Pangwalo

14 2 0
                                    


Bea's POV

"ANAK! TANGINA LUMABAS KA SA LUNGGA MO AT MAY BISITA KA!" Sigaw ni Mama galing sa baba.

Akala mo may microphone sa bibig.

Bumababa ako ng patabog.

Sino ba yang tanginang bwisita na yan?

Pagtingin ko sa nakaupo sa sofa na sinasabi ni Mama na bwisita nakita ko si Taehyung.

Speaking of BWIsita -_-

"Bakit nandito?" Wala ng paligoy-ligoy! Tanong agad!

"Diba pumayag ka na lumabas tayo?" Nakangiting sabi nya.

Oo nga pala. Lalabas lang kami.

"Tara na lumabas!" Hinila ko na sya.

Pagkalabas namin sa may pinto pumasok na ulit ako at isasarado na sana yung pinto nung pinigilan nya ako.

Diba nakalabas na kami?

"Huy! Bakit ka papasok ulit?" Inosente nyang tanong.

"Diba nakalabas na tayo? Alis ka na!" Tinaboy ko pa sya.

Pero ngumiti lang sya na akala mo nakahithit ng alvatros.

Wala talaga akong magagawa na. Bakit ba kasi pumayag kagabi? Isa't kalahati din akong tanga!

Lumabas na ako ng tuluyan.

Mabuti na lang talaga at maayos ang suot ko.

"Saan ba tayo pupunta?" Nakakunot noo kong tanong.

Ngumiti sya at hinila na ako.

Binigyan nya ako ng helmet. Mario design pa.

"Kay Jin ba toh?" Naka taas kilay kong tanong.

"Ah hehehe oo." Nagsuot na din sya ng helmet.

Magmomotor lang talaga kami? Buti hindi mainit ngayon.

Sumakay na sya kaya sumakay na din ako.

Humawak ako sa may likod dahil hindi naman ako nasakay sa mga motor. Pinapahirapan yata ako nito.

"Ok ka lang?" Tanong nya at sumilip pa sya.

Umirap na lang ako. Mukha ba akong ok?

"Humawak ka na lang sa akin. Baka mahulog ka pa." Sabi nya at ngumiti pa.

"Sabagay. Hindi mo naman ako sasaluhin kapag nahulog ako." Sabi ko at humawak sa balikat nya.

"Hindi ako sanay na may humahawak sa balikat ko. Sa bewang ka humawak." Napatingin naman ako sa kanya.

Galawang alien ha?

Humawak na lang ako sa may bewang nya kahit labag sa loob ko.

Umandar na yung motor. Saan ba kami pupunta?

Nagulat ako ng bigla syang pumreno kaya napayakap ako sa kanya.

"Ok ka lang Yasi?"

Shit! Bakit ang bango nya? Amoy baby.

"Yasi?" Ang sarap nyang amuyin.

Parang ayoko ng umalis sa yakap. Teka?

Tangina nakayakap pala ako sa kanya!

Umalis agad ako sa motor at tinignan ang paligid.

Nakatigil pala kami sa isang bahay.

"Nasaan tayo?" Tanong ko nung bumaba na sya sa motor.

MOMMY NA AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon