Prologue

22 0 0
                                    

Umihip ang malakas na hangin. Ang amoy ng maalat na dagat ay nagpapadala sa simoy nito. Mainit, ngunit maganda ang tanawin. I have never been this so chill in my entire dramatic life.

Hinubad ko ang sundress at agad na lumusong sa dagat. Never been this naked before, too. Nakasuot ako ng kulay itim na stringed bikini ngunit pakiramdan ko ay naging porn star na ang kaluluwa ko.

Today, my life will start its change. I will change it here. I will change everything. Sa islang ito, magssimula ulit ako, mag isa-- as if I had someone back then, right? Kung meron man, kung nagpakatotoo lang sana ang lahat, wala sanang iwanan ang nangyari.

But bitch, not because you love unworthy people to the fullest, it doesn't mean that you're gonna end up with them. No. Simply because life fucking sucks.

"Ma'am, lunch niyo na po." Tawag ni Manang Maricel sa akin habang nakatayo siya sa takas.

Umirap ako, "Manang, Luna ang itawag niyo sa akin. One more ma'am and I'll fire you." Ngumiwi ako at umahon. Ilang beses ko na 'tong binanta sa kanya, ilang beses rin siya nagkakamali ngunit wala akong lakas para patalsikin siya sa trabaho. Ayaw ko.

Nakayuko siyang tumango at nilahad sa akin ang tuwalya. "Manang Maricel, matanda po kayo sa akin. Don't call me, ma'am. Nakakairita."

"Opo."

"Kumain na kayo?" Tumaas ang kilay ko habang tinatapis ko sa baywang ang tuwalya.

Umiling si Manang Maricel, "Tatapusin lang po namin ang labahin-"

"I want to eat here. Gusto ko palagyan ng mesa dito sa labas. Kakain tayong tatlo kasama ang anak mo, Ylla right?"

Tumango si Manang Maricel. Alam kong gusto niyang tumanggi. Ngunit alam niyang ayaw na ayaw kong tinatanggihan ako. Isa pa, nahihiya lang naman 'yon dahil sa kadaldalan ng anak niyang babae. But I don't mind though, mabuti nang may bumulabog sa isip ko kaysa naman magmuni muni ako ng mag isa.

"LUNAAA!" Buhat buhat ni Ylla ang bilog na mesa habang sinisigaw ang pangalan ko. Nakasuot siya ng simpleng puting t shirt at maong shorts ngunit suot ang sunnies ko. Naka pony tail ang kanyang buhok at mahaba pa sa pasensya ko ang bibig niyang nakangisi.

Umupo ako sa lounger at inirapan siya. Sigurado akong nakita niya iyon dahil humalakhak siya.

Nilapag niya ang mesa tapos ay lumapit sa akin. Ewan ko ba sa babae'ng 'to. Mas malakas pa siya sa lalaki. Medyo may pagkamaskulada ang manipis niyang braso at mayroong siyang apat na abs. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya para maging ganoon ang katawan, siguro ay dala na rin sa trabaho niya doon sa bukid nila.

"Sabi ni Mama kakain daw tayo dito? Ano ulam? Gusto mo mag barbeque tayo?" Sunod sunod niyang tanong.

Ni isa ay wala akong sinagot. Hinintay ko si Marco na malapag ang apat na upuan sa bilog na mesa. Agad akong umupo doon, ganoon din ang ginawa ni Ylla sa tapat ko.

"Nga pala, Luna, hindi na ba tayo babalik?" Tanong niya habang inaayos ang mga upuan.

Umiling ako, "Siguro hindi na. Mas payapa dito."

Ngumuso siya. "Eh? How 'bout my schooling there? Mabuti ka at nakapag tapos ka na."

"Dad will take care of that. As long as hindi ka sasabit."

"Sus. Ako pa ba? Ylla Lucy Piedad? Buntis? Nooo..." Inere niya pa ang kanyang daliri.

"So, okay ka na ba?" Tanong niya habang nilalapag ni Manang Hecel ang mga pagkain sa mesa, isa sa mga katulong ni Daddy na pinadala niya rin dito.

Nagkibit lamang ako ng balikat. You can't be that completely okay when you've been a victim of foolishness and lies. Well, I'm okay but not completely.

Just LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon