Chapter 1

13 1 0
                                    

Ris' POV.

Andito ako ngayon sa may gate ng Kim University. Inaantay ko si Eythan. Kung nagtataka kayo, kung sino yon. At kung tao ba yon, OPO. Tao po sya. May mata, may bibig, may ilong. Kumakain, humihinga, umiinom ng tubig. Dejoke. Seryoso na, sya si Gabrielle Nathan Buenavista, o Eythan. Soon to be boyfriend ko. Hahahahahahah! Opo. Walang halong biro. Purong katotohanan lamang. Hahahahaha kidding, si Eythan. Anak sya ng may ari ng school na to. Gwapo yun, heartthrob, matalino, mayaman, talented, KASO, masungit, cold, snobbero. Complete package na sana diba? Hahahaha. Anyways, inaantay ko sya kasi sabi ko sa kanya sabay kaming papasok. Oh, ano? Mainggit kayo! 😂 joke. Hahahaha. Di naman sya nagreply sakin nang kahit na ano eh, di ko rin alam kung pumayag sya. Pero kahit na. Aantayin ko parin sya.

By the way, ako nga pala si Arriesse Louishane Lim. Ang dyosa ng I.U! (Infinity University.) Hahahahahahaha. Maniwala kayo plez. Haha. Mabait ako, (sabi ko.) maganda ako, (sabi ko din) di ako ganung katalino. Aminado ako dun. Di rin kami ganung kayaman. Opo, half chinese ako. Pero bata palang ako iniwan na kami ng tatay namin. Ang sama nya noh? Hay. De, biro lang. May galit ako sa kanya, pero syempre, kahit ganun pa man, tatay ko parin sya eh. Ama ko parin sya. Matututo din siguro akong magpatawad. Balang araw.... Sana.

Aish! Tama na nga drama. Bat ba sa kanya napunta usapan? Ewan ko din eh. Haha. Basta yun, may bakery kami. Maliit na puhunan lang. Source of income lang saming magkakapatid. Nagpapart time job din ako sa isang fastfood.

Anyway highway, so much for that. Baka pati brand ng mga gamit ko madaldal ko na. Hahaha. Pero, kasi! Ang tagal ni Eythan. 😒

"Uy Ris! Sinong inaantay mo jan? Tara na. Malelate na tayo." Uy, si Diane pala. Bestfriend ko. Pinsan nya yung barkada ni Eythan, si Warren.

"Hi diane, sige mauna kana. Inaantay ko pa si Eythan eh." Sabi ko sa kanya. Di ko naman kasi sya pwedeng sabayan, kasi nga si Eythan kasabay ko.

"Hay nako bes, si Eythan nanaman?" Bored nyang tanong, habang nakaface palm. Panget neto. Jk.

"Oo eh, sabi ko kasi sa kanya sabay kaming papasok." Sabi ko. Tumango nalang sya, at nagpaalam na. Aakyat na raw sya, tumango nalang ako.

"Aish, Eythan! Asan kanaba? Anong oras na oh." Sabi ko nang pabulong, habang tinitignan ang wrist watch ko. And, HALA! 8:09 na. 8am ang pasok namen. Omg im so dead! Agad agad akong tumakbo paakyat sa building namin. Manghihingi nalang ako ng sorry kay Eythan kung di ko na sya naantay.

Pagpasok ko sa room, nagulat ako nang makita kong andun na si Eythan. Prenteng nakaupo sa likod.

"Ms. Lim why are you late?" Sabi ni Maam Cruz. Omo, terror pa naman tong teacher na to. Patay na ako.

"Ah eh maam, ano po kasi... Traffic po. Hehe. Opo yun nga po." Sabi ko habang pawis na pawis ako. Duh, tinakbo ko tong pagkataas taas na building na to, tas pagakyat ko andito na yung terror naming teacher. Sino di pagpapawisan ng sobra nun diba? Dagdag mo pang nakatingin sakin ang classmates ko. Alam kong madami nang nakakita sakin sa baba kanina pa. Buti walang nagreact. Huhu

"Traffic? Bakit? Sa edsa ka ba dumaan?" Taas kilay na tanong netong si maam. Ahitin ko kilay neto eh.

"O-opo. Dun po kasi ako nanggaling eh." Nakayuko kong sabi.

"Alright. Pagbibigyan kita ngayon Ms. Lim, pero pag isang pagkakataong nalate ka pa. Alam mo na ang mangyayari sayo." Sigh. Buti nalang. Pag nalate kasi, papatakbuhin ka sa quadrangle ng 1 oras. No break. Lupit diba?

"Yes maam." Mahina kong sabi.

"You may take your seat." Maawtoridad nyang sabi.

Nung lumalakad ako papunta sa upuan ko, tinignan ko ulit si Eythan. Nakatingin din sya sakin, nagsmile ako sa kanya. Pero di nya ako pinansin. Hay, andito na pala sya. Inantay ko pa sya. Nalate tuloy ako. Sana manlang nagtext sya, ay teka. Di naman nya siguro kasalanan, baka di nya lang ako napansin kanina. Oo nga. Baka ganun nga.

Eythan's POV.

Aish, engot talaga netong babae na to. Ang slow. Di ko sya nireplayan, ibig sabihin ayoko. Pero nagantay parin ata sya. Kainis. Nakita kong ngumiti sya sakin, di ko sya pinansin. Why would i? Sino ba sya? Isa lang naman syang panggulo sa medyo matino kong buhay.

Kung nagtataka kayo kung saan ako dumaan? Dun ako dumaan sa likod ng campus. May gate don. Exclusively for Infinite lang. Sino ang Infinite? Barkada ko sila. Simula elementary, kami na ang magkakasama. Sila nga lang pinapansin ko dito eh. Tsaka yung pinsan ni Warren, si Diane. Pero yung bestfriend ni Diane? Asa pa. No way. Aniyo.

Biglang nagvibrate phone ko, nakita ko may message. Binuksan ko.

From: Annoying girl
Hi Eythan! :) goodmorning. Hihi 😘

Dinelete ko ang message tsaka ko nilagay ulit sa bulsa ko. Aish, kainis talaga. Kung paano ako nagkaroon ng number nya? At paano sya nagkaroon ng number ko? Simple lang. Sabi nya makikitext lang sya, pero di ako pumayag. Siguro mga 2 oras syang nakulit sakin. Nairita ako kaya pinahiram ko na. Pagbalik sakin ng phone ko, bigla nyang sinabi na "Anjan na number ko. And tinext ko na rin number ko gamit number mo. Para masave ko. Hihi" Kainis diba? Masyadong ano. Ah ewan! Nakita ko nga pangalan nya sa cellphone ko, Babe. Wtf diba? Di naman ako ganong karude, di ko binura, pero pinalitan ko nang annoying girl. Kaya ayun na. Dun na nagsimulang magulo buhay ko.

So much for the throwback. Naiinis lang ako. Ge bye muna, aral lang ako. Annyeong!~



CUUUUUT! First chapter pero sobrang lame. Huhu, sana pagtyagaan nyo. Btw, si L nasa taas. Gwapo noh? Hihi, ingat chingus! Feedbacks please? Mwa thankyou. 💞

- Kyerkim | @sexyjongdae. ❤️

Chasing Him. (Infinite L's Fanfic.)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora