DYTM.18 - There's so much more than empty conversations

220K 6.3K 2K
                                    


"So far, Yanessa's inside the incubator and she's still under observation. But everything is going to be fine, just like in Yohan's case. May infection siya sa dugo. Her lungs aren't developed yet, Yael, Alyza, but I will make sure that she's okay. Eight months isn't bad, I will do everything just to save her."

I was outside the NICU while looking at Baby Yanessa. She was asleep but as I watch her, I could feel how hard it was for her to breathe. Pinahid ko ang luha ko. Ilang araw ko nang iniiyakan ang nangyaring ito. Ang akala ko ay hindi na mauulit ang nangyari noon kay Yohan. I tried my best to do everything just to make sure that Alyza Mae is going to be okay, but still this happened.

I'm a failure and I will always be.

Ni hindi ko siya matingnan sa mga mata. Galit rin sa akin pati na si Ate Hyacinth. She knew about Raquel and maybe somehow, Alyza or Betchay told her what happened that night. Hindi ko naman siya masisisi, kahit ako ay nagagalit ako sa sarili ko.

"Dy, is she gonna be okay?" Yohan stood by my side. I looked down on him. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya para sa kapatid. Kinarga ko siya para mas makita niya si Yanessa.

"She is gonna be fine. Lola Dani promised, diba?"

"If she gets out of here, I'll start calling her Yana. Nakakatamad po kasi iyong Yanessa." Sabi pa ni Yohan sa akin. I smiled at kissed his cheek.

"Say goodbye to your sister. We have to go and check on Mommy."

Dahan-dahan kong tinahak ang daan papunta sa suite ni Alyza. Sa Varess Medical City siya naka-confine at mabuti naman na ang kalagayan niya. The people here were doing the best they can just to give her the best treatment pero alam kong wala lang iyon sa kanya dahil gusto niyang gumaling ang anak namin.

We reached her room. Pumasok kami ni Yohan. Ang una kong nakita ay si Nanay kaya lumapit ako para magmano. Nakangiti naman siya lalong lumawak ang ngiting iyon nang si Yohan na ang lumapit sa kanya.

"Tulog pa po ba siya?"

"Hindi. Gising na. Nagpa-pump ng gatas para kay Yanessa. Mag-usap kayong mag-asawa, Yael. Kawawa ang mga bata kapag hindi kayo nagkaayos." Malumanay na wika niya. Ngumiti naman ako at pumasok na sa loob kung saan naroon si Alyza. Mukhang katatapos niya lang mag-pump ng gatas. Ibinigay niya kaagad iyon sa nurse.

"Hello..." Mahinang wika ko. She looked at me. Wala na ang takot sa mga mata niya pero naroon naman ang galit at pagkasuklam. "Aly..."

"I want an annulment, Yael." Sabi niya sa akin. Kinabahan ako dahil sa pagkakataong iyon ay para bang desidido na siya. "Hindi na ako magtitiis sa sitwasyong ito. Gusto ko nang makipaghiwalay sa'yo. Nasabi ko na ito kay Nanay at kung hindi mo kaya ako na rin ang magsasabi sa magulang mo. Kung hahanapan mo ako ng grounds, Adultery and concunbinage ang isasampa ko. Seryoso ako, Ysmael."

Hindi ako nakakibo. I feel like crying. Ganito pala iyong pakiramdam ng basurang itinatapon. Mahal ko si Alyza. Alam ko iyon at dama ko iyon sa puso ko. Kaya nga nasasaktan ako at natatakot akong mawala siya sa akin pero mukhang huli na ang lahat ng ito.

"Paano ang mga bata?" Biglaang tanong ko. Alyza shook her head.

"Ang kapal naman ng mukha mong gamitin sa akin ang mga anak ko. Oo nga at mabuti kanga ma kay Yohan at sigurado naman ako na kay Yanessa rin pero sa lahat ng ito, Yael, walang patutunguhan ang meron tayo. We started in the wrong foot and it will never be corrected anymore. You know so well that we have to get this. We need to free ourselves from this misery bago pa tayo maging siraulo."

Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya kundi galit.

"Galit ka lang." Sabi ko pa.

"Mawala naman ang galit ko, hindi magbabago ang desisyon ko. Iyong mga bata, we will figure something out. Hindi ako madamot. Hindi ko sila kukunin sa'yo, hindi ko silang ipagdadamot sa pamilya mo. Pero ako, Yael, suko na ako. Hindi ko na kaya. Since day one, you do nothing but hurt me. Kailangan kong maging matatag para sa mga bata. We need to get this annulment."

Dare you to moveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon