Seriously Crazy Over You

136 2 0
                                    

PANIMULA

Year 2018.

An unexpected event happened.

Sumalakay ang mga nagwawalang bampira sa iba’t ibang panig ng mundo. Nag-fiesta sila. Maraming namatay. Marami ring naging tulad nila.

Apocalypse? Hindi pa naman. Parang bangungot lang.

Year 2019.

Mga tao naman ang nag-fiesta. Payback time. Libo-libo ring mga bampira ang napaslang. Pero mas lalo lang nagwala ang mga natira. Nagkaroon tuloy ng giyera.

Scary? Malamang.

Year 2020.

Pumagitna ang ibang uri ng mga bampira. Iyong mga nasa katinuan.

Nagkaroon ng kasunduan. Tumulong ang mga ito sa paglipol ng mga bampirang naghasik ng lagim sa buong mundo. Pero may kapalit.

Taon-taon, kailangan silang alayan ng mga mortal na gagawin nilang pagkain.

Unfair? Hindi naman. No choice na lang.

Year 2038.

Present time. Kanya-kanyang patakaran ang bawat bansa kung paano nila pipiliin ang magiging alay.

Sa US, lahat ng unemployed. Sa Middle East, lahat ng hindi pwedeng magkaanak. Sa China, lahat ng mahilig mag-anak. Sa Europe, bunutan.

At marami pang kung anu-ano sa iba.

Sa Pinas? Mga kabataan ang pinipili. At may test. Parang entrance exam lang. Lahat ng babagsak, kandidato na sa pagiging alay. May elimination din sa aspetong iyon. Pero may exception. Lahat ng may kamag-anak na mayaman, pulitiko o kahit sinong maimpluwensyang tao, EXEMPTED.

Masaya ba? Ganyan talaga.

Isa si Kusha sa mga napiling ipapadala sa Island #48. Kung bakit Kusha ang pangalan niya, at kung bakit romance story ito....

_ _ _ _ _ _ _

Seriously Crazy Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon