Ris' POV
*KRIIIIIIIIIIIING*
Nagbell na. It means, break time na. Agad agad akong tumayo at inayos ang gamit ko. Nakita kong nasa labas ang Infinite. Inaantay siguro nila si Eythan.
"Bes! Dalian mo naman! Jusko napaka kupad mo!" Sigaw ng bestfriend kong highblood araw araw.
"Sandali lang naman bes! Inaayos ko pa gamit ko eh. Atat?" Tanong ko sa kanya, in a sarcastic way. Dinalian ko na ang paglagay ng notes ko sa bag ko, kinuha ko ang wallet at ang phone ko then lumabas na ako with Diane.
"Diane-ssi! Di kayo sasabay?" Tanong ni Warren kay Diane. Omo, gwapo talaga netong si Nam. Hihi
"Ha? Ay hindi na Warren-ah~ baka di makakain nang maayos tong bestfriend ko, pag kasabay kayo eh. Lalo na pag kasama yang si Eythan." Ngisi ni Bes. Huhu, di bagay sayong gaga ka. Pero punyeta ano daw? Talagang lantaran? Utang na loob naman, alam naman na nila yun eh. Di na kailangan ipamukha. Nakakahiya. Chos.
Natawa nalang ang infinite, except kay Eythan syempre. Asa pa ba kong tatawa yan? Ngiti nga di uso sa kanya eh. Tawa pa kaya? After nun, nagwave nalang kami ni Diane sa kanila then nauna nakami sa cafeteria.
Jusq, ang daming tao! May digmaan ba?! Nakakasuffocate ah. Ano bang meron?
"Bes, ano bang meron at mukhang nagkakagulo sila?" Tanong ko kay Diane. With my puzzled face.
"May free taste ata eh." Aba jusko, free taste lang nagkakagulo sila? Anak ka ng tinapa. Sana kung Infinite pa yan eh. Maiintindihan ko pa. Lol.
"Waaaaaah! Infinite!"
"Uy, infinite! Dito nalang kayo tumabi samin oh!! Kyaaaaaaaaah!!!"
"Letchugas panagutan nyo ko!!!!!!! Binuntis nyo kooooo!" Sigaw nung bakla. Napatingin ako sa kanya, aba't! Sya? Bubuntisin ng Infinite? Hahahahahahahahahahahaha puta nag joke.Pero may isang tili na nakapagpatigil talaga sakin.
"Eythan oppa!!!!! Pakasalan mo na koooooo!"
Ano daw? Sakalin na daw sya? Aba teh tara dito ako sasakal sayo. Haliparot ka! Okay lang manlandi, pero sana yung patago. Katulad ko, sa text ko sya nilalandi. Hahahahahahaha joke. Pero tungunu, akin lang si Eythan noh! Di ko sya ipapamigay over my dead sexy body. *flips hair, laglag patay na buhok*
Pero speaking of Infinite, aba himala. Ngayon lang sila magrerecess sa canteen ha? Lagi kasi silang sa labas kumakain. I mean, sa fastfood chains. And worst, sa pinagtatrabahuhan ko pa ata. Buti nalang pag shift ko na, di sila bumibili dun. Kundi lagot ako. Huhu.
Anyway, kahit madaming tao, nakipagsiksikan kami ni Diane. Dahil gutom na gutom na kami, really. After mga isang dekada, de joke. After mga 20 minutes, nakabili na kami, at nakalabas na kami sa nakakamatay na lugar na yon. Napagdesisyunan naming sa gym nalang kami kakain. Atleast dun payapa.
Pumasok na kami sa gym, at naupo na kami. Nagumpisa na rin kaming kumain. Nang biglang may tumawag kay Diane.
"Yobeoseyo?.... Gym. Waeyo?...... What?....... Arraseo. We will wait here." Sabi ni Diane. At binaba na nya ang phone nya.
"Sino yon?" Tanong ko sa kanya habang kumakain ng siomai.
"Si Warren oppa tinatanong kung nasan daw tayo." Sabi nya na parang wala lang.
"Bakit daw?" I asked her. Subo ulit ng siomai.
"Sasabay daw silang kumain satin. Buong Infinite." Sabi nya. Ah! Sasabay lang pala eh. Edi ay----- PUTAHAMNIDA! JONGINA! Ano daw!? SASASABAY INFINITE SAMING KUMAIN!? WAAAAAH, DI AKO NAORIENT! AKALA KO DI NA SILA SASABAY EH. Naubo ako bigla nung nagsink in na sakin yung sinabi ni Diane. Agad naman nya akong inabutan ng tubig.
"Dahan dahan lang naman kasi sa paglamon ano po? Patay gutom lang ang peg?" Di ko na pinansin panlalait nya. Isa lang nasa isip ko, for the first time in forever makakasabay kong kumain crush ko!!! Hihi.
"Bakit daw? Diba di na daw?" Sabi ko na kunwari wala lang sakin. Kahit kanina muntikan na akong mabilaukan. Ay di pala muntikan.
"Ewan ko." Jusko Lord, salamat sa mga blessings, sobra sobra na to. Pero dagdagan nyo parin. Thankyou po! Huhu.
After ilang sandali, nakita nanamin na nasa gym na ang Infinite. As always pinagtitinginan sila. Mukhang mga artista eh. K-Pop idols ba. Pero jusq. Nakita ko si Eythan nakatingin sakin..... Aba teka sakin?!
Hahahahah! Ayie. Kilig pwet si Ris. Hahahah, hello guys. So kamusta? Hahahahha.
- Kyerkim. | @sexyjongdae.