Katie
Pumasok na lang ako ng classroom. Invisible ako kaya walang pumansin sa 'kin. Maya-may pumasok na ang professor namin, may kasunod na girl na maganda.
"Okay class, before we start our discussion, I would just like to welcome our new student here. Ngayong second sem lang siya pumasok because of personal reasons. This is Zee Sy. Her father is one of the generous benefactors of the university. Ms. Sy, please sit at the back beside Ms. Santiago."Wow. First time kong magkakaroon ng katabi. Umupo si Zee sa tabi at nginitian ako, kaya nginitian ko na rin.
"Hello! I'm Zee." Inabot niya 'yong kamay niya sa 'kin, at nag-shake hands kami.
"I'm Katie."
"You're pretty, you know that?"
Napatingin ako sa kanya. Seryoso ba siya?
"Ako? Hindi kaya."
"No, Hindi ka lang siguro palaayos."
"Ah. Hehehe. Gano'n nga. "Nginitian niya lang ako.
Maya-maya nagsalita ulit siya."Can I join you for launch later? Wala pa kasi akong friends e. Kung okay lang naman sa 'yo. I'm not really comfortable with these girls," sabi niya sabay turo sa mga clasamates namin. Puro girls lang kasi kami ngayon sa course namin.
"Oo naman! Pero...sigurado ka?"
"Oo naman. Ano ka ba? I think will be very good friends."
Natuwa naman ako. May kaibigan na ako! Biglang m.ay kumatok sa pintuan ng classroom namin. Binuksan ng prof naming ang pinto, at nagulat ako nang makita kung sino ang kausap niya. Pumasok ba naman sa classroom! Nagkagulo naman ang mga kaklase ko.
"Aaaaaaaaah si Declan!"
"Oh my God, my loves!"
"What is he doing here?!"
Si Declan! Ano bang ginagawa nito dito? Mukhang may hinahanap si Declan at biglang napatingin siya sa 'kin at nag-smirk. Oh no!"Excuse me, prof. I would like to speak to her," paliwanag niya sabay turo sa 'kin.
"O, Ms. Santiago. Ikaw pala ang hinahanap ni Mr. Montemayor. Sige na."Napatingin sa 'kin ang mga classmates ko. Tumayo na ako dala-dala ang polo niya't lumapit sa kanya. Nakita ko siyang nag-smirk kaya lalo akong nainis. Talagang ginugulo nito ang umaga ko.
"Ano bang poblema mo? Nakakainis ka!" pabulong kong sinabi.
"Ang sarap mo inisin e. Hahaha Pikon." Tumawa pa siya. Take note, tahimik sa classroom.
"Prof, kakausapin ko lang si Ms. Santiago. Puwede ba siyang lumabas sandali?"
"Of course, Mr. Montemayor." Hinila ako papalabas ni Declan.
"Ano bang poblema mo?" tanong ko.
"Hinahanap mo daw ako kanina. Hindi mo alam building ko? You're mine for a month, remember?""Ano bang pinagsasabi mo d'yan?! At bakit ka ba pumunta dito? Akala tuloy nila ako ang pinunta mo at hindi 'yong polo!"
"Ikaw naman talaga ang pinunta ko e. Alangan naman 'yong polo ko. Nakakapagsalita ba 'yon? Huwag kang mag-alala. Sa tingin mo papatulan kita? Swerte mo naman."
"Ang yabang mo. O, polo mo!" sabi ko sabay bato sa kanya ng polo niya sa mukha niya.
"Aba. Binato mo talaga? And you're talking to me like that? Ang..."
"Ewan ko sa'yo! Papasok na nga ako." Babalik na sana ako sa classroom nabg biglang hinila niya na naman ako papaharap sa kanya.
"Ano na naman ba?!"
"Whoah! Chill. Anong pangalan mo uli?" Sinuot na niya ang polo niya. Thank God.
"Katie Santiago nga. Bakit na naman?"
"Okay, Katie Santiago, anong number mo? Huwag kang mag-feeling. Kailangan ko lang para kapag may papagawa ako sa'yo.""Teka, bakit ko pa nilabhan 'yong polo mo kung tuloy pa rin 'yong napag-usapan natin?"
"A deal's a deal. Sinabi ko bang paglalaba lang ang gagawin mo? Erasing the evidence won't bring back my original 200,000-pesos polo shirt. At saka alam mo bang bumababa ang value ng isang mamahaling bagay kapag nadumihan? What I'm wearing the first time we saw each other, Ms. Santiago. Simpleng konspeto ng philosophy hindi ko alam?"
"Akin na ang cellphone mo." Inabot niya sa 'kin ang cellphone niya at tinype ko na ang number ko.
"O, ayan," sabi ko pagkabalik ko ng cellphone niya.
"Text na lang kita. Doon pala ako sa Entrepreneurship building. Kaya 'pag tinatawagan kita o tinext, doon mo lang ako hanapin. Sabihin mo 'yong pinakagwapo."
"Okay. Tss."
"Ah, so naga-gwapuhan ka nga sa 'kin?" Lumapit pa siya sa 'kin. Aaaargh! Tinulak ko nga.
"Ano ba?"
"Tss. Akala mo naman maganda ka."
"Ang epal mo, alam mo 'yon?" Tumawa lang siya.
"Bye, slave."Ang nakakainis pa, nag-lup bite pa siya pagkatapos niyang sabihin 'yon. Ano siya, nangse-seduce? Hay nako. First day ko pa lanh, sususko na ako! Nakakahiya talaga.
