Pangsampu

10 0 0
                                    


Bea's POV

"CAUSE IF YOU LIKE THE WAY YOU LOOK THAT MUCH OH BABY YOU SHOULD GO AND LOVE YOURSELF~."

Arrrrrgghh! Yung totoo? May music na nakanta pa!

Grabe naman hangaan ni kuya si Justin Bieber! Jusko! Pasalamat sya birthday nya ngayon.

Yaaaah! Birthday ni kuya kaya busy kami lahat dito. Kasi sila lang naman talaga yung nagawa. Hahaha.

"Bea tumawag na ba sila tita?" Tanong sakin ni kuya.

Yung tita na sinasabi nya eh si Mommy.

Umuwi na din kasi kaninang madaling araw sila Mommy sa probinsya.

Hindi ko na nga sila nakita dito tapos uuwi agad sila.

"Hindi pa. Kung ikaw na kaya tumawag? Tsk." Inirapan ko sya at umalis na.

Hindi porket birthday nya ano na sya. Ano.. Ano nga pala yun? Hehehe.

Umakyat muna ako sa kwarto dahil nakakapagod maggayat! 6:30am pa lang kaya!

Pumunta ako sa may terrace ng kwarto at umupo dun sa may upuan.

Naalala ko tuloy yung kagabi.

Simula nung lumabas si Thea sa kwarto hindi na sya bumalik.

Kahit text or tawag kung nakauwi na sila wala rin.

Nakakatampo pero mas nangibabaw yung pagtataka.

Alam ko namang may tinatago sya eh.

Lahat ng tao may sikreto.

Ako ngang hindi tao meron eh. Hehehe.

Gusto nyo malaman sikreto ko?

Crush ko si Kreto. Hehehe pero joke lang yun.

Si kabayo talaga. Shhhhh lang kayo ha?

*dingdongdingdongdingdongdingdongdingdongdingdongdingdong*

Napakunot ang noo ko.

Tangina! Sino ba yung tarantadong nasasano sa doorbell namin?

Rinig hanggang dito sa kwarto yung doorbell sa sala.

At Yes! Nakaspeaker ang doorbell namin. Hahaha para daw rinig na rinig yung tunog.

Parang alam ko na kung sino yun. O sino yung MGA yon.

"TANGINA BEA NANDITO MGA KAIBIGAN MO!"

Sinasabi ko na nga ba!

Ang aga-aga gala agad ang pinunta nila!

Bumaba agad ako para sigawan sila.

"PUTA ANONG GINAGAWA NYO DITO?"

Bungad ko sa kanila.

Tumingin lang sila na akala mo walang narinig.

"TANGINA HINDI KAYO MAGSASALITA?"

Pananakot ko. Grrrr!

"Tutulungan ka namin!" Biglang nagsalita si Taetae.

Napakunot ang noo ko.

"Saan?"

"Tutulong daw sila sa pagluluto."

Biglang sumabat si Mama ng dumaan sya.

What? Tutulong sila? Pinagloloko ba nila ako?

Tinignan ko sila isa-isa.

Si Badjao ngiti ng ngiti lang dun.

Si laki balikat naman nakatingin sa may kusina.

MOMMY NA AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon