Chapter 3: Sometimes Dreams Are Your Memories
Alexei's POV
"Anak? Asan si kuya mo?" Takang tanong ni mama.
"Sabi ni kambal na pupunta siya po kay Arlene sa park malapit dito ma." Sagot ko kay mama.
"Eh, gabi na ah? At bakit wala pa dito papa mo? Diba sabi niya pupunta siya dito ngayon?" Sunod sunod na tanong ni mama.
Minsan lang kasi dito pumupunta si papa dahil may inaasikaso daw siya.
"I---"
*Ringg~~ Ringgg~~~Ringg--*
"Hello?"
"Ano?!"
"Sino to?!"
"Asan sila?!"
"Pupunta ako diyan"
Binaba na ni mama ang telepono at dali daling pumunta sa cabinet. At parang may hinahanap.
"Ma, sino po yung tumawag?" Naguguluhang tanong ko.
May kinuha naman si Mama at nagulat ako na baril pala ito.
"Anak, pag di ako babalik dito... mag-ingat ka." Naluluhang sabi ni mama at binigay sakin ang singsing na dyamante.
"Ma, b-bakit po?. D-diba kay papa to?" Naguguguluhang tanong ko kay mama.
"Anak, wala na akong oras para makipag usap sa'yo. Nasa panganib sina papa at kuya mo." Hinalikan niya ako sa noo at umalis na.
"Maaaa!!!"
Agad kong sinundan si mama ng tahimik para di niya malaman na sinundan ko siya.
Nakarating kami sa--- te-teka? Sa park? Bakit pumunta dito si mama? Diba nandiyan si kuya?
Agad akong nagtago sa likod ng puno, di kalayuan sa park.
"Asan sila?!" Tanong ni mama ng makarating siya sa park.
Hindi ko makita ng maayos dahil parang pinalibutan sila ng usok.
Narinig ko ang mga putok ng baril.
Ng nawala na ang usok nakita ko ay isang grupo, mga 50 silang lahat pero iba nasa damuhan.... duguan.
Dugo. Dugo ang una kong nakikita.
Nakita ko ang isang tao na nakamaskara at parang tumatawa siya.
Nakita ko si mama, kuya at papa. Nakatali sa isang puno.
Nakita kong umalis ang grupo kasama ang taong nakamaskara.
Agad akong tumakbo sakanila.
"Maaaaa! Paaaa!!! Kuyaaaaaa!!!!!!" Sigaw ko papunta sa kanila. Pero natigilan ako ng nagsimula si mama magsalita sa ikinaguguluhan ko.
"A-a-anak... *sob* alam mo naman na mahal na *sob* mahal ka namin...*sob*..." sabi ni mama.
"Ma, anong pinagsasabi mo??----"
"Anak.... mamimiss ka ni papa.. tandaan mo na hindi lahat na tao ay makikipagtiwalaan. Pasensya na kapag di namin sinabi sa'yo..."
"Pa??"
*Beep beep~ beep beep~!!*
"Mahal na mahal ka ni kuya kambal. " ngumiti si kuya.
BINABASA MO ANG
Undercovered Goddesses (Ongoing)
Novela Juvenil"Remembering the PAST does not help. Just forgive and forget." "How could I forgive if they wont make me forget" This story is made only by my imagination. Wala naman sigurong tao na nagiiba ang kulay ng mata no'? --------------------- March 31, 2016