DYTM.02 - Lift yourself up of the floor

201K 6K 2.3K
                                    

Matapos ang kasal ay lumipat kami ng Ysmael na iyon sa isang unit sa Skyline Vejar Towers. Ayon sa Mama niya – na hanggang ngayon ay kinahihiya kong tawaging Mama – ay regalo daw iyon ng Uncle ni Ysmael para sa kasal namin. Hindi naman ako masaya na may ganoong regalo pala. Hindi naman talaga namin kailangan magsama. Mas gusto ko pa ring umuwi sa bahay ng mga magulang ko. Siyempre, doon, may kakampi ako. Sa bahay kasi ng mga ito, para ba akong illegal alien na napadpad sa mundong ito at napilitan lang silang tanggapin ako.

"Labhan mo lahat ng bed sheets ha. Pati na rin iyong mga kurtina. Gumalaw-galaw ka dito sa bahay, hindi iyong panay ka lang nakaupo. Pagatapos mong maglaba, magluto ka, tapos mamalantsa. Ayokong nakikita kang nakaupo lang diyan, Alyza."

Isang linggo na kaming nakatira sa bahay na iyon at wala akong ginawa sa buong linggong iyon kundi ang maglinis. Pinapagod yata ako ng ulol na ito. Alam naman niya na buntis ako, pero walang katapusan ang utos niya. Nakakayamot nga, ang Diyos, sampu lang ang utos, si Ysmael, unlimited. Tinalo pa ang nanay ko.

"Sir, ibinilin po ng Mama ninyo na h'wag daw pong pagtrabahuhin si Ma'am Aly. Baka daw po makasama sa bata." Narinig ko iyong maid na nagsalita kay Ysmael. Tumingin ako sa kanila. Nagwawalis ako noon sa sala. Si Ysmael naman ay nakaupo at naglalaro ng video games niya.

"Wala kang pakialam. Do you want me to fire you?!"

"Pero, Sir, baka po duguin siya."

"Oh, 'di maganda! Nang mawala na ang problema ko! Nang mawala na siya sa buhay ko!"

Napapikit ako. Sa inis ko ay ibinato ko ang walis sa kanya.

"Ang kapal ng mukha mo! Kung makaasta ka akala mo ikaw lang ang nahihirapan dito! Buti ka nga ganyan ka lang nang ganyan! Ako? Mas maraming nawala sa akin! Nawala ang pangarap ko! Nawala iyong buhay na pangarap para sa akin ng mga magulang ko! Tapos – tapos – anak mo iyong bata sa tyan ko tapos gusto mo siyang mawala! Napakahalimaw mo!" Halos mamalat ako sa kakasigaw sa kanya. Umiiyak na rin ako. Tama na iyong isang linggong pagtitiis ko. Apat na buwan na ang tyan ko, halata na iyong bump doon. Nararamdaman ko na talagang may bata sa loob at kahit anong gawin ng ulol na ito, poprotektahan ko ang anak ko.

"Iyan ang napapala ng kalandian mo!" He hissed at me. Lumakad ako papunta sa kanya at sinampal siya. Galit na binalingan niya ako. Itinulak niya ako – malakas. Dahilan upang mapaupo ako sa sahig. Tumama ang baywang ko sa kanto ng coffee table. Napangiwi ako.

"Tarantado ka!" Sigaw ko. Awtomatikong napahawak ako sa parteng iyon ng katawan ko. I was praying so hard for my child to be safe. Hindi pwedeng mawala siya sa akin. Siya lang ang magandang resulta ng lahat ng katangahan ko.

"Ma'am! Okay ka lang ba?"

Nakatingin sa akin si Ysmael na para bang may hinihintay. Maya-maya ay napailing siya.

"If you don't want this life, Alyza Mae, the least thing you can do is get rid of that thing inside of you. Hindi pwedeng aalis ka lang. My father will search heaven and hell just to see you again. Madali lang naman diba? It will hurt as hell as they say but it will be the solution to this problem. You will have the life you dreamed of and be free again."

Tumalim ang titig ko sa kanya.

"Why not do me a favor, Yael and kill yourself?" I hissed. He shook his head.

"You're hopless, Alyza."

"Nakakahiya naman sa ugali mo iyong pagiging hopeless ko! Tarantado!"

He walked out. Tinulungan naman ako ng maid na tumayo. Iniupo niya ako sa sofa at saka napa-antanda.

"Diyos ko! Buti at hindi ka dinugo, Ma'am! Grabe! May demonyo pala talaga sa lupa!"

"Hindi demonyo iyon. Siya mismo si Satanas." Inis na sabi ko. Pinahid ko ang mga luha ko at saka huminga nang malalim.

Dare you to moveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon