11: After

54 10 0
                                    


Monica's PoV


Kasalukuyan, taong walang nakakaalam.....


Nakaramdam ako ng mga labing hinahalikan ang bawat parte ng mukha ko. I smile at the thought kung sino. I keep my eyes close at hinahayaan na lang siya. Ang sweet niya talaga kahit kelan.


"Mommy wake up" tapos niyugyog ng anak ko ang balikat ko. Yes, anak ko na ngayon ang alarm clock ko at may anak na ako.


Napadilat ako at napangiti sa cute na cute niyang mukha. Nagmana talaga sa'kin ang kagandahan niya.


"Good morning mommy!" matamis na bati niya tapos hinalikan ako sa pisngi.


"Good morning sweetie" I kiss her back in the cheeks at pinuno ko na ng halik ang mukha niya. E nanggigigil ako e, kasi ang cute.


"Mommy we're going to be late" reklamo ng anak ko. It snapped me back from the reality na ngayon pala ang first day of school naming dalawa. Nga naman! Ma l-late na kami!


Pero bakit hindi ako ginising 'nung isa? Kainis siya ah!


"Sweetie nandyan pa ba ang daddy mo?" tanong ko sa anak ko.


"Opo mommy"


"Sweetie tell your Daddy na sabay na tayong tatlo okay? Maliligo lang ako" tapos agad akong pumunta ng CR at nagshower ng napakabilis. I throw myself in jeans and denim shirt tapos humarap sa salamin.


Napaisip ako.


Everything has change.


Mula sa brand ng eyeliner ko hanggang sa kulay ng lipstick ko. Marami na rin ang nagbago sa anim na taong lumipas. Mas lalong uminit sa Pilipinas at mas lalo itong naghirap. Pero hindi rin maikakailang malapit ng malagay sa guiness book of world record ang traffic sa EDSA.


7.50 na lang ang ariel at may bago ng flavor ng ice cream ang selecta. Ang mas malupit pa dyan ang Justin Bieber na binabatikos at kinamumuhian ay ngayon minamahal na ng sambayanan.


Pero kahit na ganuon isa lang yata ang hindi nagbago....ang kagandahan ko. Isama na natin ang pagmamahal ko sa isang taong nakaanuhan ko lang one time pero nabuntis na agad ako. Pambihira nga namang buhay ito. At lasing pa 'ko 'non kaya hindi ko na-enjoy.


My life became a twisted joke. Ang lalaking inaasam-asam ko ng buong puso at dangal ko at iginagalang ko sa ngalan ng hukbong sandatahan ng Republika ng Pilipinas ay naging asawa ko. We're literary married at hindi married sa FLAMES.


But I've made my husband's dreams undone by letting him marry me because of the responsibility. Yes, I got pregnant out of the wedlock. Huminto ako ng pag-aaral syempre. Anong ini-expect niyo? Si Nathan naunsyami rin ang pagmemedisina niya.

Sweet MonicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon