Pangpito

8 2 0
                                    


Bea's POV

"BESPREEEEEEEEN!" Bigla nya akong niyakap.

Gumaya naman si kabayo pero sa likod ko. Shit! Back hug ang chansing nya.

Sumunod naman si Jimin pero nakayakap sya kay Haliparot. Galawang pandak ha?

Tapos sumunod na yung iba. Si Taehyung nga pinipilit makisingit kay Namjoon. Natawa na lang ako nung nilamas nya yung mukha ni Badjao.

"NAMISS KA NAMIIIIIIIIN!" Sigaw nilang lahat kaya napapikit na lang ako.

Dapat pala talaga nagpaalam ako sa mga toh. For sure magtatanong sila.

"Tangina nyo!" Tatawa-tawang sabi ko.

Remember? 'Tangina' means i love you para sa akin. SA AKIN LANG HAHAHA.

"Grabe ka! Hindi mo ba kami namiss?" Ngumuso pa si Jimin.

Hindi pa rin kami naaalis sa yakapan.

Grabe! Pawis na pawis na sila sa sobrang hot ko. Hehe

"Oo nga. Hindi mo ba alam mamatay-matay na ako nung wala ka?" Sabi ni kabayo with sexy voice.

Tanginang toh! Tumaas tuloy yung balahibo ko sa batok. Ramdam ko ba naman yung hininga nya sa batok ko.

"Sayang! Hindi ka pa natuluyan." Biro ko at umalis na sa pagkakayakap nila.

Ngumuso lang sya.

Bigla ko namang pinisil yung pisngi nya. Bakit ang cute nya ngayon?

"Ehem!" Bigla namang may nagreact sa moment namin ni kabayo ko bente tres walang poreber.

"Panira ka talaga Bwi!" Sabi ni kabayo ko bente tres walang poreber at hinabol nya si Bwi.

Bwi? Saan nila napulot yun?

"Bakit Bwi?" Tanong ko sa kanila.

Tumingin lang silang lahat kay gilagid.

Nagpoker face lang sya at parang sinasabi sa mata nya na 'i-don't-give-a-sh*t'.

Napatango na lang ako.

Oo na lang sige.

Lumapit naman si Taehyung sakin at bigla na lang akong niyakap.

Bakit parang may iba? Bigla akong kinabahan na ewan. Bigla na lang sumikip yung dibdib ko tapos parang nagutom pa ako.

"Namiss kita Yasi." Sabi nya at hinigpitan pa yung yakap.

"Huwag mo na akong iiwan ulit ha?" At doon ako napatigil.

Ako ba talaga si Yasi? Iniwan ko ba talaga sya? Pero wala akong matandaan. Gusto ko tuloy malaman lahat.

"Oy oy oy! Tama na yan!" Hinila na ako ni kabayo ko bente tres walang poreber.

Ngumiti lang sa akin si Taehyung. Ngumiti lang din ako kaso pilit.

Napaisip tuloy ako.

Paano kung ako nga si Yasi pero naaksidente ako tapos napulot ako nila Mama at wala na akong maalala.

Pero paano naman yun eh may pamilya ako sa probinsya.

May kambal ako at kamukha din naman namin si Mommy.

Nalilito talaga ako.

Naglakad na kami papuntang room.

Napabuntong hininga na lang ako kaya napatingin sa akin si Taehyung na kasabay ko sa paglalakad.

"May problema ba Yasi?" Napatingin ako sa kanya ng tawagin nya akong Yasi.

"Ako ba talaga si Yasi?" Tanong ko sa kanya.

MOMMY NA AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon