5: Easy Way To Break A Relationship

87 16 11
                                    

Monica's PoV

Dapat siguro magtatag ako ng partylist at papangalanan kong 'Sawimpalad partylist. O, di kaya magsusulong ako ng campaign. Anti-Laura campaign. Para magkaroon ng kabatiran ang balana sa laganap na taong katulad ni Manang Laura La Buda.

Parang kabute! Sumusulpot sa mga pagkakataong hindi mo inaasahan. Okay, bitter na kung bitter eh, ano ngayon? Hindi naman siguro ako magkaka-AIDS kung magpapakabitter ako diba? At lalong hindi mababawasan ang ganda ko. Lintik lang ang walang ganti Laura! Pagsisihan mong ipinanganak ka pa sa mundo. May araw ka rin!

"Mon, Are you okay?" Lumingon ako kay Tamara ng ilang segundo tapos bumalik na ulit ang tingin ko sa dalawang naglalambingang nilalang sa sofa. I just hope my piercing scrutiny would kill them.

"Never been better" I said with the bitterness of my tone hulling the peel of the cucumber in the breakfast bar. My eyes never leave them.

Hindi pa tapos ang game at para bang may masamang hangin na nag-udyok sa lahat ng tao sa lunang ito na tumahimik.

"Mon...I don't know...but what you're doing will take you to nowhere" Great! I don't need that kind of advice right now. Naiimbyerna pati ang kaluluwa ko at ayokong dumagdag pa 'tong si Tamara. 

Selos at galit ang siyang dumadantay sa bawat ugat sa katawan ko hanggang sa himaymay ng aking laman. Pati ata kuko ko nagpupumiglas na rin sa muhi.

"I can't stop myself from feeling like this Tams...It's like anger is controlling my brain right now " depensa ko na lang nang maalala ko ang movie na inside out.

"I don't really know what I'm going to do to you Mon. You're stuck in the situation where the only solution is to let go but you're so hard-headed and keep on holding back even if you know he will never come and save you"

I just gulp at what she said. Hindi ito ang Tamara na kilala ko. Mababaw na tao si Tamara at ngayon naging malalim na siya. Anyare?

"So what do you expect me to do then?" Pati ako nahahawa sa English niya. 'Yan tuloy napapaenglish na rin ako.

Silence swam around the two of us. I saw her mind drawn in depths of thinking. She looked at me for a split second scratching her chinny chin chin.

"Magpatiwakal ka na lang kaya. Para tapos!" I scoff at what she said. Now she's back to being shallow. Pero tama nga naman siya! Bakit hindi ko naisip 'yun?

"Samahan mo 'ko"

Kumunot ang noo niya. "Saan?"

"Magpatiwakal"

"Gaga"

Wala talagang moral support. Hindi naman siya ang bibili ng tali, ako, isasama ko lang siya para naman may mag-cheer sa'kin sa pagpapatiwakal na gagawin ko.

We both giggle a little bit.

Sapat na upang mabawasan ng kaunti ang poot at pagkamuhi na patuloy na sumisibol sa puso ko.

"Let's go. Don't deprive yourself for having fun" sabi ni Tamara tapos hinila na ako at iginiya pabalik sa sofa. Bitbit ko na ngayon 'yung ginawa kong vegetable salad.

"So guys what did we miss?" Panimula ni Tamara. Umupo na ulit ako sa pwesto ko sa sahig. This time katabi na ako ni Brent at katabi naman niya si Jamie kasi pumalit sa pwesto nila si Nathan at Manang Laura. 

Mas lalong umasim ang mukha ko ng makita kong nakaakbay si Nathan kay Laura. Tsk! Kainis!

"Philippines is going to have a major come back. We're absolutely winning this game" Brent mused sipping the red wine in the glass goblet. Saka ko lang narealize that right now, right at this moment I became a freakin seventh wheel. Just Great! Monica the bloody seventh wheeler!

Sweet MonicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon