Heartache On The Big Screen

80 1 0
                                    

We started out like in the movies. But we ended like a bad dream. 💔

AN:  Plagiarism is a crime.
O N E S H O T. My own interpretation of the song 'Heartache on the Bigscreen' by 5SOS. Again. It is my own interpretation of the song. Thankyou.

H E A R T A C H E O N T H E B I G S C R E E N 💔



Pretend
:to act as if something is true when is not true
:to imagine or act out a particular role or situation

"Kahit paulit-ulit mo yang basahin bes, hindi parin magbabago ang meaning nyan" bigla kong itiniklop yung handheld dictionary na hawak ko. Nang-aasar na naman tong babaeng to.

"Ano na naman bang kelangan mo Perla-Papaya" Viola! Kumunot ang noo nya sa pang-aasar ko. Tumabi sya sakin sa inuupuan ko at nagpangalumbaba. Asar talo bes.

"Che! Pearl ang pangalan ko! Pearl at hindi Perla!" Reklamo nya kaya natawa ako. "Ako dapat ang mang-aasar eh, kainis ka naman Niks. Oo na di ko na ipapamukha sayo yung salitang pretend na kanina mo pa tinutunaw sa dictionary mamaya nyan biglang sumulpot yung asungot mong hilaw na bo-" hindi ko na siya pinatapos sa mabilis niyang pagsasalita dahil nakita ko na yung tinutukoy niya.

"Babe, there you are" aniya

Ngumiti si Perla sakin na tila may pinapahiwatig siya sakin.

At tuluyan na ngang lumapit sakin ang taong tinutukoy niya. Ang gwapo niya talaga kahit sobrang pawisan siya. He sat beside me habang sobrang nakangiti. Natutunaw ako, wag ka ngang ganyan. I slowly took a deep breath, my heart races everytime he's near.

"Kanina pa kita hinahanap, " nilingon niya si Perla "Hi din sayo Perla" saka niya ibinalik ang tingin sakin. Samantalang bumusangot naman sakin si Perla sabay bulong ng 'FC yang hilaw mong boyfriend ha, bubugbugin ko yan bes isa pang tawag ng Perla'

"Ba't mo ko hanap?" Mahinahon kong tanong kahit gusto nang magwala ng puso ko.

"Kain na tayo, napagod ako sa practice namin eh." Pangungulit niya, ako naman si uto at agad na tumango. Nagpaalam kami ki Perla at saka nagpunta ng canteen.

"Naaasar na nga ako dyan kay Von eh, panay siko sakin sa practice. Kapag ako napuno dyan babe sasapakin ko talaga siya" Habang kumakain kami panay kwento siya sa practice nila kanina. Varsity kasi tong ugok nato, di ko nga din alam kung pano to nasali sa varsity eh di naman siya katangkaran at kagalingan sa pagbabasketball. Di naman siya gaanong attractive sa mga babae, Hinding-hindi talaga.

"Hi Jakey!" Senyas nung isang haliparot sa kabilang table. Nung lumingon naman siya ay nagsilitilian nga yung mga palaka sa kabila. See, di naman siya habulin ng mga babae diba. Nakita kong ngumiti naman itong si ugok. Haay nako, namagnet agad si 'jakey' nung babaeng kita-clevage na tumawag sa kanya.

"Tuwang-tuwa naman" bulong ko pero sadyang malakas na bulong iyon para marinig niya. Effective naman kasi nakuha ko agad ang attention niya

"Selos ka naman agad babe, syempre di kita pagpapalit" and then he winked at me

At tuluyan nang bumigay ang puso ko sa mapagpanggap na pag-ibig na ito.


Si Jake?
Hindi ko siya boyfriend. Pero 'babe' ang tawag niya sakin and well, maging ako din nakasanayan ko na ring tawagin siya doon. Parang kami pero hindi, sa madaling salita yun.

Heartache on the Big ScreenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon