Chapter 3

11 0 0
                                    


Natapos din ang lingo at masasabi kong successful ito. Marami akong new friends ngunit ang mga naging besties ko ay sina Amor, Star at ang poging si Gino Martinez. Kami lagi ang mag kakasabay na mag lunch at break. Si Amor at Star ay parehong naninigarilyo except kay Gino at ako. Na e kwento ko din sa kanila ang health condition ko kung bakit hindi ako pwede mag yosi para naman hindi nila isipin na maarte at others ako. Si Gino naman ay talaga hindi naninigarilyo since birth. Sabi nya, yung lolo daw nya namatay sa lung cancer kaya talagang bata palang sila ng mga kapatid nya ay aware daw sila sa masamang dulot nito sa katawan.

Pareho silang tatlong may experience na sa line of business na ito. Kung tutuusin si Amor ay marami na ring Call Center na nalipatan. Ako lang sa kanila ang virgin ika nga. Tinutukso ni Star si Amor na Call Center hopper kung saan palipat-lipat ito ng company after few months. Si Star naman ay galing sa outbound at na realized nya na ayaw na nyang mag calls dahil nakaka hulas daw ng ganda nya. Si Gino naman ay dating Tech support pero inayawan daw nya ito dahil sa sobrang hirap at irate ng mga customers na tumatawag. Unti-unting nabubuo ang perceptions ko sa pagiging isang Call Center Agent. Medyo mahirap pala ang trabaho. May times na petiks, may times naman na laglagan ng panga sa dami ng work. Hindi ko masisisi kung bakit maraming nag reresign. Kung hindi ka part ng business at tinitingnan mo lang ito sa labas ay talagang masasabi mong madali lang dahil akala mo sasagot ka lang ng tawag ng customer at tapos na. Ngunit hindi doon natatapos ang trabaho ng isang Call Center Agent dahil may QA every week at calibrated ang mga calls for quality purposes. Minsan may mga up training at updates dahil nag babago din ang patakaran ng mga accounts na handle. Pag pinili mo ang career na ito dapat willing kang mag multi-task and of course willing ka ding sumabak sa graveyard shift. Marami sa mga Call Center Agents ay ilang taon nang pang gabi at super kayod pa din sila. Mga Bayaning Puyat - yun ang tawag sa kanila. Pero may rewards din naman. Hindi naman always pasakit lang. Importante sa mga empleyado ang HMO at dapat maganda ang coverage ng health card. Bakit? Dahil marami ang pang gabi at dahil sa lifestyle na ito ay hindi maiiwasang marami ang nagkakasakit. Given na na malaki ang sweldo dahil mahirap din naman ang trabaho. Sa ibang company ay talagang e uutilize ka hanggat maaari para hindi masayang ang binabayad sayo. Very lively ang mga tao sa loob ng office dahil siguro halos lahat ay bata pa or yung mga tinatawag na young at heart. Yun nga lang, dahil sa stress ay kanya kanyang coping mechanism ang mga agents – yosi, food, games sa cellphone, kape at marahil sex? Yun naman ang sabi ni Amor na sinang ayunan naman ni Star. Hindi ko na rin tinanong kung may experience na sila sa pakikipag sex sa loob ng office.

"Te may gagawin ka ba after?" Tanong ni Star after ng training.

"Wala naman na, bakit?" Tanong ko.

"Uwi ka na?"

"Bakit nga? Ano bang plano?"

"Rampa muna tayo sa baba then tambay sa SB, bet mo?" Sabi ni bakla habang naglalakad kami papunta sa elevator.

"Ma'am, may tumatawag po sa inyo." Interrupt ni Kuyang guard.

Lumingon kami pareho ni Star at nakita namin si Amor na nagmamadaling humabol sa amin.

"Mga traydor! Ba't nyo ako iniwan sa training room ha?!" Sumbat nya sa amin habang hinihingal pa.

"E kasi bakla busy ka kaya kakalandi kay Jess. Malay ko ba baka may plan kayung..." Hindi tinapos ni Star ang sinasabi nya at tumingin lang sa akin na naka nguso. Tumawa ako ng malakas dahil na gets ko ang ibig nyang sabihin. Hindi nga naman malayong may mangyari kay Jess at Amor dahil napansin kong buong lingo silang nag haharutan sa training. Malagkit ang tingin ni Jess kay Amor at obvious naman na gusto ni Amor ang atensyun na binibigay ni Jess sa kanya.

Medyo matipuno si Jess, clean cut at laging naka gel. Medyo hip hop syang manamit. Moreno pero masasabi ko ring may itsura. May tattoo sya sa kaliwang braso na hindi ko maintindihan kung anong design. Delicious daw sabi ni Star dahil barumbado at mukhang nananapak.

#FEELING LOVED (STATUS PA MORE!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon