Chapter 1

8 1 0
                                    

~Sharing is Good~

Abigail's POV

Nakakainis naman! Monday...

Panira ng mood.

Kahit sabihin mong isang subject na lang ang natitira, nakakahilo pa rin kasi puro double periods.

Bakit ba kailangang double periods ang subjects tuwing Monday? Hmp. Gusto yata nilang magkaroon ng zombie outbreak dito sa school, eh.

"Yes, Miss Himenez? Are you okay?" Binigyan ako ni Ma'am Dela Cruz ng matalim na tingin.

I twitched a bit.

"Yes, Ma'am. I'm okay."

"Very well. I just need you to answer this equation on the board." Nanlaki ang mga mata ko.

"Is there a problem?"

"A-ah, no ma'am." Randam na ramdam ko yung mga mata nila sakin.

Tumayo na ako at pumunta sa board. Tinignan ko muna yung equation. Nang maisip ko na yung sagot sinagutan ko na agad. Para matapos na, noh. Pahirapan ko pa sarili ko sa pagtitig.

Ngumiti ako kay ma'am at bumalik ba sa upuan. May narinig akong palakpak mula sa dulo ng room. Si Mike.

I rolled my eyes. Bestfriend ko yun. Bumaliko. Gets niyo na yun.

Umupo na ako ulit. Nilagyan ng malaking check ni ma'am yung sagot ko. Tch. 'Di ko ineexpect yun.

Well, this is how school works.

~

Kagagaling lang namin ni Mike sa canteen. Bumili na kami ng chips at softdrinks para baon namin sa biyahe.

Eh, ito. Nag-aya gumala si Mike. Wala naman rin akong gagawin sa bahay. Pumayag na lng ako.

Nakasakay na kami ng jeep. Tinapon na namin yung pinagkainan namin sa basurahan ng jeep. Nilibre na ako ni Mike.

Ayan, onting uto lang talaga. :3

Maya-maya nakarating na rin kami sa mall. Unang pinunterya ni Mike yung Forever 21. Ako nakasunod lang.

Wala kayang nabibitter sa pangalan ng boutique na 'to? :/

I'm just curious.

"Ay, ito, Abby! Bagay sayo." Tinapat sakin ni Mike yung hawak niyang dress.

Hinawi ko yun. "Tsk. 'Wag mo nga akong idamay sa kalandian mo."

"Grabe, ha. Kalandian agad? 'Di ba puwedeng style lang muna?"

"Style? Tch. May style naman ako, ah."

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Style ba yan? Mukha ka ngang dork. Dali. Isukat mo. Malay mo magkaroon ka ng pag-asa sa crush mo."

"Hoy, wala akong crush!"

"Sus, sino niloko mo, Abby? Huwag ka na magdeny. Bagay naman kayo ni Lance, eh."

Binatukan ko nga. Aba, kung ano-ano ang nasa isip. Ni hindi ko nga alam kung ano feeling ng may crush, eh. Dahil wala akong crush.

"Aray!"

"Yan sayo. Lalayas na nga ako." Dali-dali akong lumabas ng Forever 21.

Tsk. Ang hirap naman kasi makalabas dito. Ang daming pasikot-sikot. Nakaharang pa yung mga damit. Malamang...

"Abby! Sorenah. Halika ililibre kita ng french fries."

"Huwag mo akong utuin--" Nagulat ako nang higitin niya ako papunta sa escalator.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon