Chapter 4

230 17 6
                                    

Thomas
Late akong nagising, kasi late din naman akong natulog. I woke up and fixed my bed. Then, I went to the bathroom to do my morning rituals. Pagkatapos ko, pumunta muna ako sa balcony para mag-isip kung ano ang gagawin ko ngayon.
Pool? Nope mashadong crowded. Arcade? Hindi rin, mashadong childish. Habang nag iisip ako ng lugar, tumingin ako sa baba at nakita ko ang top view ng Garden, hindi ako sure pero mukha siyang garden kasi madaming flowers at may area na malawak, baka isa siyang picnic area. Walang mashadong tao kaya naisipan kung doon na lang pumunta.

Bumaba muna ako sa may snack bar at bumili ng frappe at dalawang muffins. Pagkatpos nun tumungo na ako papunta sa Garden. Pag karating ko roon, sinalubong ako ng mga bulaklak kasama narin ang sariwang simoy ng hangin. Naglakad ako papasok sa gitnang bahagi ng garden nang may nakita akong babaeng nakasandal sa isang malaking puno. Naglakad ako papalapit sakanya, sa bawat hakbang ko naririning ko ang mga hikbi niya. Nang makarating ako sa kinaroroonan niya, umupo ako sa tabi niya.

"Miss oh, panyo para hindi na mabasa yang damit mo." Panimula kong saad at inabot ang panyo ko sakanya. Pinahid niya ang luha sa pisngi niya "Ay hindi na, baka madumihan ko yang panyo mo. Baka mamahalin pa yan." Saad niya at inaangat ang niya ang kanyang tingin saakin. Lumaki ang mata niya, tila ba nagulat na nakita ako. Mas tiningnan ko naman ngayon ang mukha niya, teka alam ko tong mukhang ito ah. Siya yung babae sa may pool area.

"Teka, nagkita na ata tayo noon ah. Ikaw ba yung babae sa may pool area ? Yung nabangga ko?" Tanong ko sakanya. Tumango siya sakin. "Oo ako nga, sorry nga pala tinakbuhan kita nun ah. Nagmamadali kasi ako." Paghihingi niya ng paumanhin.

"Ok lang yun, nga pala bakit ka umiiyak?" Pag aalala kong tanong sakanya. Yumuko siya. "Ah wala yun, naalala ko lang kasi yung mga magulang ko. Nami-miss ko na kasi sila." Saad niya at mukhang iiyak muli. "Oh wag ka nang umiyak, ito na lang may joke ako sayo. Ano ang tawag sa Bampirang walang pera?"
Saad ko sakanya. Oh my gash Thom. Alalahanin mo hindi ka joker.

Tumingin ulit siya sakin. "Hmmp, Ano?" Saad niya. "Edi BAM-walang-PIRA." Saad ko at tumawa. Tinginan ko ang mukha niya na parang iniintindi ang joke ko. Nang na gets na niya, tumawa siya at hinampas ako ng mahina. "Pshh, palabiro." Saad niya at ngumiti sakin. At Least hindi na siya umiiyak.

"Nga pala, Asan ba ang mga magulang mo? Wag ka namng umiyak oh. Andito ako para makinig sayo." Saad ko na sana hindi nanaman siya maiyak. Huminga siya ng malalim. "Wala na sila eh, iniwan na nila ako." Tipid niyang sagot.

"Saan ba sila pumunta? Sa ibang bansa ba?" Tanong ko nanaman. Sobrang curious lang talaga ako sa nangyari sa magulang niya. "Sana ganun na lang para pwede pa nila akong mabalikan pero hindi eh, nasa langit na sila." Saad niya at ramdam mo ang lungkot at sakit sa boses niya.

"Sorry, sana hindi na lang kita tinanong tungkol doon. Sorry talaga." Pagpapaumanhin ko sakanya. Ngumiti siya sakin. "Hindi Okay lang, para naman mailabas ko yung sakit na nararamdaman ko ngayon." Saad niya at tumingin sa mga bulaklak na sumasayaw sa galaw ng hangin.

"Okay lang ba sayo kung ikwento mo sakin ang tungkol sa mga magulang mo?" Saad ko. Hindi siya kumibo. Shit Thomas ! How insensitive ! "Ok lang din pag ay-", "eleven years old palang ako ng nakaramdam si mama ng sakit sa puso-" saad niya at sinimulan nang magkwento.

*flashback*

"And they lived happily ever after." Saad ni mama at isinara ang linrong hawak niya. Hinahaplos niya ang buhok ko. "Ma bakit ganun kahit inaapi na si Cinderella manait parin siya?" Tanong ko kay mama. Ngumiti siya sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon