Kabanata Uno -Heartbeat

97 2 0
                                    

“Ate bakit ka aalis?” Lumapit siya sa kapatid na kasalukuyang nage-empake ng damit.

 

“Sasama ako sa kanya.”

 

“Pero bampira siya ‘di ba?”

 

Huminto ito sa ginagawa saka siya nilingonan. “Ibang uri siya ng bampira.”

 

“Mahal mo talaga siya?”

 

“Oo naman. At mahal niya ‘ko.”

 

“Makakahanap din kaya ako ng katulad niya?”

 

Ngumiti ito saka siya marahang hinila sa kamay. Hinaplos pa nito ang mahaba niyang buhok. “Siguro...kung katulad din niya ang nakatakda para sayo.”

 

NAGBABAGO ang anyo ng tubig. Gumagalaw ito. Umiikot ang paningin niya. Hini-hypnotize ba siya ng dagat? Humigpit ang kapit niya sa railing. Pakiramdam niya’y hinihintay ng tubig na malaglag siya.

 

Feeling din niya may sumasayaw sa loob ng tiyan niya...at gusto nitong gumapang paakyat—palabas ng bibig niya!

 

Shemay!

 

“Hoy Kusha, okay ka lang?” Tinapik siya ni Shala. Malakas.

 

Nasuka siya bigla, diretso sa dagat. Letseng baklang ‘to!

 

Tatlong beses pang naglabas ng sama ng loob ang sikmura niya bago siya nahimasmasan. Pinunasan niya ang bibig gamit ang kanang braso.

 

“Ew! Sana nagsabi ka munang susuka ka pala. Hetong panyo.” Inabot sa kanya ni Marshalo ang puting panyo. Maarte ‘to. Kahit saan magpunta, palaging may bitbit na ganito.

 

“Abnormal ka ba? Pinagpapaalam ba ang pagsuka?” Tumalikod na siya sa dagat at isinandal ang likod sa railing. Tumingala siya saka huminga nang malalim.

 

Hindi talaga siya sanay na bumibiyahe sa barko. Kahit pa sa bangka.

 

“Gusto mo ng gamot? Ikukuha kita.”

 

“Huwag na. Okay na ‘ko.”

 

“Sabi mo eh.” Nagkibit-balikat na lang ito sabay gaya sa pwesto niya with matching buklat sa librong anim na beses na yata nitong binabasa.

 

Vampire Games.

 

Nang matapos ang giyera sa pagitan ng mga tao at bampira seventeen years ago, naging trending ang Vampire genre sa mga libro at pelikula. Iba-ibang kwento. Iba-ibang tema. Nakakaumay na. Pero isa lang ang talagang tumatak sa kanya.

 

Ang kwento ng ate niya.

 

Eight years ago, iniwan siya nito sa Lola nila. Sumama kasi ito sa nobyo nitong bampira. Nang tinanong niya ang kapatid kung bakit hindi siya pwedeng isama, sinabi lang nito na hindi raw iyon ang buhay na para sa kanya, at baka hindi na rin ulit sila magkita.

Seriously Crazy Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon