ko naman si Nathan ng pa sulyap, ngumingiti lang siya.

Fight For Love (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon