Katie
Monday na. Start na ng pagpapahirap sa 'kin ni Declan Montemayor. Sakto, first day ng second sem. Hindi pa rin ako magkapaniwalang magiging slave ako ng lalaking 'yon! Bakit ba kasi hindi ako tumaggi? Sabagay, paano ako tatanggi? May pambayad ba ako?
Ewan ko ba! Hay nako. Kumain muna ako ng breakfast, naligo, at syiempre nag-ayos. Although hindi ko na kailangan mag-ayos dahil pangit naman ako. I mean, hindi naman sa pangit, sabi lang nila pangit ako. Paano ba naman kasi, naka-braces ako, kulot ang buhok, nakasalamin na makapal, payat pero malaki ang uniform. Nerd kasi ako, aminadong-aminado.
Bakit hindi ako nag-aayos? Ayoko lang. Ito kasi ang comfort zone ko, 'yong pagiging nerd ko. At least walang pumapansin sa 'kin. Sina Joanna, ang mga bruhang umaaway sa 'kin, 'yon lang naman ang mga epal sa buhay ko e. Ewan ko ba kung anong ginawa ko sa kanila. Nakaka-bad trip.
Nilabhan ko rin ang shirt ng lalaking 'yon. Nakakainis. Dahil sa pesteng polo na 'to, magiging alipin niya ako. Ang dami kong satsat, makapasok na nga.
"Ma, alis na ako! Bye po." Nagbeso na ko kay Mama at lumabas ng gate.
Nakarating ba ako sa school. Hay nako. Asan ba ang Declan Montemayor na 'yon?! Babalik ko na kasi 'tong polo niya. Ano nga pala ang c ollege building niya? Ang alam ko fourth year na rin 'yon. Makapagtanong na nga ang isang lalaking nakasandal sa isang puno.
"Excuse me. Puwedeng magtanong? Alam mo ba kung saan ang building ni Declang Montemayor?"
Binigyan lamg ako ng weird look ng lalaki. Grabe, ang taray ah.
"For what? Mukha ba akong tanungan ng mga nawawalang tao?"
Okay, ang sungit niya.
"Sorry. Never mind. Sungit." Tumalikod na ako, pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Ako masungit? Hindi a. Bakit ba kasi sa 'kin pa nagtanong? Crush mo ako, 'no? Dinahilan mo lanh si Declan pero makausap ako 'no?" sabi niya, sabay tawa.
Ano daw? Crush ko siya? Okay, gwapo siya at maputi, pero ang yabang naman.
"Nagtatanong lang ako, tapos crush na kita kaagad? Bitawan mo nga ako. Nice talking, ha?" Tapos tumakbo ako palayo.Habang dinadaanan ko ang ibang mga students, napansin kong nakatingin sa 'kin ang mga tao, 'yong iba nakabusangot pa. Narinig ko na lang na may nagsasabing flirt daw ako at bakit ko raw kinakausap si Albie, kung sino man 'yon. Hindi ako na lang pinansin. E 'di makipag-usap din sila sa Albie na 'yon! Sino ba naman kasi 'yong kinakausap ko? Albie? Wait...
Oh shit. Albie Ravena? The basketball player? Ang best friend ng Declan na 'yon? Oh my God, nakakahiya naman!
