Chapter 1

53 1 0
                                    


Bagong taon, bagong buhay – ito ang sinasabi ng karamihan pagkatapos ng New Year celebration. Halos lahat tayo may New Year's resolution at karamihan nito ay gawin ang mga bagay na exciting para sa atin. Ang iba ay gawin ang mga bagay na hindi pa nila nagagawa while ang iba naman ay gustong e challenge ang mga sarili nila upang gawin ang mga bagay na hindi nila kayang gawin dati. It's never too late to start new things – new hobbies, new sports, new places to go or even meet new friends.

That's the reason why I started writing on my journal. Wala naman talaga ito sa plano but I realized that I wanted to do something different, something new. This time I wanted to document everything na nangyayari at mangyayari sa buhay ko. I wanted to learn how to cease the moment. Yung bawat tibok ng puso mo kapag nakikita mo ang taong mahal mo or kung paano tumitigil ang mundo kapag nakita mo syang nakatingin sayo. Cease the moment. Hindi upang makita kung ano ang itsura mo kapag masaya ka, kundi kung paano mo nakikita ang mundo sa tuwing masaya ka. Ngayon pa lang nakikita ko na kung gaano ka over acting ang journal na ito pero okay lang kasi ganun naman talaga dapat. Hindi masaya ang journal kung hindi ito over acting. Hindi interesting ang journal na ito kung hindi ito ma drama. Kasama dapat yun - package deal baga.

Sa dami ng drama ng buhay ko para itong pinag samang Maalaala Mo Kaya at Magpakailan Man. Pero hindi naman lahat malungkot at marami pa ding kasing saya ng It's Showtime. Yun nga lang, maraming times na malungkot at kunti lang yung panahon ng kasayahan pero may pagkakataon na bumabawi din ang tawa kaysa sa iyak. Kaya naisip ko na mula ngayon, lahat ng tawa at lahat ng iyak ay e rerecord ko sa journal na ito para ng sa ganun ay hindi ito lilipas lang na parang isang ordinaryung araw. Malungkot man o masaya, lahat ng araw ay espesyal dahil sa bawat minuto at oras na lumipas sa araw na yun, buhay tayo.

Ako nga pala si Andrea Manlaos, Andeng for short kasi yun ang nakalakihan kong tawag sa akin ng pamilya ko. Bunso ako sa tatlong mag kakapatid, si Kuya Ansel ang panganay na sinundan naman ni Ate Agatha. Marahil nag tataka kayo kung bakit lahat ng pangalan namin ay nag sisimula sa letter A, dahil ito sa kagustuhan ng Tatay namin na ang pangalan ay Andoy. Ang Nanay naman ay Dolores ang pangalan. Hindi mayaman ang pamilya ko, pero hindi rin naman kami mahirap, siguro nabibilang kami sa middle class ika nga. Walang trabaho ang magulang ko ngunit business minded naman sila at dahil dito naitayo nila ang Andoy Bachoy sa gilid ng Aurora Boulevard sa Anonas. Espesyal ang Andoy Bachoy at dahil dito ay dinarayo ito ng iba't ibang klaseng customer – mapa taxi or jeepney drivers, students, si kuyang Sikyo at si Ateng nag tatrabaho sa Bangko. Minsan pa nga may mga doktor pa. Hindi naman kami yumaman dahil sa Bachoy ngunit dahil dito natapos naming tatlo ang pag-aaral namin. Si Kuya may trabaho na, minsan pa nga na dadaanan ko sya sa may Gateway Mall nag aalok ng condominium sa mga dumadaan. Si Ate naman Medtech na, habang ako... Well, nag hahanap pa din ng trabaho.

Psychology graduate ako sa isang Unibersidad. Hindi ako ganun ka ambitious pag dating sa kurso, para sa akin, kung ano lang ang kaya ko. Mahilig akong mag observe ng behavior ng ibang tao, nag eenjoy akong pag masdan ang pag uugali ng bawat isa. Kaya nag eenjoy ako sa tuwing pumupunta ako sa food court ng isang mall dahil nakikita ko ang iba't ibang klase ng tao. Ang galing no? bawat isa sa atin ay iba iba at walang nagkaka pareha. Unique tayong mga tao and special na parang Andoy Bachoy lang dahil nag iisa lang tayo.

When I was a kid, I was diagnosed with a heart condition. May ASD ako o ang tinatawag na Atrial Septal Defect. In other words, may butas ang puso ko. Sabi ng mga doctors, rare ang case na ito dahil ang iba, bata pa lang may tendency na mag close ang butas nila sa puso at may chance silang mamuhay nang normal pero yung sa akin, hindi. Swerte ko noh?

Dahil dito marami akong limitasyon at hindi pwedeng gawin. Sabi ng Doctor pwede naman daw akong magpa heart transplant, pero sa tunog pa lang na heart transplant nakakatakot na di ba? Ayaw din nila Tatay at Nanay, hindi dahil natatakot sila kundi hindi naman sure na gagaling ako. Paano kung hindi mag work yung pusong inilagay sa akin? At isa pa hindi kakayanin ng Andoy Bachoy ang presyo sa mahal ng procedure.

#FEELING LOVED (STATUS PA MORE!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon