Kabanata 1Simula
Naglalakad lang ako sa corridor ng biglang may nagtakip ng mata ko. Napangiti nalang ako. Sus, kabisado ko na ang scent niya kaya kahit ganituhin niya ako, alam na alam ko parin kung sino siya.
"Alam kong ikaw yan, babe." Humalakhak siya at tinanggal ang kamay na nakapiring kanina sa mata ko. Hinila niya ako para makaupo sa isang bench dito. Tutal, 20 minutes pa naman bago mag-start ang class kaya pumayag na ako.
"Alam na alam mo talagang ako yun 'no?" Umakbay siya sakin at inamoy ang buhok ko. Sumandal naman ako sa kanya.
"Oo naman! Ako nagbigay ng pabango sayo kaya malamang eh alam ko ang amoy mo." Bumungisngis ako sa harap niya at ganun din siya bago kinurot ang pisngi ko.
"First day ngayon. Nakakainis naman, ni wala sa isang sched natin ang magkaparehas." Tumingin ako sa kanya at napanguso dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, sa buong 5 na major ko, hindi ko siya magiging kaklase. Hanggang matapos ang sem. 3rd year college na kami.
"Oo nga eh. Pero it's okay, babe. Nakaya naman natin nung last sem nung second year tayo diba? So, kaya natin ngayon." Nginitian ko siya. Tumingin siya sa mga mata ko at ngumiti.
"Ako lang naman diba?" He stared at me. Bumungisngis naman ako.
"Oo naman. Sino pa ba? Diba?" Hinila niya ulit ako at inakbayan bago hinalikan sa noo.
Mabilis lang ang dalawampu'ng minuto kaya before magbell ay napagpasyahan naming maghiwalay na ng landas dahil magkalayo ang building namin.
Bago siya umalis, hinalikan niya ulit ako sa noo. "Be a good girl. Hmm, okay?"
I tip-toe at hinalikan siya sa lips, "Always." Kinindatan niya muna ako at lumakad na siya patungong building niya. Engineering Student siya samantalang ako ay Bussiness Ad.
Iyon ang kinuha ko dahil yon ang gusto ni Mommy at Daddy. Wala naman akong maggawa dahil sakin daw ipapamana ang bussiness namin kaya kinuha ko narin yon. Wala naman akong problema doon.
Kami naman ni Jon, 2 years na kami. At alam kong siya na ang pakakasalan ko pagdating ng panahon. 2 years din siyang nanligaw sakin at noong 1st year college kami, doon ko siya sinagot. Tago ang relationship namin dahil ayaw sa kanya ni Daddy because he's a jerk before. Pero nagbago na siya. Alam ko, nagbago na siya at ramdam ko iyon. Haaay. How i loved that man.
"Ngiting-ngiti, 'te?" Napalingon ako kay Boni na may pangaasar ang tingin sakin. Ngumiti lang ako sa kanya at bineso siya.
"Oh, saan punta mo? 5 minutes nalang start na class natin ah?" Pareho kaming Bussiness Ad ang kinuha. She's my bestfriend afterall. Halos kaming dalawa talaga lagi ang magkasama. Minsan nga ay kinausap niya ako dahil nagseselos na daw siya kay Jon kaya tinawanan ko nalang siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/69295773-288-k889658.jpg)
BINABASA MO ANG
Choice
RomanceSi Katrina de Vera ay masaya sa piling ng kanyang kasintahan na si Jon Perez. Halos ibigay niya na dito lahat para lamang mapasaya niya. Masaya at punong-puno ng pagmamahal ang relasyon nilang dalawa pero nabago din iyon, nang dumating si Blue. Blue...