Chapter 4
[Lloyd POV]
Buti at hindi masyado pinansin ni Jay yung sinabi ko sa ereplano at hindi rin alam ni Jay dati pa ako may gusto sa kanya simula ng makilala ko sya
Hindi ko alam kung bakla na ba ako dahil nagkagusto ako sa kanya pero feeling ko pagkasama ko sya ay pakiramdam ko ay isa syang babae kaya nawawala yung pag-iisip ko na nagiging bakla na rin ako
Grabe hindi ko talaga maimagine
* Flashback *
Galit na galit ako sa mga bakla dahil ang hilig lang naman nila kundi katawan ng isang lalaki at dahil sa mga katulad nila nagkaroon ang pinsan ko ng HIV kaya kahit kailan hindi ako dumidikit sa mga bakla
Kapag may kaibigan ako na may kaibigan silang bakla at nakikita ko sila ay bigla bigla ko na lang sinasapak kaya lahat ng mga bakla na nakakakilala sa akin natatakot sa akin at umiiwas sila
Alam ko masyadong mababa ang dahilan ko pero ano magagawa ko kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko sila
One time nga niyaya ako sa isang B-day celecration ng ex-girlfriend ko kaya pumunta naman ako
Pagkapunta ko dun nakita ko yung ex ko na may kausap na bakla kaya sinapak ko ito kaagad at lahat ng tao sa party ay nagtinginan sa akin
Dahil dun bigla naman nagalit sa akin si Stephanie ang ex ko dati at pinaalis ako
Kaya pumunta muna ako sa bar para uminom medyo nakapito akong bote at lasing na lasing ako nun pero kaya ko pa nun
Dahil sa marami akong nainom na alak ay bigla ako nakakita ng isang bakla sa harapan ko kaya sasapakin ko sana ito kasu biglang dumilim ang paligid at tuluyan akong nawalan ng malay dahil sa kalasingan
Nagising ako na nakahiga sa isang kama at nakakumot pa ako, bumangon ako pero sumasakit ang ulot ko pero pinilit ko pa rin para malaman kung nasaan ako
Ilang hakbang palang ako ay may nakita akong isang lalaki na nakupo sa gilid at nakayuko at naririnig ko ito na umiiyak kaya nilapitan ko sya at tinanong kung ok lang ba sya
Itinaas naman nya ang ulo nya at pinunasan ng kamay nya ang mga mata nya
" gising ka na pala, sorry kung inuwi kita dito, wag kang mag-alala wala akong ginawa sayo " sabi nya habang pinpunas pa rin ang mga mata nya
Matapos nyang sabihin yun ay bigla ako napaisip kung ano bang nangyari pero hindi ko maalala kaya tinanong ko sya at kwinento naman nya sa akin kung ano nangyari
" niyaya kasi ako ng mga kaibigan ko dahil sa nalaman nila na nakipag break sa akin ang BF ko na ewan ko kung kami talaga kaya wala akong nagawa, sumama ako sa kanila pero hindi naman ako umiinom ng alak pero sumama pa rin ako, nakita mo ako at parang sasapakin mo yata ako kaya napapikit ako pero bigla ka naman nawalan ng malay dahil sa kalasingan, hindi ko alam kung ano gagawin ko sayo dahil hindi naman kita kilala pero sinabihan ako ng mga kaibigan ko na iuwi muna daw kita, aayaw sana ako dahil hindi naman kasi ako nagdadala ng lalaki sa bahay lalo na kapag lasing pero wala akong choice at dinala nga kita sa bahay namin " sabi nya
Uminom muna sya ng tubig at pinagpatuloy ulit ang pagkwewento at ako naman ay nakikinig lang gusto ko nga syang sapakin dahil bakla pa sya pero hindi ko nagawa kasi medyo umiiyak kasi sya
" nakarating na tayo sa bahay at pinasok na kita pero pagpasok natin ay parang nasusuka ka kaya dinala muna kita dun sa cr namin at hinayaan kita dun dahil ayokong nakakakita ng suka o taong nagsusuka, hindi naman sa nag-iiinarte ako o allergic ako basta ayoko talaga at saka natrauma na ako sa mga taong lasing, anyway ng matapos kang magsuka ay kumuwa ako ng towel na basa at pinunasan ko ang mukha mo, huhubaran sana kita para punasan din at palitan pero ayoko baka kasi isipin mo na may balak ako kaya hinayaan na lang kita na yun ang suot mo di naman kasi mabaho " sabi nya
BINABASA MO ANG
The Love of Two Man (Completed)
Teen FictionLalaking nagkagusto sa isang lalaki na inakala nyang babae dahil sa mukhang babae ang itsura nito. Ngunit, hindi lang sya ang nagkakagusto rito dahil mayroon ding isang lalaki na sobrang galit sa mga bakla pero simula ng makilala nya si Jay ay nagba...