Pinasuot ko si Ylla ng floral bikini. Halter top ang design ng itaas nito at may iilang stringed garter ang nasa likod. Habang ang bikini bottom naman ay plain black floral.
Kumuha ako ng iilang shots niya. May iilang candid, bird's eye pov at lahat ng kaya kong angle ay sinubukan ko at todo pose rin naman siya.
Si Ylla ay isang tipo ng subject na todo bigay. Sa confidence niya- na naaayon naman sa mukha at katawan niya ay mapagkakamalan siyang propesyunal. Sa bawat pose niya na sinusunod niya sa mga mgazine na binabasa niya ay nakukuha niya ito. She's smoking sun. Maganda ang pangangatawan niya, parehong may laman ang dibdib at pwet niya. May makinis at morena siyang balat. She's got long legs and arm, flat tummy and undeniable curves.
"Serious face, Ylla. Stop smiling. Pout a little bit." Sabi ko habang pino-portraite ang camera.
Nasa tubig siya na hanggang hita ang lebel. Medyo basa ang kanyang kulay itim na buhok. Sa init ng araw ay kumikintab ito. Sinunod niya ang sinabi ko at nakuha niya iyon pagkatapos ng iilang shots. Wavy ang buhok niya na hanggang sa upper boob, matangos ang kanyang ilong, malapsi ang kanyang labi at itim na itim na mga mata. She's indeed a chiseled-well masterpiece.
Umirap ako nang may sumagabal sa background namin. Bangka. Siguro ay mga taong nag b-bakasyon o nag i-island hopping, summer na kasi.
"Change place, Ylla." Sabay turo ko sa bangka sa likod niya.
Tumingin siya doon at ngumiwi. "Ano ba yan! Hindi ba sila pwedeng lumiko? Anurin sana ng alon ang mga 'yan!" Aniya at tumakas sa tubig.
Umirap rin ako. Ilang minuto rin ang inukol namin para makakita ng magandang pwesto.
Tinapis ni Ylla ang tuwalyang tinapis ko kanina at nauna pang maglakad at naghanap ng magandang pwesto kaysa sa akin.
"Dito?" Tumayo siya sa harap ko, sa likod niya ay ang matataas na coconut trees at maliit na kubo.
"Pwede." Sabay pasada ko ng tingin sa kubong walang dinding. "Pwesto ka sa gitna." Sabi ko. Pinaggigitnaan siya ng mga coconut trees at kubo na nasa dagat.
Nagsimula ulit kami. Well, wala akong maisip na gawin kanina kaya eto kami ni Ylla. Mas mabuti na ito kaysa magmukmok ng mag isa at isipin ang mga hindi dapat iniisip.
Photography is my passion. Ito ang pagkakaabalahan ko. I love pictures. Para sa akin ay ito ang nagsisilbing buhay ko. It captures unforgettable moments and it's a life. Without this, well, maybe I'm bored to death now because I don't see my self doing anything rather than this.
"Break muna." Sabi ko sabay upo sa buhangin. Tiningnan ko ang mga shots ko at nag delete ng mga kuha na hindi ko nagustuhan.
Umupo si Ylla sa tabi ko at halos suksukin niya ang mukha niya sa camera habang tinitingnan ang sarili niya doon.
"Ang puti ng kili kili ko, ah? Kaka ani ko lang kahapon." Humagalpak siya ng tawa.
Pinanuod ko siya at inirapan. Tumagos ang tingin ko sa likod niya kung saan may pitong tao na bumababa sa bangka. Apat na lalaki at tatlong babae na lahat ay naka bikini top at denim shorts.
"Pabebe nong isa." Komento ni Ylla habang pinapanuod namin ang huling babaeng bumababa ng bangka. Tinapi niya ang alok ng driver at nagpakarga doon sa lalaking may magandang pangangatawan... Hindi ko makita ang itsura nito dahil may puting ball cap siyang suot, nakatop less at board shorts.