Epilogue

70 5 0
                                    

EPILOGUE

After 4 years

[Peter POV]

Magpapasko na pala at nandito kaming dalawa ngayon sa bahay na binigay ni Mom

Tanggap pala sya ni Mom dati pa, ewan ko kung bakit ok sa kanya pero ang alam ko ok lang kay mom kung sino ang makasama ko basta masaya lang daw ako

Kaya hindi ko na kailangan mag-isip pa basta mahalaga tanggap sya at tanggap din ako ng magulang nya kaya wala na akong problema

Ding Dong!!!

Bubuksan ko na sana kasu biglang lumabas si Jay galing sa kitchen kaya sya na ang nag-open nito

Pagkaopen ni Jay nakita ko si Angelo na may bitbit na dalawang basket at may malaki itong ribbon sa gitna

Pinatuloy ni Jay si Angelo at lumapit naman ako sa kanila pero may narinig ako ng iyak ng isang bata kaya nagtanong ako kay Angelo

" Angelo kanino yang mga bata? " tanong ko sa kanya habang tinitignan ang dalawang bata na napaka cute at medyo may pagkakahawig kay Jay

" para sa inyong dalawa, actually para kay Jay talaga " sagot ni angelo sabay lapag sa sahig ang dalawang basket na dala nya

" huh??? anong ibig mong sabihin " pagtataka ni Jay

" ibig sabihin anak mo itong dalawa " sagot ni Angelo

" ano anak ko itong dalawa? " gulat na sabi ni Jay sabay turo dun sa dalawang baby

" yup, wala ka bang maalala? " tanong ni angelo habang umiinom ng tubig at nakangiti

" naalala ? paano ako magkakaroon ng anak eh hindi naman ako nanganak " sabi  ni jay habang nagtataka

ako naman nganga lang para ngang walang tao sa harap nila, hindi ako pinapansin kaya nakikinig na lang ako sa kanilang dalawa

" hindi nga, kasi ikaw ang gumawa ng anak " Angelo na naka evil laugh

" ewan ko sayo ang gago mo talaga Angelo kahit kailan " Jay habang nakaupo sa sofa

" sige na nga ikwewento ko na kung bakit anak mo iyang dalawa " Angelo at kwinento na nga nya kung anong nangyari, ako naman hindi ko alam kung magagalit ako pero si jay nakikinig lang talaga kaya pinigil ko na lang ang galit

[Author POV]

momment ko ngayon :)

Before 9 months

Nagkausap si Jay at Angelo, samantalang si Peter ay nasa amerika para sa isang bussiness pero mga limang buwan lang naman sya, kailangan lang daw nya ayusin yung mga papeles na kakailanganin ng Mon nya sa pagtrarabaho

Sa kanya kasi pinaassign ng Mom nya, no choice naman si Peter kundi sundin ito

Nagyaya si Jay ng inuman pero si Angelo ang nayaya nya at pumayag naman ito

Habang nag-iinuman sina Jay at Angelo ay medyo lasing na si Jay kaya nabanggit ni Jay kay Angelo na gusto yang magkaroon ng anak kasi gusto nya na maranasan na may anak na inaalagahan

Dahil dun ay napaisip si Angelo at sinabi " suure ka ? ok " pero tulog na si Jay nun

Tinawagan ni Angelo si Sabrina kung handa na ba sya at um-oo naman ito kaya pumunta na si Sabrina kung saan nag-iinuman sina Jay at Angelo

About nga pala sa kwento ni Sabrina, masyadong masakit at malungkot ang mga naranasan nya kaya gusto nya ng mamatay

Pero bago sya mamatay ay naikwento ni Sabrina kay Angelo na gusto nyang magkaroon ng anak bago sya mamatay

Kaya napagdesisyunan ni Angelo na may mangyari kay Jay at Sabrina

Pumayag naman si Sabrina kahit bakla si Jay dahil pogi naman ito

Yun nga may nangyari kay Jay at Sabrina pero hindi alam ni Jay yun dahil lasing na nun si Jay

After 9 months ay nanganak na si Sabrina ng kambal pero pagkapanganak nya ay nabawian na ito ng buhay

Actually si angelo ang nag-alaga kay sabrina habang buntis ito at hindi ito pinapaalam ni angelo kay jay dahil gusto nyang isuprise ito kaya ng mamatay si sabrina ay nagdesisyon na si angelo na sabihin na kala jay at peter ang tungkol dito

Meron palang isang malupit na sikreto 

Dahil si Sabrina ang naging girlfriend ni Peter noon pero nakipag break din si Sabrina kay Peter

Kaya imbis na magalit si Peter ay natuwa ito dahil ang mga anak ni Jay ay galing sa una yang minahal kaya masaya sya

[Jay POV]

" baliw ka talaga Angelo, kaya pala ganun yung pakiramdam ko kasi may nangyaring kakaiba, yuck " sabi ko kay Angelo

" maiwan ko na nga kayo, Merry Christmas sa inyong dalawa at yan na ang regalo ko pero bago ko makalimutan sana wag mo syang ikahiya Peter " sabi ni Angelo kay Peter sabay alis na kaagad

" Peter anong ipapangalan natin sa dalawang ito? " tanong ko kay Peter

" ewan ko " sagot naman nya " ah alam ko na " sabi ko " ano? " tanong ni Peter

" diba SM ang tawag ko sayo at SF naman ang tawag mo sa akin " sabi ko habang nakangiti

" oh ano naman meron dun? " pagtataka ni Peter

" ang slow mo naman, bali ang pangalan ng girl na ito ay Sarah May at ang name naman ng boy na ito ay Santer France, oh ano ok lang ba ? " tanong ko kay Peter

" hmmm..... pwede na rin " sagot ni Peter habang nakangiti

THE END

Auhtor: Hanggang dito na lang siguro, short story lang naman po kasi ito. Anyway thanks po sa mga nagbasa ng kwentong ito.

The Love of Two Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon