DYTM.04 - Welcome to resistance

179K 6.1K 1.8K
                                    

                  

"Manay, ano bang nangyari sa demonyong nagkatawang tao?"

Umaga iyon at naghahanda ako ng almusal. Saktong limang buwan na ang tyan ko ngayon at ngayon din ang balik ko sa doctor na pinagdalhan sa akin ni Apollo noong nakaraan. Malalaman ko na kung babae o lalaki ang baby ko. Gusto kong malaman para makabili na ako ng gamit niya. May kaunting ipon naman ako saka mura lang naman ang gamit ng baby sa 168 mall sa Divisoria. Doon na lang ako bibili.

Hindi ako aasa sa pamilya ni Yael. Baka kaoag nagkagipitan ay isumbat pa nila sa akin ang mga naibigay na nila sa baby ko. Kapag nakapanganak na ako ay magpapatuloy akong mag-aral. Isang sem na lang naman ang kailangan kong makuha para maka-graduate na ako. Nakausap ko na si Betchay ay sinabi niya na tutulungan niya akong alagaan ang magiging baby ko.

"Hindi ko alam at wala akong balak alamin." Pumutol ako ng saging at isinawsaw iyon sa Milo. Hindi na ako nagkakape kahit na gustong-gusto ko. Lalo na iyong coffee float sa McDo. Iyon ang favorite ko talaga. Naalala ko, madalas akong ibili ni Ignacio nang ganoon noong nililigawan niya pa lang ako. Pero dahil buntis na ako, hindi na ako pwedeng uminom ng kape at coke – argh those are my favorites – but for my baby, I will give up everything.

"Parang hindi na nga po niya kayo pinapansin." Sabi pa ni Betchay.

"Wala nga akong paki. Mas maganda nga iyon para wala nang gyera sa mundo. Saka para hindi kami na-stress ng baby ko. Diba baby..." Hinaplos ko ang tyank ko. "Teka, maglagay ka ng sinigang sa container. Dadalhan ko ng ulam iyong kapitbahay natin."

"Ay! Ako na lang po!" Tumili bigla si Betchay. "Sisilayan ko lang ang abs ni Sir Achilles!"

"Malandi ka!" Tumawa ako nang malakas. Come to think of it, ngayon lang ako natawa nang ganito sa isang lugar kung nasaan si Ysmael Demonyo.

"Ako na lang. Magpapasalamat din naman ako kay Apollo." Napapailing na sabi ko. Napanguso si Betchay at saka sinunod ang utos ko. Naglagay nga siya ng ulam sa container tapos ay ibinigay sa akin. Nagpaalam ako sa kanya na lilipat lang ako sa kabila.

Bago ako lumabas ay tumingin muna ako sa silid ni Yael. Sarado pa rin ang pinto. Nagkibit-balikat ako at saka lumabas na. Tama si Betchay, tahimik nga si Yael nitong nakaraang dalawang linggo. Hindi na rin siya masyadong lumalabas ng bahay pero hindi rin naman siya lumalabas ng kwarto. It's not like I care pero kasi mas gusto ko na wala siya sa paligid ko. Kahit naman hindi ko ipinahahalata ay nakakaramdam ako ng takot sa kanya. Sana talaga, mawala na ang topak niya at maggagala na ulit siya. I hate him being around me.

Kumatok ako sa pinto ng unit ni Apollo. Bumukas iyon at ang nakita ko ay iyong lalaking naka-suit at panay bagong ligo at mukhang mabango – si Achilles.

"Oh, hey Yael's wife! Good morning! To what do I owe this pleasure of your presence?"

"Ah... wala naman. Nandito ba si Apollo?"

"Oh yeah. Miraculously, he's in the shower. Come in, come in!" Ibinukas niya nang malaki ang pinto at hinayaan akong makapasok. I looked around the unit. Malaki ang unit ni Apollo. Apat yata ang kwarto noon. Spacious ang sala tapos ay may malaking glass window na kapag tumayo doon ay kitang-kita naman na ang buong Metro. Ang ganda siguro dito kapag gabi.

"I smell something good and it's making me hungry. What's that on your container?" Achilles asked me. Iniabot ko sa kanya ang dala ko.

"Kumakain ka ba ng Sinigang sa Miso? Nagluto ako baka gusto mo."

"Sinigang? That's my Dad's favorite dish. I'll take this and I'll dig in. Thank you, Aly. You're so pregnant."

Napanguso ako. Parang tanga lang si Achilles. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa marating niya ang kusina. Hinubad niya ang coat niya at inilapag nang maayos sa sandalan ng silya. He folded his sleeves slowly but neatly. After that, he took a plate and a pair of spoon and fork and he started eating.

Dare you to moveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon