Chapter 6
[Jay POV]
Sa wakas nakauwi na rin kami sa Manila, inihatid naman ako ni Lloyd at ng makauwi na ako ay humiga ako kaagad sa kama pero bago yun ay binigay ko muna kay mama yung t-shirt na ibinili ni Lloyd
Nang maibigay ko ang t-shirt kay mama ay bigla naman nagsidatingan ang tatlo kung kapatid
Actually ako pala ang panganay sa pangalawang asawa ng mama ko, unang pumasok si John Marky, bunso
Pangalawa naman ay si Lovely Xyriel pangatlo, at ang pinaka huling pumasok ay si Mark Joel, pangalawa naman sya
Hay nako nandito na naman silang tatlo, sa tuwing nandito silang tatlo laging maingay, dumating rin pala ang kuya kung pogi na model ng mga produkto na sikat, kapatid ko lang pala sya sa nanay
Tatlo silang magkakapatid na anak ni mama sa unang asawa
Si kuya Xian sya ang panganay, sumunod naman si kuya Shin at ang pangatlo naman at si ate Ming, Half korean kasi ang napangasawa ni mama kaya may pagka korean ang name nilang tatlo pero ngayon kapwa pilipino na ang asawa ni mama at si papa yun
Kaya lang naman nakipaghiwalay si mama sa una yang asawa dahil sa nakita ni mama ang asawa nya na may kahalikan ng ibang babae at harap-harapan pa nila ginawa then ang mas masakit dun ay dun pa talaga sa tinitirahan nila ni mama at nakita rin naman nina kuya at ate ang bagay na iyon
Matapos nilang masaksihan yun ay nagpasya sina kuya Xian, kuya Shin at ate Ming na sumama kay mama at iwan ang kanilang papa
Natanggap naman nina kuya Xian, shin at ate Ming si papa kaya masaya kami ngayon
Anyway back to story ulit tayo
" kuya Shin anong ginagawa mo dito " sabi ko
" pahinga muna daw ako sa pagmomodel, bakit ayaw mo ba ako na nandito? " sabi nya
" hindi naman at saka ganun ba, sige kuya shin akyat na ako " sabi ko sabay punta sa kwarto
Ako lang pala binabae sa pamilya namin at ok lang yun kay mama at kay papa, at saka hindi naman porkit bakla ako ay dapat nakabihis na ako na pambabae
Babae ako gumalaw pero panlalaki naman ako pomorma sabi nila, wala naman kasi ako alam sa mga porma porma basta kung ano yung pwede kong masuot ay yun ang isinusuot ko
Oo nga pala si kuya Xian lang pala ang hindi pabor sa pagiging ganito ko pero hindi naman nya ako sinasaktan, pinapagalitan lang nya ako o di kaya pinagsasabihan ako
Habang nakahiga ako ay yakap yakap ko yung little dragon ko at natulog muna ako dahil sa sobrang pagod sa biyahe
A/N: Ngayon lang po ulit magkakaroon si Peter ng POV
[Peter POV]
Kakauwi ko lang galing sa biyahe, bakit ganun hindi ko naibigay sa kanya eh ang dami kung oras pero hindi ko naibigay ???
*Flashback*
Nasa pamilihan pala kami ng parang remembrance store
Ako ang unang pumasok at pagpasok ko ay iniwan ko si Lloyd pati na rin si Jay
Napadaan ako sa mga bilihin ng keychains
Habang lumilibot ako ay may nakita ako na isang keychains na may ring at sa gitna nito ay may puso na nakasabit sa ring
Ang ganda nya kaya binili ko ito dahil alam ko na magugustuhan ito ni Jay
*End of flashback*
Humiga muna ako sa kama ko sa kwarto habang tinitignan ko ang binili ko para kay Jay
BINABASA MO ANG
The Love of Two Man (Completed)
Teen FictionLalaking nagkagusto sa isang lalaki na inakala nyang babae dahil sa mukhang babae ang itsura nito. Ngunit, hindi lang sya ang nagkakagusto rito dahil mayroon ding isang lalaki na sobrang galit sa mga bakla pero simula ng makilala nya si Jay ay nagba...