KATIE
Hindi ko alam kung ano 'tong napasukan kong gulo. Mabait naman ako, wala naman akong kaaway; hindi nga ako mahilig makipagkaibigan sa kung kani-kanino lang. Focused kasi ako sa school dahil kailangan kong matapos kung gusto kong maging maayos ang buhay ko after college.
Pero, hindi. Sa kamalas-malasan pa, dahil sa sitwasyon ko ngayon, naisip ko ang mga katagang Katie Santiago. May you rest in peace.
Sana totoo na lang 'yon. Hindi naman sa gusto ko nang mamatay dahil ang bata ko. Gusto ko lang 'yong parang mag-e-evaporate lang ako sa mundong 'yon kesa maging "personal slave" ako ni Mr. Montemayor!
First of all, we live in modern times. Tinuro sa 'kin ng nanay ko na ang mga babae, hindi dapat inaalipin o nagpapaalipin sa kahit na sino.
I mean, malaking kasalanan na ba 'yong accidentally na nadumihan ko ang polo ni Declan dahil tinabig ako ng mga bruhang kaaway ko?! Nadulas kasi ako habang nanonood kami ng play sa university, tapoa lumipad 'yong kinakain kong spaghetti sa kanya. Pero sige na, kasalanan ko na! Kung nangyari kasi sa 'kin 'yon, maaasar din ako. Pero 'di ba? Nag-sorry naman ako e. Nakakainis! Feeling ko papahirapan talaga ako ng lalaking 'yon..
Dito sa Montemayor University or MU, siya ang pinakasikat, at pinakamayan. Paank naman kasi, pamilya niya kasi ang may-ari ng MU kaya habulin ng babae although hindi niya ine-entertain. MVP din sya ng swim team, basketball player, commercial model, lahat na! Kailangan yata marami kang alam gawin kapag ikaw ang tagapagmana ng isang multi-million peso company. Pero sa totoo lang, isa siyang mayabang, maangas, loko-loko, at bad boy! Kasi lagi siyang nagpapaiyak ng babae, nanununtok ng lalaki, nang-aasar ng mga professor, tapos...FEELING GWAPO PA SIYA (kahit gwapo naman siya talaga)!
Argh, nakakatira talaga! Oo, ako na ang affected! Kasi alam ko ang mga tipong katulad niya. Fake people! Hindi naa-appreciate ang baat blessing na dumadaan sa kanila dahil sanay na sila sa gano'ng klase ng buhay!
Tapos nakakatira pa, dahil lumapit siya sa 'kin pagkatapos ko matapon ang spaghetti sa kanya. Take note, nakangiti pa siya nanv parang asar sa nangyari. Nakakaasar naman kasi talaga, pero 'di ko naman sinasadya.
"Uy, sorry. Nadulas kasi ako, hindi ko sinasadya. Promise!" sabi ko na medyo kinakabahan pa.
Lumapit siya sa 'kin habang tinatanggal ang spaghetti sa polo niya at palinga-linga sa paligid. Wala namang tao dahil umalis na ang mga brugang tumulak sa 'kin habang tumatawa. Thank God, kasi nakakahiya. Baka may nai-video pa ang kaengotan at kapalpakan ko.
"What's your name?" tanong niya.
"Katie Santiago. Bakit?"
"Anong course? And what's your block?"
Bakit ba sya tanong nang tanong? Okay, medyo self concious na ako. Ang sabog pa naman ng itsura ko ngayon!"Buisness Administration major in Marketing Management Fourth year, block 1. Bakit? Sorry talaga..."
"Give me your bank account details."
Ano raw?
"Teka, bank account details? A-anong pinagsabi mo?!""Don't talk to me like that. Since you did this to me." sabay turo sa polo niya. "You need to pay for it."
"Pay for it?"
"It's worth 200,000 pesos."
"Two hundred thousand pesos?!"
"Oo. So you better pay for it. Kakasuot ko lang ng polo na 'to for the first time. Tsk. Sayang naman," sabi niya sabay smirk.Wala akong gano'ng pera! I mean, yes, may kaya naman kami, pero para lang sa polo? Hindi puwede!
"Ano? When will younpay me?"
Hindi ako makasagot.
"Wala kang perang pambayad? Kawawa ka naman. Tsk. Ang clumsy mo kasi e. 'Di mo pa kilala kung sinong binagga mo."
Okay, nakakaasar 'tong lalaking 'to ah. What a spoiled brat!
"E kasi wala akong pambayad! 'Di ko naman kasi sinsadya e!"
"Okay."
Okay daw?! Ha? 'Di ko na-gets.
"Okay na? 'D-di ko ma kailangan magbayad sa'yo?
Buti naman. Thank you! Wala kasi..."
"Sinong nagsabing hindi mo na 'yan pagbabayaran?Pagbabayaran mo 'yan...in a different way. Let's compromise. Accept it or you'll face explution. Maki-kick out ka. Or if you want, puwede mo rin bayaran 'yong 200,000 pesos."
Whaaaat?! Ano ba kasi 'tong pinasok ko? Gulp. Sakyan mo na lang, Katie!
"Um, sige. A-anong dapat kong gawin?"
Lumapit siya sa'kin at tinaggal ang kanyang polo. Finold niya 'to nang magulo at ibinigay sa 'kin. Naka-black na sando na lamg siya at talaga namang napanganga ako. Bad boy ang dating!
"Hmm..." sabi niya.
"Aha!" Inabot niya sa 'kin ang leaflet ng play na linapanood namin ngayon. It's called Heartstrings, ang play kung saan natapunan ni Shin Hye si Yong Hwa ng kape, at dahil doon...
Oh my God.
"You'll be my personal slave for a month. Okay? O, labhan mo 'yan," utos niya.Ano daw?! Ang kapal ng mukha! Hoy, hindi ako alipin! Kaya lang, napalayo na siya kaya hindi na ako nakatanggi. Dahil sa mga nangyaring 'yon, simula bukas, ako, si Katie Santiago, isang dakilang nerd, ay mgiging personal slave ni Mr. Declan Montemayor a.k.a. Mr. Yabang!
Sige na nga, magpapalamon na ako sa lupa.
