Katie
Pagdting ng lunch break, nagpunta kami ni Zee sa favorite spot ko kapag kumakain, sa may bench sa ilalalim ng puno malapit sa chapel ng university. Gustong-gusto ko dito kasi tahimik at walang maiingay na girls na puro boys ang pinag-uusapan, at wala ring mga boys na puro girls din ang pinaguusapan.
"Why are we eating here?" tanong ni Zee. Tiningnan ko siya na medyo nag-aalala sa inisip niya.
"Ayaw mo ba dito? Kasi..."
"No, I like it. Ang peaceful dito." Ngumiti siya.
"What I mean is, don't you have other friends? Baka naabala pa kita.""Okay lang! Sa totoo lang, ikaw pa lang ang naglakas-loob makipagkaibigan sa 'kin e."
"Talaga?"
"Oo, ewan ko ba. Para bang hangin lang ako sa kanila. "Sumimangot siya."Tsk. There are so many spoiled brats here. Pero okay na ako, and 'yan ka na rin e."
"Salamat at nakipag-friends ka pa sa 'kin." ako naman ang ngumiti sa kanya.
"No worries, Katie. Let's eat?" Binuksan ko na ang lunch box ko, dakto meron din siya. Ang dami niyang food!
"Want some?" Inalok niya sa 'kin ang pagkain niya.
"Nako, huwag na. Nakakahiya." Umiling ang siya.
"Don't be shy. We're friends now, right? Here." Di ko na siya napigilan, nilagyan niya ng ulam ang lunch box ko. Fish lang kasi at gulay ang ulam ko. Sanay naman ako sa ganitong baon, hindi naman kasi kami mayaman, pero hindi rin naman mahirap. Sakto lang. Pero gusto ko kasi 'to, lalo ns kapag luto ni Mama.
"Thanks," sabi ko, at nag-smile lang siya in return.Nag-kuwentuhan kami habang kumakain. Nagkuwento siya tungkol sa past school niya, kung bakit siya lumapit, ang homeschooling niya, pati ang paghihiwalay ng parents niya. Nag-kuwento na rin ako tungkol sa akin hanggang sa bigla siyang may tinanong na ikinagulat ko.
"Kayo ba ng guy na nag-excuse sa'yo kanina sa class? Uhm...Si Declan?" Napaubo ako bigla, at naibuga ang kanin sa bibig ko.
"Hindi 'no!"
"Gano'n? Akala ko kayo e. So you're like close friends?
Kasi I think he's habulin sa school but he personally came for you kanina?" Umiling ako at nag-shrug.
"Malay ko do'n. Saka, hello?! Nag-iinis lang 'yon malakas mangZee. Hay nako. Personal s---" Napahinto ako sa pagsasalita. Muntik ko pang masabi sa kanya kung ano ang set-up namin ni Declan."Anong personal s? Ano'yon?"
"H-ha? Wala. I mean, personal s-study partner niya ako! Gusto niya kasing magpaturo sa 'kin. Nerd daw kasi ako." Buti nakaisip ako kaagad ng dahilan, kahit ang lame.
"You're not a nerd, you know. Hindi ka lang talaga palaayos."
"Ikaw kasi maganda." Oo, maganda si Zee. Kulot ang hair, maputi, parang model ang dating.
"Nah. I'm just...me. Kung maganda ako, e 'di sana magustuhan na ako ni...""Nino?" Umiling lang siya.
"No one. Basta maganda ka, okay? Ayusan kita, you want?"
"Huwag na. Okay na ako sa itsura ko. Thank you na lang."
"Sige na?"
"Hindi na. Okay lang talaga."
"Okay, fine. Pero let's be sisters ha? Gala tayo mamaya, gusto mo?"
"O sige, wala naman akong gagawin." Naramdaman kong nag-buzz ang telepono ko.
"Wait lang may nag-text."From: 09227654321
Oy. Asan ka?
Huh? Sino 'to? Hmp. 'Di ko na lang rereplayan.
"Sino 'yon?" tanong ni Zee.
"Ewan ko. Unknown number e...So saan tayo punta mamaya?"
"Hmm. Sa..." Nag-buzz ulit ang phone ko. Nag-excuse na ako kay Zee. Pagkalayo ko, may bagong message ako.From: 09227654321
Why are you ignoring my texts? Where are you?
Nireplyan ko nga.
To: 09227654321
hu's this? wrong num ata.
Nag-buzz kaagad ang phone ko.
From: 09227654321
It's your young master. Carpark, now.
Si Declan 'to? Ba't ako pupunta do'n? Hay naku, dedma. Ise-save ko na lang ang number niya sa contacts ko----Mr. Yabang. Bagay na bagay ang pangalan niya sa phone ko.
To: Mr. Yabang
E may klase pa kaya! err. may class pa kame sa logistic operations e. tska may quiz pa kame! hehe puwede mamayang uwian na lang? wag ng magcutting masama 'yon!From: Mr. Yabang
Sino prof mo sa class mo na may quiz?To: Mr. Yabang
si mdm. cruz. bakit?
"Uy, okay ka lang ba?" Napalingon ako kay Zee at tinry kong ngumiti para wala siyang mahalatang kakaiba.
"Ayos lang."
"Sino bang ka-text mo?" Total angbpagkakaalam niya study partner ako ni Declan, hindi na ako nagsisinungaling pa."Si Declan. Hehe." Hinsi ko alam kung guni-guni ko lang o ano, pero sumimangot siya. Bakit kaya? Nag-buzz ulit ang phone ko.
From: Mr. Yabang
You're exempted. Carpark, now. No buts.
Huh? Exempted ako? Anong ginagawa niya? Kinausap ang prof ko? Hmmm...sa totoo lang, na-touch ako doon, kahit alam kong uutusan rin niya ako mamaya. Hay naku! Pero sige na nga.
To: Mr. Yabang
oo na, papunta na. thanks pala."Zee. Mauna na 'ko, ha?"
"Ha?! Bakit? Uuwi ka na?"
"Oo e. Nag-text rin kasi si Mama na ano...na kailangan naming ipa-vaccine ang aso namin."
Tumayo na siya dala lunchbox niya. Ayoko man magsinungaling, kailangan e. Nakakahiya naman kasi. Magiging young master ko ang lalaking 'yon dahil lang sa lintek na polo na 'yon. Wala rin kasi dapat makaalam, kaya no choice ako. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at tumakbo na ako papuntang carpark. Pagdating ko, nakita ko si Declan na nakasandal sa kotse niya. Hindi na 'ko nagulat na mukhang mamahalin ang kotse niya."Buti naman nandito ka na. Ano pang hinihintay mo? Sakay na." Uupo na sana ako sa backseat kaso bigla siyang sumigaw. "Ano 'ko, driver mo? Dito ka!" sabay turo sa passenger's seat. Napa-gulp lang ako sa utos niya, at sumunod na lang ako.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa condo ko."
"Ah, okay."
Teka, condo? C-condo niya? Anong gagawin namin do'n?
