My Otaku Princess

42 4 0
                                    

Kabanata 1

abala si Samantha sa pag bubutingting ng mga headgear ng kanyang iteterno sa kanyang isususot na costume sa magaganap na cosplay competition na magaganap sa Megatrade hall sa SM Mega mall dahil magkakaroon ng anniversary ng Hero TV sa darating na summer.

"Costume playing or Cosplay" yan ang libangan ni Samantha bukod sa pag o-online games, panonood ng animes.siguro masasabing adik na sya sa mga anime. well, hindi nya naman tinatanggi yon. pero kahit na ganun sya, name-maintain nya pa rin naman ang kanyang matataas na grado sa kanyang pag aaral sa kursong HRM.
Hindi lang naman sya ang adik sa pagtangkilik ng mga anime. kasundo nya dito ang kanyang little sister na si Sabrina. sa ngayon nga ay naghahanda na sila para sa darating na event. pabonggahan sila sa napiling costume. napili ni Sabrina ang anime character na si Chii ng Chobits at kay Samantha napag tripan naman niya ang Succubus monster mula sa isang Online Game na Ragnarok.

"ate, hindi ka pa ba tapus jan sa ginagawa mong sungay?" tanong sa kanya ni Sabrina
"malapit na ito, pinopolish ko nalang para matingkad ang kulay ng sungay ko. bakit?" si Samantha
"papatulong sana ako sa pagpulido ng tahi ng gown ni Chii eh."sagot ni sabrina habang pinaiikot ang gunting sa kanyang daliri.

"sige, teka lang. Uy tigilan mo nga yan! madisgrasya ka jan sa ginagawa mo." sita ni Samantha kay sabrina

"di yan!" patuloy pa rin si sabrina sa pagpapaikot ng gunting sa hintuturo.

"bahala ka nga jan." tinuloy na ni Samantha ang pagpopolish ng sungay nya. hanggang sa natapos na nga. tinulungan na nya si sabrina sa pag pulido ng tahi ng gown ng gagawing costume ni sabrina.

"oh yan! ang ganda!" habang tinititigan ang ginawa nilang costume

"oo nga ate. salamat ah. kakaexcite na tuloy na isuot ito." sagot ni Sabrina

"wag mu muna isuot, for sure naman na sakto yan sa sukat mo, baka mabulilyaso pa kapag sinukat."
"ok ate, nga pla teh, bakit succubus natripan mo?"tanong ni sabrina

"nakakasawa na kasi yung mga pasweet na costume, para maiba naman."si Samantha habang tinititigan ang costume nya.

"sabagay, pra nga naman maiba, kaso d ba masyadong daring ate?"sita ni sab

"di naman, i"ll be waring a grayish stockings under my costume, pero kahit wala naman stockings i won't mind, kaya ko naman dalhin yan." si samantha

"hmmm sige ate, wag ka nalang mag stockings, baka makasira sa costume mo."
"we'll see kung ano ba kalalabasan." kibit balikat nalang ang magkapatid.

Heeeeyyy! Sexy Lady! op-op-op-op Oppa Gangnam Style!
(tunog ng Cellphone ni Samantha)
"yes. hello?"
"hello. Sam, tuloy tayo mamayang 6pm sa EB natin ah?" sa kabilang linya
"ok Jed, kita kits nalang tayo sa McDo."
"sige Sam! bye!" end of call

"so tuloy kayo ate sa EB nyo?" si sab

"oo sis, sama ka?" yaya ni sam

"naku ate, ayoko, ma-o-OP lang ako dun! di naman ako marunong maglaro ng game na nilalaro nyo."tanggi ni sab

"e panu ka kasi matututo ? lagi kang tumatanggi! buti na nga lang at yang cosplaying natripan mo, kundi di kita makakavibes lagi." may halong tampo ang tono ni samantha.

"hehe, alam mo naman ako ate eh, mahina ang loob kong makipaglaban sa mga games. nadadala ako lagi at kinakabahan kapag malapit nang mamatay ang character na gamit ko sa laro." Paliwanag ni Sabrina

"hahahaha.. oo nga noh, natatawa nga ako ayo nun nung one time pinaglaro kita ng DOTA, nag titili ka kasi muntik ka nang mapatay ng creeps! hahahahaha!" di mapigilan ni samantha ang katatawa

"oh diba? kaya ikaw nalang! ikaw ang malakas ang loob sa mga games e. ^_^" nakangiting sagot ni sabrina

"ay ate, alas kwatro  y media na, alas sais yung lakad mo di ba?" dugtong ni sabrina

"hala! ay oo! naku, nalibang tayo masyado sa mga costume natin. sis, ikaw na muna magligpit ng mga kinalat at ginamit jan ah? libre nalang kita bukas ng miryenda para makabawi ako sayo! anything you want! just name it! ^_^"

"talaga ate? sige bah! hehe" tuwang tuwa si sab

"sige, liligo na ako, baka mainip mga kasama ko sa EB, sa Fairview pa naman yun." -Samantha

"ok ate. ako na ang bahala dito. bilisan mo." si sabrina habang iniisa isang dinadampot ang mga ginamit nila.

dumiretso na si samantha sa banyo at binuksan ang shower. binilisan nya ang pagligo dahil alamnyang kakapusin sya sa oras sa byahe palang.
matapos maligo ay namili ng damit na isusuot. napili nya ay isang black fitted mini skirt at pink na spageti strap na fitted din sa kanyang magandang hubog ng katawan at pinatungan nya ng black blazer. binagayan nya naman ang kanyang damit ng pink doll shoes.
matapos magbihis ay humarap sa salamin. nagpahid ng baby powder sa mukha at naglagay ng lipgloss sa kanyang manipis na mapulang labi at sinuklay ang kanyang mahabang itim na itim na buhok.
nang makuntento sa ayos ng itsura ay dinampot ang kanyang pink din na shoulder bag. at nagmadaling lumabas ng kwarto at nga paalam sa kapatid na kasalukuyang nanonood na ng tv.

"sis alis na ako! ikaw na bahala jan! i-lock mo yung gate at pinto ah? dahil male-late sila mama at papa ng uwi. nag date nanaman yata yun! hehe." Paalam ni Samantha

"sige ate, ingat sa pag uwi.^_^" paalam ng kapatid nya

nagmadali syang umarkila ng tricycle

"manong sa Phase-2 nga po. pakibilisan lang. salamat" ng makarating sa phase-2 ay agad syang bumaba at nagbayad sa manong, kinuha ang sukli at sumakay sa jeepney.

sa pagsakay sa jeep ay di napigilan ng mga tao na mapahanga sa kanya. mga lalaki nakanganga sa kanya, mga babae namay napairap at pinagkukurot ang kanya kanyang asawa at nobyo nila..

"manong  bayad! sa guadalupe nga po." natulala naman ang manong kaya natagalan sa pagsukli sa kanya. ng matapos magbayad ay ikinabit sa tenge nya ang headset at nagpatugtog sya ng music habang nasa byahe.

I'M SO SICK! Infected with where i live, Let me live without this empty bliss selfishness!!! Let me live!!

napapakanta na rin si samantha hanggang kinailangan nya nang bumaba.

diretso sa sakayan ng bus. rush hour na rin kaya maraming nag uuwian sa kanya kanyang tahanan. pero sya, heto't nagsisimula palang gumala.
minamalas nga naman yata sya ngayon, wala yata syang makitang bus na papunta sa fairview na aircon at hindi puno.
kinakailangan nyang magmadali kasi mahaba haba pa ang kanyang babyahehin. dagdag pa ang trafic so matatagalan talaga sya kung maging mapili pa sya sa bus na sasakyan.

AYUN!! sigaw nya sa isip nya ng mamataan ang isang bus na byaheng fairview hindi nga lang aircon, pero kahit papano, hindi nya kailangan makipag siksikan. mahirap na't baka mahipuan pa sya.

kaharap na nya ang bus, nakahakbang palang ang isang paa nya sa bus nang may bumunggo sa kanya't nakipag uanahan sa pag sakay.

AAAAAAAAhhhhhh!!!! mabuti nalang at nakapitan sya ng lalaking bumunggo sa kanya kundi mahuhulog sya at maiiwan ng bus.
hinila sya nito at sakto namang pag andar ng bus kaya napabunggo sya sa matigas na dibdib nito.

My Otaku PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon