Pagkagising ko ay bumungad sa akin ang pagkain sa kama ko. Sa harap ko ay si Ylla na umuupo sa sofa na nakaharap sa laptop, sa gilid niya ang ang dslr na ginamit namin kahapon sa photoshoot.
"Morning. Nag f-facebook ako. Nag iba ako ng display picture at ti-nag kita!" Humagikhik siya, ni hindi niya maalis ang tingin niya sa laptop, "Photography of Lunaire Lexus Lacson. Grabe, ngayon lang ako umabot ng two k likes! Ang dami pang comment! Gawan kita blog?" Tumingin siya sa akin at ngumising aso.
Umirap ako at bumangon ng kama. Tsaka ako umiling, "I don't wanna work yet, Ylla. I wanna chill." Dumeretso ako sa banyo para manghilamos at mag toothbrush. Nasa banyo ako at tila napantig ang tainge ko sa pag tili ni Ylla doon.
"Damnson! Nexus commented!" Sigaw nito, "Yung kapatid mo, Ylla! Nagpaparamdamam na! Kuha pa tayo madaming pics please!"
Tiningnan ko lang ang sarili ko sa salamin. It's been a week. I look like a messed up potato. But better than days passed. It's fine, Luna. You're hurt but you're gonna be okay. Fuck those assholes ruiner.
"Adamson Nexus Lacson, you're gorgeous in this shot. Heart emoji!" Tumili ulit siya pagkalabas ko ng banyo, yakap yakap niya ang laptop ko habang nahihiga na sa sahig at halos mapunit ang labi niya sa kakangiti.
"He's just flirting, Ylla. Don't fall for that. He does that with every fucking girl." Dinala ko ang sarili ko sa kama at nagsimulang kumain. Bacon-Cheese Sandwich and milk. Alam na alam talaga ng baliw na 'to ang paborito ko.
"Alam ko! Nexus pa!" Aniya pero hindi matigil tigil sa pag ngiti, "But he made my day!"
"I made your day." I corrected, taking small bites with my sandwich, I don't want to finish this so soon. Damn, bakit hindi niya dinalawa ang paggawa nito?
"Oo na!"
"Ylla, sana naman dinalawa mo ang sandwich." Ngumuso ako at uminom. Hindi ko kayang kainin ang sandwich dahil naaawa ako. It's such a beauty.
"Dalawa 'yan kanina, kinain ko yung isa kasi nabagot at nagutom ako." Humagikhik siya at nag scan ulit sa laptop.
"Walang hiya ka." Tanging sabi ko at uminom ng gatas.
Ngumisi lang siya sa akin. Nakapantulog pa siya at medyo magulo ang buhok. Naka on rin ang flat screen tv sa harap niya ngunit muted ito. Ang floor to ceiling na bintana sa gilid ng tv ay bukas ang kurtina. Sa isang gilid naman ng tv ay ang terrace na tanging glass door lang ang namamagitan.
"Bakit ayaw mo mag blog, Lu? Pwede mong pag perahan 'yon. Apply to a company, be their blogger, and then voila, you got pennies!"
"I told you, I don't want a work yet. I'll enjoy my stay. And dad won't count that. He understands."
"Sa bagay, sinong baliw ang pipiliing magtrabaho kung pwede namang mag chill, diba?" Kibit balikat niya at binaling ulit ang atensyon sa pag f-facebook.
"Ikaw. Ikaw baliw ka." Sabi ko sabay kain ulit ng sandwich. Pagtingin ko doon ay kalahati na lang. Fuck. This hurt more than any break ups.
Nang maubos ko ang sandwich ay napagpasyahan kong bumaba para gumawa pa ng isa. Hindi ako nabusog sa gawa ni Ylla. Kinain pa niya ang isa! Damn.
Pagkababa ko sa malapad na staircase ng beach house na ito ay bumungad sa akin ang sumasayaw na kurtina sa bintana. Mahangin sa labas at hindi pa man ganoon kainit. Tanaw na tanaw ko ang magandang tanawin ng baybayin ng Catallona. White sands, green water and tall coconut trees. Perfect ambiance.
Dumeretso ako sa kusina at nagulat ako sa presensya ng malaking taong nakaupo sa mayor na upuan ng hapag. May kapen nakalatag sa mesa habang nakasalaming nagbabasa ng dyaryo.
