Chapter 3

182 10 2
                                    


Ara
Nagising ako sa alarm ng cellphone, bumangon na ako sa kama at nag ayos pero bago ako umalis ng kwarto, hinalikan ko muna ang litrato ni nanay at tatay. Agad akong tumungo sa kusina upang magluto ng almusal. Nang natapos na ako, inihanda ko na ang mesa dahil ilang minuto na lang baba na sila. At on cue, pagkatapos kong maghanda, bumaba na ang mga peste sa buhay. Naririnig ko pang nagtatawanan ang dalawang anak ni Tita Thelma habang papunta sa mesa.

"Magandang Umaga po." Panimulang bati ko sakanilang tatlo. Umupo ng padabog si Diana at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na parang hindi kanais nais ang suot ko. "Walang maganda sa umaga kapag mukha mo ang una kong nakikita." Pataray naman saad ni Angelica sakin sabay taas pa ng isa niyang kilay.

"Oh my ghad benta yun sis ! Oo nga naman Ara, panget ang umaga kapag mukha mo ang nakikita." Makipag apir si Diana sa kapatid niya at nagtawanan silang dalawa. Mga bruha !! Akala niyo naman ang ganda ganda niyo. Mukha kayong paa uy !! Yung paa mismo ng nanay niyo, both left and right. Hindi ko na sila inimik pa at pumunta na lang ako sa kwarto ko para mag ayos na sa trabaho. Syempre ligo dito toothbrush doon, palit ng damit at suklay ng buhok. Pagkatapos kong mag ayos, may kumatok sa pintuan ko, binuksan ko at bumagad si Tita Thelma.

"Asan na yung sweldo mo !?" Tanong si Tita Thelma. Kinuha ko ang kalahati ng sweldo ko at iniabot ito sakanya. Binilang niya ito at tumingin saakin. "Bakit ito lang? Sampung libo ang sweldo mo, eh bakit limang libo lang toh ?" Tanong sakin ni Tita.

"Uhmm Tita yung usapan po naton kalahati po nung sweldo ko ay ibibigay ko sainyo, yung kalahati naman ay akin." Pagpapaliwanag ko naman. Hinawakan niya ang buhok ko ng mahigpit at hinila niya ako papalapit sakanya. "Ganon ba? Nandito ka sa bahay ko diba? Kaya ibig sabihin nun, lahat ng nandito sa kwartong ito eh akin. Kasama na rin yang pera mo. Kaya ibigay mo na yan para hindi ka na masaktan." Pagalit na saad ni Tita Thelma sabay hablot ng bag ko. Kinuha niya ang pera at inihagis ang bag saakin.

"Tita naman gagamitin ko pa sana yung pera para sa pag-aaral ko." Saad ko kay Tita, at ngayon hindi ko na mapigilang umiyak. "Wala akong pakealam sa pag-aaral mo! Kaya kung ako sayo simulan mo ng umalis para makapag trabaho ka ulit at magkakapera na ulit kami." Saad niya at umalis ng kwarto ko at ibinagsak ang pinto.

Humagolhol ako, nanghihinyang ako sa buhay ko ngayon. Wala naman akong ginawang masama eh,Bakit nangyayari ito sakin? Napatingin ako sa litrato ni mama, sorry ma ha, hindi ko nasusunod ang payo mong wag magpaapi sa iba. Mas lalong tumulo ang luha ko ng makita ko ang litrato ni magulang ko. Ano kaya ang buhay ko ngayon kapag hindi nila ako iniwan? Pinahid ko na ang huling luha na tumulo sa mga pisngi ko at inayos ang aking sarili para pumunta na sa trabaho.

Pagkarating ko ng Hotel, pumunta akong worker's lounge. Nakita ko agad sila Carol na nagdadamit na ng keeper suit. Nakita nila ako at nilapitan. "Ara, okay ka lang ba? Bakit mugto yang mata mo? May umaway ba sayo?" Tuloy tuloy na saad ni Carol. Pinaupo muna nila ako aa upuan at pinainum ng tubig.

"Okay lang ako guys, puyat lang toh." Matamlay ko namang saad. "Anong puyat? Hindi ka ganyan mapuyat noh? Yung tiyahin mo nanaman ba?" Sunod namang tanong ni Mika. Hindi ko siya inimik at nagpatuloy na lang na uminom. "Sabi ko naman kasi sayo Ara sa bahay ka nalang namin, wala naman kaming kasama dun eh. Umalis ka na sa bahay niyo, inaapi ka lang dun eh." Si Cienne naman ang sumunod na nagsalita. Tumingin ako sakanya.

"Cienne naman, bahay niyo yun eh, ayoko namang maging pabigat." Saad ko.nakakahiya naman yung ganun tsaka ayoko ding maging pabigat. "Kung ganun edi magsampa ka nalang ng kaso laban sa tiyahin mo, andito kami para maging witness." Prisinta ni Camille. "Mille, wala akong pera para mag hire ng abugado at walang tayong mashadong ebidensya. Baka mauwi nanaman sa wala yung kaso." Pangongotra ko sa suggestion ni Mille.

Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon