FFL-11

12 0 0
                                    

Nathan's Pov

Ang saya ko lang ^o^ pinayagan niya akong ligawan siya. Kung sasagutin niya ako, hinding-hindi ko na talaga siya papakawalan. Uupakan ko ang mang-agaw sakanya saakin. Lalo na yung Luke na 'yun! Kingina yun!

Araw-araw ko siyang ligawan. Basta pangako ko yun sa sarili ko. ang tanong, mamahalin kaya niya ako? I'm willing to wait naman. First love ko siya. True yan. Maswerte nga siya e. Hahaha dejk!

"Nathan, malapit na ang graduation. Byebye na in advance." Sabi niya. Saka nag we-wave sakaniyang kamay saka nag pout. Ang qt nya lang -/-

"Sakanila ka mag byebye, wag saakin. Kahit wala nang klase, makakasama mo parin ako. Makikita mo pa rin ako. Samahan parin kita no, baka may mang agaw saiyo mula saakin. 'Yoko nun! Saakin ka lang! Saka, wag ka ng lalapit kay Luke! Wag na wag kang lalapit sakaniya."

Napatingin siya saakin at hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Huh? Bakit naman? Eh kaibigan ko 'yun eh! Ang sama ko namang kaibigan sakaniya kasi 'di ko siya lalapitan? Iih!"

"Kaibigan lang ba? O ka-ibig-gan?"

"Anong sinasabi mo dyan?"

"Sagutin mo muna tanong ko."

"Kaibigan nga! Tsk!"

"Sabi mo 'yan ha."

"Oo nga. Sandali lang may kukunin lang ako sa classroom. Dyan ka lang!" Sabi niya saka tumakbo. Kaya umupo muna ako dito sa bench. Kinuha ko yung phone ko mula sa bulsa ko at tiningnan ko kung anong oras na ba. Maaga pa naman it's 10:00am pagkatapos nun minamasdam ko ang mga photos namin. Hays! Nakakamiss lang.

Saka, naalala ko yung kiss namin. Asdfghjkl! Ewan ko saakin, basta biglaan lang. Parang may nag pu-push saakin na halikan ko siya. A simple kiss lang naman not like others parang kukunin na talaga ang virginity. Haha! Ulol.

Nag log-in muna ako sa facebook ko saka unang bungad saakin sa news feed ay picture na mag-asawa. Tas ang naka caption pa dun,

Tag mo yung gusto mo maging future, together, forever and for the rest of your life! ❤

Nishare ko naman 'yun saka ni-tag si Maxine. Huehue! Totoo 'yan. Diba sabi ko, hinding-hindi ko na talaga siya bibitawan? Kahit pa may argues kami, hinding-hindi ako susuko sa relasyon namin. Aguruy! Charot, relasyon daw? Masyado ka atang excited Nathan!

Napatawa naman ako sa sarili ko. Hanggang sa nag 20 minutes nalang, hindi niya parin ako binalikan. Umaasa pa naman ako na babalik siya AGAD. Paasa talaga 'yung babaeng yun!

Kaya pinuntahan ko na siya sa room. Nang pagdating ko sa room namin wala siya. Kaya tinanong ko yung babaeng kaklase ko. "Nakita mo si Maxine?"

"Ahh... ehhh... a-ayun oh..." Sabi nung kaklase ko saka may tinuro. Kumukulo yung dugo ko sa nakita ko. Tumakbo ako papunta sakanila. Nang pagdating ko dun aakma na sanang halikan si Maxine kaya agad kong sinuntok si Luke. Tang*na talaga! Ang nililigawan ko pa! Bw*s*t! Nakaka beastmode!

"G*go ka ba?!"

"Bakit ba ha?!"

"Ba't mo nalang siyang hahalikan ng basta't basta ha?! G*go ka!" Sinuntok ko ulit siya. Kaya sinuntok din niya ako. P*ta talaga! Sa labi pa! Kengene dumudugo na! Aba 'di ako magpapatalo no!

Susuntukin ko na sana ulit siya kaya lang biglang sumigaw si Maxine, at kitang-kita ko sa mukha niya na iiyak siya. Siguro, ngayon lang siya nakakita nito? 'Di naman siguro.

"Pasalamat kang g*go ka! Buti nalang sumigaw siya kundi wala, wala ka na atang araw bukas."

"Ba't ka ba galit ha?!"

Fight For Love (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon