"Ano bang ginagawa mo?!" Singhal ko sa kanya. Nakakainis na kasi eh!"What?" At naggawa niya pa talagang bumungisngis sa harap ko sa mga panahon na'to? What the hell?!
"Ano ba talagang pakay mo, ha? Gusto mo ba talagang masira ang relasyon namin?! Ha?!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko! Nabubwisit na ako sa kanya at dapat malaman niyang hindi ako natutuwa doon! Naiinis ako! Naiinis ako kasi nadadala na ako!
"Oh darling, dapat nga mag-thank you ka sakin. Mapapabilis ang paghihiwa-" I slapped him.
"You're so unbelievable, Blue. So unbelievable." Tumalikod na ako sa kanya pero bago pa ako makalayo ay hinigit na niya ako at tinulak ng bahagya sa pader. Nanlilisik ang mata niyang kulay asul. Napalunok ako ng unti-unti siyang lumalapit. Paunti-unti hanggang sa magdikit ang katawan namin.
"B-Blue... S-Stop it. H-Hindi ako.. H-Hindi ako natutuwa sa mga g-ginagawa m-mo. H-Hindi ko gust-" Bago ko pa natapos ang salita ko ay hinalikan na niya ako. Mariin pero mainit at parang sabik na sabik ang mga halik niya. Napapikit nalang ako ng hindi tumutugon. Konti nalang Blue, bibigay na ako. Tigilan mo na ito.
Naramdaman ko nalang na lumayo siya sakin at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Hindi ko na napigilan ang pagiyak. Naguguluhan at nasasaktan ako sa pangyayari.
"You should choose, Katrina. Me or Jon. You should choose." Mariin niyang sabi.
Iniwan na niya ako doon na hindi makagalaw. Binigyan niya ako ng pagpipilian? How could he?
Choose? Ako? Pipili?
Kahit naman hindi niya iyon sabihin, it's always be him. Who's my Choice.
BINABASA MO ANG
Choice
RomanceSi Katrina de Vera ay masaya sa piling ng kanyang kasintahan na si Jon Perez. Halos ibigay niya na dito lahat para lamang mapasaya niya. Masaya at punong-puno ng pagmamahal ang relasyon nilang dalawa pero nabago din iyon, nang dumating si Blue. Blue...